"Andrew" hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi na ko makapag salita. Basta nalang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Tsk, hindi mo na kailangan sumagot."
"Teka andrew---" pinatay na nya yung phone. Napasapo nalang ako ng ulo ko.
"Besh hindi ba parang sobra na yung sinabe mo? Nagaalala lang sayo yung tao."
Wala na kong nagawa. Kinuwento ko kay Andrea yung nagka pasa si andrew, yung paguusap namin ni Aaron sa computer lab. at yung tungkol sa picture na sinend ni Aaron kanina..
"besh, wala ko sa posisyon mag judge. pero Naiintindhan kita. Kung ako din yan, masasaktan ako.. mapapaisip din ako. Pero sa sitwasyon nyo ni Andrew, diba dapat ikaw ang mas may kilala kay andrew? Sana, sana Wag mo hayaang lasunin ng ibang tao ang utak mo. Napayuko ako sa sinabe ni besh. Ano ba tong nagawa ko?
"Yung aaron na sinasabe mo kanina, sya yung nanligaw sayo dati diba?"
"Huh? Uh oo"
"Stellar, makinig ka.. ang usapan namin ni andrew dati, hindi na namin to sasabihin sayo to pero kailangan mo malaman lalo na at umaaligid nanaman sya. Si aaron, Hindi kaba nagtataka bakit sya tumigil manligaw sayo?"
FLASHBACK
Andrea's POV
"Uyy besh ha ang haba nang hair mo. Hindi ka talaga tinitigilan nung aaron! tutal ayaw mo naman kay Andrew my loves kay aaron ka nalang!."
"Besh, yung totoo? Ikaw yata may gusto dun. Mas kinikilig ka pa! Sayo na sis! Kaloka ka" napairap naman si stellar sakin.
"Sis, FYI lang ha, si aaron ay isa sa mga sikat na lalake sa school sadyang nakafocus ka lang kay papa andrew kaya hindi mo sya kilala... Pero teka lang Besh ah mamaya na tayo magchikahan. Kunin ko lang yung cellphone ko baka nag text na yung boyfriend ko!!"
Pumunta na ko sa room para sana kunin ang phone ko. Mas safe kasi dun walang tao Dahil busy ang lahat sa event.
"Pre gusto ko talaga si stellar bakit ayaw mo maniwala! Hindi ka naman nya boyfriend kaya wag kang umasta!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni aaron. Sinilip ko kung sino ang kausap nya. Teka? Andrew?
"Wag mo ko ginagago pare. Alam kong hindi ka seryoso sa kanya. Tigilan mo na to hanggat nagtitimpi pa ko sayo."
"Ano bang kinagagalit mo? Pre wag kang mag malinis. Ikaw nga may stellar kana, nilalandi mo pa si veronica! Tangina pre alam mo namang type ko yung tao!"
"Aba't gago ka pala eh. Hindi ko type si veronica." Susuntukin sana ni andrew si aaron.
"Sige! Ituloy mo! Para mas lalo akong paburan ni stellar."ngumisi ito na halatang nang aasar.
"Ano ba talagang plano mong animal ka!"
"Kukunin ko si stellar tutal inaagaw mo si veronica." Napakuyom ang mga kamao ko sa naririnig ko.
"Tigilan mo si stellar. Wala syang kinalaman dito. Wag mo sya idamay. Kung ayaw sayo ni vero pabayaan mo sya. Madami pang ibang babae jan"
"Kung hindi ko makukuha si vero, sisiguradhin kong makukuha ko si stellar.. kaya kung ako sayo, lalayo ako kay vero. At kapag nakuha ko sya, Titigilan ko si stellar"
Hindi ko na kaya manahimik! Naglakas na ko naglakas ng loob pumasok.
"Tama na yan! Walang hiya ka aaron! Manloloko ka pala!" Agad kong sinugod si aaron at binato sa kanya ang bag na hawak ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at sinipa ang parteng hindi na dapat pangalanan.
"Subukan mo pang lumapit sa bestfriend ko. Hindi lang yan ang aabutin mo sakin" kinuha ko na ang gamit ko at Hinila si andrew na halata ang gulat sa muka. Iniwan namin si aaron na pagulong gulong sa sakit.
"Andrea, wag nalang natin sabihin kay stellar yung nangyare. Hindi makakabuti kung malalaman pa nya yun" napatingin ako kay andrew na bakas ang pagaalala sa muka. Napangiti nalang ako.
"Tsk. Ayaw pa kasi umamin. Oo na po hindi ko po sasabihin" ngumiti lang ako at nauna ng umalis. Alam ko naintindihan nya yung sinabe ko. Hayss ang torpe
END OF FLASH BACK
Stellar POV
"Kaya besh, wag ka maniwala kay aaron. Sinisiraan nya lang si andrew. Matagal ka ng gusto ni andrew. Hindi ka nya kayang lokohin besh. " tumango naman ako kay andrea. Tama sya. Dapat hindi ako nagpaloko kay aaron.
"Pero besh, si jeff? Nakapag usap na ba kayo ng maayos?" Napabuntong hininga nalang ako sa sunod sunod na nangyayare .
"Baho besh ah" napataas nalang ako ng kilay at hinampas ko sya
"Charot lang besh! Kailangan talaga may pag hampas. Grabe ka besh. Oh dali na chika na" inirapan ko nalang sya.
"Hindi pa besh. Uunahin ko muna yung samin ni andrew. Makakapaghintay naman siguro yung sasabihin nya."
"Paano besh kung balak ka ligawan ulit ni jeff? " Napahinto ako sa sinabe ni andrea.
"Ano kaba besh. Wag ka ngang ganyan. Kung ano ano iniisip mo"
"Besh, kitang kita naman na may gusto sayo si jeff. Manhid lang besh?"
"Wag na muna natin syang isipin besh. Ang mahalaga yung samin ni andrew " sana maging okay din ang lahat
"Sis sana maayos nyo ni andrew yung problema nyo "
"Thank you beshie. Love you"
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
عاطفيةWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...