S I X

30 1 0
                                    

TWENTY-Two YEARS LATER

 

6

Ang kapatid ko, si Julie, ay pinatay 23 years ago, pero para sa akin, parang kahapon lang ‘yon nangyari.

Nakulong si Rick Webb dalawang araw pagkatapos ng burol at inakusahan siya ng first degree murder. Lahat kasi ng impormasyon na alam ko ay sinabi ko sa pulisya kaya nakagrant ng search warrant para sa bahay ni rick at sa kanyang sasakyan. Nahanap ng mga pulisya ang damit na suot ni Rick ng pinatay niya si Julie, at kahit nilabhan niya ito nakita parin sa police lab ang dugo na natira dito. Ang gulong na ginamit na panghampas sa ulo ni julie ay nakita sa likod ng sasakyan niya, hinugasan din niya ang gulong na ‘yun pero may maliit na buhok ni julie ang kumapit at natira duon.

Ang depensa ni Rick Webb sa mga paratang sa kanya ay nasa labas siya, nanunuod ng sine nung gabi na pinatay si Julie. Puno na daw ang parking lot ng sinehan, kaya iniwan niya ang sasakyan niya sa may tabi ng Service Station. Sabi niya na sarado ang service station ng araw na ‘yun pero nakita niya na bukas ang katabi nitong garahe at nandun si Jacob. Sinabi din ni Rick na nilapitan pa nga niya si Jacob at sinabihan ito na iiwan muna ang sasakyan duon at kukunin din mamaya pagkatapos niyang manuod ng sine.

Sinabi niya na baka habang nanunuod siya ng sine, dinrive ni Jacob Harris ang sasakyan niya papunta sa garahe, pinatay si julie, at binalik ang sasakyan sa Service Station. Sabi pa ni rick na madami ng beses niyang iniwan ang sasakyan sa service station dahil lagi itong pinapagawa, marahil dahil dun, na duplicate na ni Jacob ang susi ng kotse niya.

Inexplain din niya ang dugo sa damit niya at sa sapatos niya. Nagmamakaawa daw si Julie sa kanya na makipagkita sa kanya sa garahe. Sinabi pa niya na lagi siyang tinatawagan nito at tinawagan pa nga siya ng bandang hapunan, nung gabi bago ito pinatay. Sinabi ni Julie sa kanya na lalabas siya kasama ni Jacob Harris sa thanksgiving party at ayaw ni julie na magalit si rick sa kanya.

Wala naman akong pakialam kung sino ang ida-date niya,” yun ang inexplain niya ng tumestigo siya sa trial.

Isang lang siyang batang babae na may pagtingin sa akin. Lagi niya akong sinusundan kahit saan. Lalabas lang ako, biglang nandun na din siya. Pupunta ako sa bowling center, tapos biglang naglalaro na din siya sa kabilang lane nito. Nahuli ko sila ng mga kaibigan niya na nasa garahe ng lola ko, naninigarilyo. Gusto kong maging mabait, kaya sabi ko sa kanya na okay lang sa akin kung andun sila. Lagi siyang nagmamakaawa sa akin na isakay ko siya sa sasakyan ko. Lagi niya akong tinatawag.”

Meron din siyang explanation kung bakit siya pumunta sa garahe nung gabi na ‘yun.

Paglabas ko ng sine, nagdrive ako pauwi. Tapos nag-alala ako sa kanya. Kahit na sinabi ko sa kanya na hindi ako makikipagkita sa kanya, sabi parin niya na hihintayin niya ako. Inisip ko na mas makakabuti kung dadaan muna ako sa garahe saglit at siguraduhin na makauwi siya ng maayos bago pa magalit ang papa niya. Ang ilaw sa garahe ay pundido na. Medyo nung una natakot pa ako habang naglalakad papunta sa likod ng van. Duon kasi laging naglalatag ang mga kaibigan ni julie ng sapin at dun maninigarilyo.”

“Naramdaman ko ang sapin sa ilalim ng paa ko. Alam ko na may nakahiga duon, at naisip ko na siguro nakatulog si julie sa kakahintay sa akin. Lumuhod ako, at naramdaman ko na may dugo ang mukha niya kaya tumakbo ako.”

Tinanong siya kung bakit siya tumakbo.

“Kasi natakot ako na baka pagbintangan ako.”

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon