2
Hindi lang nagpa-practice para sa kanyang team o kaya naman pag may game lang kapag baseball season nagpapakita si Jacob Harris, sixteen year-old, nagtratrabaho siya sa Caligula Service Station pagkatapos ng school at buong araw ng sabado. Sa oras din na yun, tumutulong din siya sa restaurant na pag mamay-ari ng magulang niya sa kabilang street lang mula sa service station, ginagawa na niya yun simula pa nung seven years old siya.
Hindi matalino, pero magaling siya sa mga mekanikong bagay, gusto niya ang paggawa ng sasakyan, o ayusin ito, at ang mga magulang niya ay naiintindihan ang ang pagtratrabaho nito para sa ibang tao. Meron siyang blond na buhok, blue na mga mata, bilugan na pisngi, at 5’8” ang height, Si Jacob ay tahimik pero napakagaling na empleyado sabi ng kanyang boss sa service station at medyo may pagka nerdy sabi naman ng iba niyang kaklase sa State High. Isa sa mga achievement niya sa school ay ang mapasali sa football team.
Biyernes, ng kumalat na sa school tungkol sa murder case ni Julie Carey, ang mga guidance counselors ay pumunta sa bawat classrooms para ibalita sa mga estudyante. Si Jacob ay nasa gitna ng klase ng dumating si Ms. Watsons sa classroom, may ibinulong sa teacher at tumayo sa harapan ng desk para makuha ang atensyon ng mga estudyante.
“I have a very sad news for all of you,” umpisa niya.
“We have just learned. . .” sa kanyang pananalita mararamdaman na pati siya ay nagdadalamhati, sinabi niya sa mga estudyante na ang sophomore student na si Julie Carey ay pinatay, biktima. Ang reaksyon ng mga estudyante ay sobrang na shock at halos naghihinagpis na protesta.
Biglang may sumigaw “NO!” natahimik ang lahat. Ang tahimik na Jacob Harris ay napalitan ng pait sa mukha, at nanginginig na katawan hanggang paa. Habang ang mga kanyang kaklase ay pinagtitinginan siya, bigla siyang tumakbo palabas ng classroom. Habang pasara ang pinto nanilabasan niya, may sinabi siya na halos hindi gaano malinaw. Pero, may isang estudyante na nakaupo malapit sa pinto na sumumpa na narinig niya ang sinabi ni Jacob na “ I can’t believe she’s dead!”
Marie Watsons, yung guidance councelor, ay talagang sobrang naschock sa nangyari, para bang sinasaksak siya sa buong katawan niya. Kaya naintindihan niya kung bakit ganun nalang ang reaksyon ni Jacob ng malaman niya na patay na si Julie.
Siya rin mismo ay positibo sa ang narinig niyang mga salita ni Jacob ay “I didn’t think she was dead.”
Hapon nun, sa unang pagkakataon sa anim na buwan na pagtratrabaho niya sa service station, Hindi nagpakita si Jacob, hindi rin siya tumawag sa boss niya upang magbigay alam kung bakit siya hindi pumasok. Pagkauwi ng mga magulang niya ng gabi na ‘yon, nakita nila na nakahiga ito sa higaan at nakatulala na nakatingin sa kisame, at nakakalat ang mga litrato ni julie sa tabi niya.
Sina Zoe at Mae Harris na magulang ni Jacob ay parehas na pinanganak sa Germany, at parehas din silang nag migrate sa Netherlands kasama ang mga magulang nila nung sila’y bata pa. Dun sila nagkita at nagpakasal nung sila mga nasa edad na trenta at pinagsama ang parehas nilang ipon na pera para makapagpatayo ng isang maliit na restaurant. Dahil narin sa nag-iisang anak lang nila si Jacob, sobrang protective sila dito.
Lahat ng pumapasok sa restaurant nila ay pinaguusapan ang murder case na nangyari, nagtatanong sa bawat isa kung sino kaya ang may kayang gumawa ng ganung krimen. Ang mga Careys ay mga regular na customer sa restaurant na yun, at nakisabay na rin sa discusyon ang mga Harris na baka pinaplano nga ni Julie na makipagkita sa isang tao sa garahe ng bahay ng mga Webb.
Lahat sila ay sumasang-ayon na maganda si Julie, pero matigas ang ulo. Dapat gumagawa siya ng assignment kasama si Nikki Williams hanggang alas nuebe ng gabi, pero bigla nalang siyang umalis ng maaga. Talaga bang pinlano niya na makipagkita sa isang tao, o baka naman may kumidnap sa kanya nung pauwi na siya ng bahay?
Nang makita ni Mae Harris ang mga larawan ni Julie sa higaan ng kama ng anak niya, agad niya itong kinuha at tinago, sa mga tanong ng kanyang asawa, hindi siya umimik, at sinabi niya na wala siya sa lugar para magtanong. Tapos umupo siya sa tabi ni Jacob, at niyakap ito.
“Napakagandang babae ni Julie” Sabi niya ng mahinahon, may kabigatan ang boses na akala mo parang nagagalit. “Naalala ko pa kung paano ka i-congratulat ni julie ng maisalba mo ang game mo sa football team last spring time, akala mo sobrang malulungkot ka na sa pagkatalo pero bumawi ka.”
Nung una para kay Jacob, parang yung mama niya ay nasa malayo, parang mga kaibigan niya, Ano ang ibig sabihin niya?
“Ang mga pulis ay magiimbestiga bukas sa mga taong nakasalumuha ni julie, jacob.” sabi ng mama niya ng mabagal pero mahinahon.
“Inimbitahan ko siya sa isang party.” sabi niya, ang mga salita na sinasabi niya ay may halong kaba. “At pumayag siyang sumama sa akin.”
Sigurado si mae na kahit kelan hindi pa nakapagyaya ng babae ang anak niya para lumabas. Nung isang taon tumanggi ito na pumunta sa kanyang sophomore dance.
“Ibig sabihin, gusto mo siya jacob?”
Biglang napaiyak si Jacob. “Mama, I loved her so much.”
“Nagustuhan mo siya, jacob” Sabi ni Mae. “Try to remember that.”
Sabado, tahimik na nagexplain si Jacob kung bakit di siya pumasok kahapon, Pumasok na nga sa trabaho si Jacob Harris sa service station.
Kinaumagahan ng sabado ng tanghali, si Zoe Harris ay nagdala ng Virginia Ham at mga salads sa bahay ng mga Carey at pinagbuksan naman siya ng pinto ng kapitbahay ng mga carey na si Mrs. Devin, at sinabihan din niya si Mrs. Devin na condolence sa pamilya ng mga carey.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench