8
Nang maramdaman ko na tutulo na ang luha ko, inalis ko ang tingin ko sa bintana at kinuha ang back pack ko at inihagis ito sa kama. Halos ngumiti ako ng alisin ko ang mga gamit ko sa bag, narealize ko na ang dala kong mga damit ay parang kay Sam Mayer. Nakasuot ako ng Jeans at Turtleneck Sweater. Sa loob ng bag, bukod sa nightshirt at mga underwear, Ang tanging bitbit ko lang ay mahabang daster at dalawang sweater. Ang paborito kong sapatos ay converse, at bagay naman talaga sa akin kasi ang height ko ay 5’9”. Ang buhok ko ay kulay buhagin simula pagkabata. Mahaba ito at hindi ko pinapagupitan kahit kelan ng maikli, minsan tinatali ko siya o kaya naman ay magcli-clip lang ako sa ibabaw ng buhok ko.
Maganda at babaeng babae ang structure ng katawan ni Julie na namana niya kay mama. Habang ako naman ay namana ko ang pagkasiga ng mukha ni papa, na mas maganda sana kung sa lalaki kesa sa babaeng katulad ko. Walang makakatawag sa akin na ako ang bituin sa christmas tree.
Umakyat sa kwarto ang amoy ng mga pagkain sa dining area at naramdaman ko na nagugutom na ako. Nakakuha ako ng maagang flight sa Amsterdam, at syempre maaga din akong nakarating sa aalsmeer. 1:30 na ng bumaba ako sa dining area, at ang mga kumakain ng tanghalian ay kumokonti na. Kaya mas madali na, na makakuha ng lamesa. Ngayon ko lang narealize kung gaano ako nilalamig.
“May I get you a drink?” tanong ng isang waitress, nakangiti na matandang babae na may name tag na “LIZ.”
Bakit hindi? Naisip ko na oorder ako ng isang baso ng red wine.
Pagkabalik niya, sabi ko sa kanya na oorder din ako ng onion soup, at sinabi naman niya sa akin na paborito iyon ng mga kumakain sa kanila.
“Gaano ka na katagal dito, liz?” Tanong ko.
“25 years, hindi rin ako makapaniwala na tatagal ako ng ganun.”
Siguro ay nakapagserve na siya sa amin ilang taon na ang nakakaraan. “So, meron padin sa menu ng peanut butter and jelly sandwiches?”
“Oo naman. Madalas mo bang kinakain ‘yun?”
“Yes.” Isang bagay lang ang gusto ko na malaman ng buong mundo, ang mga realize nila na ako “ang kapatid nung babae na pinatay twenty three years na ang nakakalipas.”
Uminom ako ng wine at bigla kong naalala ang mga occasions na nandito kami buong pamilya, dati ng may pamilya pa ako. Birthday halos, at hihinto para magdinner dito kapag galing kami sa byahe. Ang huling punta namin dito, ay, nung bumisita sa amin ang lola ko pagkatapos niya manirahan sa Florida ng halos isang taon. Naalala ko na sinundo siya ng papa ko sa airport at nagkita kaming lahat dito sa Inn. Meron kaming cake para sa kanya. Pink ang frost lettering sa cake at white naman ang kulay ng kabuuan ng cake at ang nakasulat ay, “Welcome Home, Grandma!”
Tapos bigla na siyang naiyak. Tears of Joy. Ang huling masayang iyak na nangyari sa pamilya namin. At yung mga alaala na yun ay dala ko ng burol ni Julie at nung merong di magandang pagkakaunawaan ang mama at papa ko.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench