5
Kung saan man nagpunta si natalie, gusto niyang gawin yun. Pagkatapos kasi umalis ng mabait na detective, sinubukan niyang hanapin ang mama niya, pero sinabi sa kanya ni Mrs. Devin na may sinabi ang doctor sa mommy niya para matulungan ito na makapagpahinga. Halos buong araw namang nasa kwarto si papa at nakasarado ang pinto. Sabi niya na gusto muna niyang mapag-isa.
Ang lola kong si Tina, na nakatira sa Florida, dumating ng hapon ng sabado, pero umiyak lang siya magdamag.
Si Mrs. Devin at ang mga kaibigan ni mama sa bridge club ay nasa kusina. Isa sa mga kaibigan ni mama ay narinig ni natalie na may sinabi, Mrs. Storey: “Feeling ko walang akong silbi, pero iniisip ko naman na baka kapag nakita tayo ni Mike at Jane na nandito, atleast mararamdaman nila na hindi sila nag-iisa.”
Lumabas ng bahay si Natalie at umupo sa may swing. Lalo niyang inuuga ang swing para mas mataas pa ang abutin niya sa pag swi-swing. Gusto niyang pumunta sa pinakatuktok ng swing. Gusto niyang malaglag mula sa taas at bumagsak sa sahig para masaktan siya. Siguro, hindi na masasaktan ang damdamin niya kapag nangyare yun.
Tumila na ang ulan, pero wala pading araw na nagpapakita at malamig ang hangin. Makalipas ang ilang oras, alam ni Natalie na wala ring silbi ang ginagawa niya; hindi aakyat ang swing sa pinakatuktok. Pumasok nalang uli siya ng bahay, bago pa siya pumasok sa kusina. Narinig niya ang boses ng mommy ni Nikki. Kasama niya ang ibang friends ng mommy ni natalie, at alam ni natalie na naririnig niya itong umiiyak. “Nagulat talaga ako na umalis si Julie ng maaga. Madilim na sa labas, at sumagi sa isip ko na ipagmamaneho ko nalang sana siya pauwi. Kung. . .”
Tapos narinig ni Natalie na sabi ni Mrs. Lewis, “Kung sinabi lang sana ni Natalie na lagi palang pumupunta si Julie sa garahe na ‘yon. Siguro nakapunta dun ng nasa oras si Mike.”
“Kung sinabi mo Natalie. . .”
Pumanik ulit si natalie sa taas, nag-iingat siyang umakyat para hindi siya marinig ng kahit sino. Ang gamit ng kanyang lola ay nasa higaan niya. Hindi ba matutulog si lola sa kwarto ni Julie? Tutal wala naman ng tao dun. O baka naman papayagan siya na matulog sa kwarto ni Julie. Tapos kapag nagising siya mamayang gabi, iisipin niya na babalik si julie sa ano mang oras.
Ang pintuan ng kwarto ni Julie ay sarado. Binuksan niya ito ng dahan dahan, na parang ginagawa niya t’wing sabado ng umaga, upang tignan kung natutulog parin si Julie.
Nakatayo si papa sa tapat ng lamesa ni Julie. May hawak siya na picture frame. Alam ni natalie na baby picture yun ni Julie. Habang pinapanuod niya ang papa niya, binuksan ng papa niya ang music box ni julie. Isa yun sa mga regalo na binili ng papa niya para kay Julie pagkasilang sa kanya. Laging binibiro ni papa si julie na nung bata pa siya, hindi ito makatulog, kaya ang ginagawa niya binubuksan ang music box at isasayaw niya si julie sa kwarto, at sinasabayan niyang kumanta music box hanggang sa makatulog si Julie.
Tinatanong ni Natalie ang papa niya dati kung ginagawa rin ba yun sa kanya nung bata pa siya, pero hindi daw sabi ng mama niya, kasi lagi daw tulog si natalie nung bata pa siya. Simula ng isilang siya, hindi naman siya magulong bata.
Nung narinig na niya ang tugtog ng music box, narinig niya sa isip niya ang mga lyrics nito. “. . . You’re daddy’s little girl to have and to hold. . . . You’re the spirit of Christmas of Christmas, my star on the tree. . . . And you’re daddy’s little girl.”
Habang nakatingin siya, biglang umupo ang papa niya sa tabi ng higaan ni Julie at napaluha. Umalis agad si natalie, sinara ang pinto ulit kung gaano niya kainggat na binuksan, ganun din niya kainggat na sinara.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Gizem / Gerilim❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench