19
Araw araw ang Xing Xing Correctional Facility ay nagpapalabas ng mga preso na nakumpleto na ang kailangan nilang iserve na taono kaya naman ang mga nabigyan ng parole. Kapag aalis na sila, binibigyan sila ng jeans, bota, at jacket, at $40, at kapag hindi sila susunduin ng kapamilya nila o ng kaibigan, pinagmamaneho sila sa isang bus stop o kaya naman binibigyan ng train ticket.
Ang mga preso na nakalabas na ay maglalakad papuntang train station at sasakay sa train at pupunta kung sa north man or south.
Naisip ko na kung sino man ang lalabas na preso sa Xing Xing ng oras na ‘to ay sigurado na kilalang kilala si Rick Webb sa loob ng kulungan.
Kaya naman kinabukasan ng umaga, nagbihis ako ng simple pero komportable at nagdrive papuntang kulungan, nagpark ako sa tapat ng kulungan, at naglakad papunta sa harapan nito. Walang nangyayare o ano mang aktibidad sa loob ng gate. Nalaman ko na sa loob ng kulungan na ‘to ay may 230 na preso sa loob. Paano ko ba malalaman ang pagkakaiba ng empleyadong janitor at ang preso na kakalabas lang kung parehas silang nakabota at nakajacket, ang sagot hindi ko talaga alam.
At dahil sa problema kong yun, naisipan kong gumawa ng cardboard sign. Nakatayo ako sa tapat ng gate, at hawak hawak iyon. Ang basa: “Investigative Journalist seeking information about just released prisoner Rick Webb. Babayaran ko kung sino man ang magsasalita.”
Tapos naisip ko na paano nga naman sila makakalapit kung susunduin agad sila ng mga kamag anak nila or magtataxi o kaya ayaw nila makita ng ibang tao na kausap ako, kaya ang ginawa ko dinagdagan ko ng cellphone number ang cardboard, baka gusto niyang tumawag. –916—714—0518—sa malaking font ko sinulat para naman mas madali nilang mabasa.
Malamig at malakas ang hangin ng umagang iyon. November 1. All Saints Day. Simula ng mamatay si mama, twing Christmas or Easter nalang ako nagsisimba.
Tumayo ako dun ng halos dalawang oras na hawak hawak ang cardboard sign na yun. Halos lahat ng tao na madadaanan ako ay tinitignan ang sign na yun, curious. May iba sa kanila kinausap ako. May iba naman na napansin ko na mga empleyado, tinitignan ang signboard at halatang kinakabisado nila ang number ko.
10 o’clock, sa sobrang lamig, sumuko na ako at naglakad na pabalik sa parking lot sa tapat ng kulungan. Nasa tapat na ako ng pinto ng kotse ko ng biglang may lalaki na nagpakita sa akin. Mukha na siyang nasa thirty years old pataas. “Bakit mo pa inaasar si Rick Webb? Ano ba ang ginawa niya sa’yo?” Tanong nung lalaki.
Nakasuot siya ng jeans, bota at ng jacket. Siguro ay kakalabas lang niya ng kulungan at sinundan ako. “Kaibigan ka ba niya?” Tanong ko sa kanya.
“Anong pakialam mo?” Sagot sa akin nung lalaki.
Meron tayong instinct na kapag masyadong malapit ang taong hindi naman natin kilala, dumidistansiya tayo. Ang likod ko ay nasa tabi na ng sasakyan ko, at mas lumalapit pa ang lalaki sa akin. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko na merong van na magpapark, atleast naisip ko na kung kailangan ko man ng tulong, kapag sumigaw ako may makakarinig nito. “Gusto ko ng makapasok sa sasakyan ko, kaso nakaharang ka.” Sabi ko sa kanya
“Si Rick Webb ay role model sa kulungan. Lahat kami ay tinitingala siya. Isa na siyang magandang ehemplo sa aming lahat. Ngayon, magkano ang kaya mong ibayad sa akin dahil sa impormasyon na binigay ko sa’yo?” Sabi ng lalaki
“Bakit hindi siya ang magbayad sa’yo.” Tumalikod ako sa kanya at ipinasok ko kaagad ang susi ko sa pinto para mabuksan ito.
Hindi naman ako pinigilan nung lalaki na buksan ang pinto ng sasakyan ko, pero bago ko pa maisara ang pinto, may sinabi siya: “Bibigyan kita ng libreng advice, sunugin mo yang signboard mo.”
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench