This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paggising ni natalie ng umagang iyon, may pakiramdam siya na mayroong di magandang nangyari. Kinuha niya si Stug, isang malambot na asong stuff toy na halos kalahati ng kama niya ay sakop nito, si stug ay kasama na niya simula pa ng maalala niya ito. Nung ika pitong kaarawan niya, nung nakaraang buwan, Julie, ang labing limang taong gulang na ate niya, ay inaasar siya nito na panahon na siguro para ilagay na sa bodega si stug.
Tapos naalala ni natalie kung ano ang mali na pakiramdam niya: Si Julie ay hindi umuwi kagabi. Pagkatapos ng hapunan, pumunta siya sa bahay ng matalik niyang kaibigan na si Nikki para mag-aral sa pagsusulit sa mathematics. Nangako siya na uuwi din kapag alas nuebe na ng gabi. Quarter to nine, si mama ay pumunta sa bahay nila ni nikki para i-uwi na si Julie pero sinabi ni Nikki kay mama na nakaalis na si Julie, nung alas otso palang ng gabi.
Si mama ay bumalik ng bahay na may pangamba sa kanyang mukha at maluha luha na mga mata, hanggang sa kakauwi lang din ni papa galing trabaho. Si papa ay isang lieutenant sa Amstelredamme State Police, sa oras na iyon, si papa at si mama ay nag si tawag sa mga kaibigan ni Julie. Pero ni isa walang nakakita sa kanya. Tapos sinabi ni papa na lilibot siya sa bowling alley at sa malapit na ice cream parlor, magbabaka sakali daw siya na baka nagdaan dun si Julie.
“Kung nagsisinungaling man siya sa paggawa ng takdang-aralin niya hanggang alas nuebe ng gabi, hinding hindi siya makakalabas sa bahay na ‘to ng anim na buwan!” Sabi niya ng pasigaw at sinabi pa niya kay mama: “Kung sinabi ko ‘yon ng isang beses, sasabihin ko din yun ng ilang beses—Ayoko na nasa labas pa siya pagsapit ng dilim. Hindi ito ang bansa natin, hindi natin kilala ang lahat ng tao dito!”
Kahit nangagalaiti sa galit, alam ni Natalie na mas nangingibabaw padin ang pangamba ng kanyang papa kesa sa galit na nadarama.
“Jusko naman, Mike! Umalis siya ng alas syete ng gabi, pumunta siya kayla Nikki. Sinabi niya na uuwi siya ng alas nuebe. Hinatid ko pa nga siya sa dun.”
“Kung gayon, nasaan siya ngayon?!”
Pinatulog na nila si Natalie at ngayon ay kakagising lang niya. Siguro ay nakauwi na si Julie ngayon, yun ang kanyang inaasam. Bumaba siya sa kama, tumakbo palabas ng kwarto niya at nagmadali papunta sa kwarto ni Julie. Sana andyan ka, sabi niya. Sana nandyan ka na. Binuksan niya ang pinto. Ang kama ni julie ay hindi pa nahihigaan.
Ang mga paa niya na magaan na humahakbang, si Natalie ay nagmadali pababa ng hagdan. Ang kapitbahay nilang si Mrs. Devin. Nakaupo kasama ang mama ko sa kusina. Suot padin ni mama ang damit niya kagabi, at ang itsura niya ay parang walang tulog sa kakaiyak.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench