F I F T E E N

16 2 2
                                    

15

Three years ago, pagkatapos kong masulat ang ilang series ng article ko tungkol kay Christian Wade, isang serial killer sa Amsterdam, nakatanggap ako ng tawag kay Alexxa Richmond, a United Kingdom book editor na nakilala ko sa crime panel. Inofferan niya ako ng kontrata para i-convert ang articles ko, at maging libro.

Ang ginagawa ni christian para pumatay ay una pupunta siya sa mga campus, magkukunwari na isa siyang estudyante ng unibersidad, tapos lolokohin ang isang babae na isasakay niya sa sasakyan niya, tapos maglalaho nalang ng parang bula ang babae. Kaso, yung last na nabiktima niya ay hindi niya agad napatay kaya nadampot siya. Ngayon ay nakakulong na siya sa London, na may 149 years na kailangan i-serve na sentence sa kulungan at walang parole.

Maganda naman ang kinalabasan ng libro, tinawagan ko si Alexxa pagkaalis ko sa office ni Braz. Pagkatapos kong madescribe sa kanya ang kaso at ang gusto kong imbestigasyon na makuha, binigyan niya agad ako ng kontrata para sa libro na tungkol sa kaso ni Julie, ang libro na ipinapangako ko na makapaglalabas ng kasamaan ni Rick Webb.

Maraming interesting facts ang mga sinusulat ngayon ni Josh Blake.” Sabi sa akin ni Alexxa. “Gusto ko na ganun din kadetalye ang libro ko sa’yo. Sinira ni josh ang kontrata niya sa amin pagkatapos siyang maofferan ng iba ng mas malaking pera kapag napublish ang libro na yan.”

Sa pagkakaalam ko, itong project ko ay aabutin ng tatlong buwan ng pagre-research at pagsusulat, at kapag nabigyan naman ng bagong trial si Rick Webb, madadagdagan pa ng ilang buwan. Yung Inn na tinitirhan ko ngayon ay masyadong magiging mahal ang bayad kapag nagstay ako ng matagal, kaya tinanong ko si Mrs. Devin kung may alam siyang malapit na paupahan na apartment na pwede kong rentahan. Sinabi niya na wag na akong maghanap ng apartment for rent, bagkus ay gusto niya akong magstay sa guest apartment sa likod ng bahay niya.

Pinagawa ko yan mga ilang taon na ang nakalilipas sakaling gustuhin ko man na may makasama ako dito sa bahay.” Inexplain niya.

Natalie, kumportable dun, tahimik at magiging mabuti naman akong kapitbahay, hindi ako nakikialam, yung labas masok.” Sabi ni Mrs. Devin

Lagi naman po kayong mabuting kapitbahay.” Naging magandang solution yun, kaso ang magiging mahirap lang sa akin ay ang araw araw akong nakakadama ng sakit at lungkot dahil lagi kong malalagpasan ang bahay namin dati.

Nagcheck out ako sa Inn, at lumipat sa guest apartment ni Mrs. Devin, at nung miyerkules ay bumalik ako sa amsterdam. Dumating ako sa news office bago mag-alasais ng gabi. Alam ko na hindi pa umuuwi si Sam. Pinakasalanan na niya ang trabaho niya.

Nang makita niya ako, ngumiti siya at sinabi: “Mag-usap tayo habang kumakain ng spaghetti.” Sabi ni Sam

Pero akala ko ba na nagdi-diet ka?”

“Napagdesisyonan ko na wag na munang isipin yun ng mga ilang oras.” Sabi ni Sam.

Naghahanap sila ng Investigative Crime Reporter para sa news office nila, at para makuha ang trabahi makalipas ang anim na taon ay sobrang swertihan lang. Kinuha lang kasi ako nung una bilang back-up na reporter, ng may mag back-out na isang reporter, dun ako nakapasok, pero di pa ako permanente dun. Tapos isang araw, walang komento, tumigil si Sam sa paghahanap ng replacement at nakuha ko na ang trabaho.

Ang Napoli’s restaurant lang ang friendly na makakainan sa buong Amsterdam. Umorder si Sam ng isang bote ng wine at kinuha ang isang piraso ng garlic bread na nakaserve sa mesa namin. Ang isip ko ay lumipad at naaalala ang unang mga taon na nasa California ako, nung panahon ng college ko. Isa sa mga ilan ko lang na masasayang moments ng buhay ko.

Dumating na ang wine na inaprobahan ni Sam at bukas na ito. Uminom ako ng kaunti at umuna na magsalita: “Marami akong ginagawang homework ngayon. Yung libro na magpapalaya kay Rick Webb ay pwedeng maging successful. Si Josh Blake ay isang magaling na writer. Meron na siyang tapos na mga article sa kaso at ilalabas na yun sa susunod na buwan.”

“What can you do about it?” Tanong ni Sam.

“Nagsusulat ako ng libro na mapupublish parehas sa date at sa week na ipupublish ang libro ni Blake.” Sinabi ko ang tungkol kay Alexxa Richmond, nakilala siya ni Sam sa isang book party na surprise niya para sa akin.“Si alexxa ang gagawa, at bibilisan niya na mapublish agad agad ang libro ko. Pero sa ngayon, kailangan ko munang sapawan ang mga articles ni Blake at ang mga press release ng pamilyang Webb.”

Naghintay lang si Sam. Isa pa sa ugali niya na gustong gusto ko ay hindi siya agad nagco-comment hangga’t di pa tapos ang tao na magsalita.

Sam, alam kong ang article na tungkol sa murder case na 22 years ago pa ay hindi gaano papatok sa market, at alam ko rin na hindi papatok pag naging libro.”

“You have the point, so anong isu-suggest mo?” Tanong ni Sam.

Baka pwede mo muna akong bigyan ng leave o kaya naman kung hindi pwede yun, aalis na muna ako, magsusulat ng libro, at magbabakasakali pagkatapos.” Sabi ko kay sam

“Natalie, hahawakan ko ang trabaho mo na bukas para sa’yo, hangga’t nasa mataas pa akong posisyon.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Baka hindi narin ako magtagal sa kompanya, marami kasing dumadating na offer sa akin na naging interesado ako.”

Nagulat ako. “Pero, halos buhay mo na nga ang pagbabalita.” “Saan mo naman naisipan na papasok?”

“Yung U.K. Times siguro ay magbibigay ng offer, o kaya naman sa Ireland.”

“Which would you prefer?” Tanong ko kay sam.

“Hanggang sa mapuno ang plato ko ng mga offer. Ayokong aksayhin ang oras ko kaka-decide na hindi naman nageexist.” Sabi ni sam

Hindi na naghintay ng comment si Sam sa akin, kaya nagsalita lang siya.

Natalie, gumagawa ko ng mga research sa kaso na kinalalagyan mo ngayon. Ang mga webb ay nakakakuha ng magandang criminal defense strategy. Marami silang mga abogado na naghihintay nalang ng swerte. Meron sila nung Lutz na lalaki na may ibang naniniwala sa kanya. Sige, gawin mo kung ano ang dapat mong gawin, pero please kapag nagkaroon ulit ng bagong trial ang Rick Webb na yun at napawalang sala siya, ipangako mo sa sarili mo na titigil ka na sa pag-iimbestihga at lumayo na.”

Ang advice ni Sam ay mabait na pakinggan, pero ng gabi na yon habang nagaayos na ako ng gamit ko para sa mas mahabang stay ko sa Aalsmeer, narealize ko na kahit may feeling si sam na guilty o inosente si Rick Webb, na serve na niya ang oras niya, na isipin na ng mga tao ang gusto nilang isipin, at yun na ang oras para bumitiw na ako.

Nagdrive ako pabalik ng Aalsmeer, at ng sumunod na linggo, ang hearing for parole ni Rick Webb ay na grant, at innounced din na makakalaya na siya sa October 31.

HALLOWEEN! Sa isip ko. Tugmang tugma. Ang gabi na ang lahat ng demonyo ay maglalakad sa mundo.

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon