"Tsk"
"AYY MOKONG!" ano ba naman tong si kenneth lagi nalang nang gugulat.
"Bakit gising kapa? Kanina ka pa ba nakikinig dyan?" Ibinaba ko na ang phone ko at lumapit sa kama at nahiga. Nahiga na din sya pero tumingin muna ito sa akin at ngumisi.
"Goodnight ate."
"Go-good night din" ano ba yan nauutal pa ko ! Makatulog na nga!
...."Sandali lang ate" tumatakbo si kenneth papalapit sa akin. Maaga ako nagising kaso nandun si mommy. hindi na ko makapag breakfast
"Bakit?"
"Ohh.. alam kong hindi ka kakain sa bahay. Alam mo ate, mahal ka ng mommy mo." Inabot nya ang sandwich na hawak nya.
"Soon ate, magiging okay din kayo."Ngumiti lang ito at umalis.
Hindi ko nalang sya pinansin...
Sinundo ko na si andrew kagaya ng naka sanayan."Hi stellar goodmorning." Napahinto kami ng makasalubong namin si aaron.
"Goodmorn-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan ni andrew ang kamay ko at humarang sa harap ko.
"Ayos ka din pre! Sino ba talaga?" Nakangising tanong si aaron. Anong sino ba talaga? Hindi ko sila maintindihan.
"Uyyy anong nangyayare jan ah!" Napalingon ako kay andrea na papalapit sa amin.
"Besh! Uhm andrew tara na, nandyan na si andrea." Pilit kong hinihila si andrew pero hindi sya nagpatinag. Para bang sila lang ni aaron ang tao doon.
Napatigil naman ako ng mapansin kong Lalapitan ako ni aaron pero bago pa nya magawa ay hinarangan sya ni andrew ulit.
"Pre kalma! Bakit Parang takot ka?" Lumapit si aaron kay Andrew at may binulong.
Nagulat nalang ako ng itulak ni Andrew si aaron kaya agad kong hinila sya palayo. Susugod sana si aaron pero pinigilan naman ito ni andrea.
Pilit na kumakawala si andrew kaya niyakap ko na sya.
"Tama na andrew please. Umalis nalang tayo. Natatakot na ko." Mas hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya. Niyakap nya din ako
"Tigilan mo na to. Lumayo ka nalang pre hanggat kaya ko pa magtimpi sayo." Hinila na ko ni andrew paalis pero natigilan ako sa sinabe ni aaron
"Kanino pre? Linawin mo kung kanino ko lalayo. Sa kanya ba o--" susugod pa sana muli si andrew pero pinigilan ko na sya. Naguhuluhan na ko. Gusto ko ng lumayo.
"Tumigil ka na nga!" Galit na din si andrea. Natawa naman sa kanya si aaron.
"Huwag ka sa akin magalit. Hindi ako ang kontrabida dito. Kung ako sayo stellar, magiingat ako." Nakita ko ang pag ngisi ni aaron bago umalis. Habang si andrew ay bakas ang galit sa muka.
"Tara na" sumunod lang ako kay andrew. Hanggang sa makarating kami sa classroom .
"Beshie tara na kain na tayo!"
"Ikaw nalang muna andrea. Hindi pa kasi ko gutom mauna kana"pagsisinungaling ko. Kailangan ko kasi kausapin si andrew. Hindi ako mapakali
"Ayos ka lang ba besh? Iniisip mo pa din yung kanina?" Naupo sya ngayon sa table ko habang inaayos ang bag nya.
"Hindi besh. Talagang Wala lang akong gana."
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...