N I N E

25 2 2
                                    

9

Pagkatapos ng libing, bumalik na kami sa bahay. Ang kapitbahay naming babae ay gumawa ng mga tinapay na may palaman, at madaming tao ang nasa bahay: mga kapitbahay namin sa Amstelveen, mga kaibigan ng mama ko sa church, at ibang kaibigan sa volunteer sa mga hospital. Marami sa mga kaibigan ni papa at iba niyang kaibigan sa trabaho, yung iba pa nga nakasuot pa ng uniporme nila na alam na kakagaling lang sa duty.

Ang limang babae na kaibigan ni Julie ay halos mamaga maga na ang mga mata nila, at lahat sila ay nakakumpol sa isang sulok.

Nahiwalay ako sa kanilang lahat. Ang mama ko, sobrang lungkot tignan sa kanyang itim na damit, nakaupo siya sa may sofa, katabi niya mga kaibigan niya, hinahawakan siya at hawak naman ng isang kaibigan niya ang isang tasa ng tsaa.  “Mas gaganda ang pakiramdam mo, jane kapag ininom mo na ang tsaa. Sobrang lamig ng kamay mo.” Minsan pa ay maririnig kong paulit ulit niyang sinasabi na, “Hindi ako makapaniwala na wala na siya.”

Siya at ang papa ko ay magkayap ng nandun pa kami sa sementeryo, pero ngayon hindi na sila magkatabi, bagkus nasa iba silang kwarto, si mama sa sala, habang si papa naman ay nasa likod ng bahay at na feel niya na parang mas magiging okay siya pag mag-isa siya dun. Ang lola ko naman ay nasa kusina kasama ang iba niyang mga kaibigan sa amstelveen, nagkwekwentuhan sila tungkol sa magagandang pangyayare sa buhay nila.

Naramdaman ko na para akong nag-iisa. Gusto ko nang bumalik si Julie. Gusto ko na pag umakyat ako sa kwarto niya, nandun siya, tapos uupo ako sa tabi niya habang may kausap niya sa phone ang mga kaibigan niya or si Rick Webb.

Bago niya tawagan si Rick, sasabihin muna niya, “Pwede ba kitang pagkatiwalaan, natalie?”

Syempre naman. Halos hindi na niya tinatawagan si Rick dahil nga pinagbabawalan siya, at lagi siyang nagwoworry na baka kahit siya pa ang sumagot ng phone sa extension sa kwarto niya, baka mamaya masagot naman ng mama at papa ko sa baba at marinig ang boses ni rick.

Mama at papa ko? O ang papa ko lang ang may ayaw? Talaga bang magagalit ang mama ko? Kasi si rick ay isang Webb, at ang lola at mama niya ay umaattend ng mga meetings kung saan nandun din ang mama ko.

Bandang alas dos ng hapon, lahat ng tao sinasabihan ang parents ko na, “Kahit ano pa ang nangyare, kailangan niyo ding magpahinga.”

Sa pagkakataong iyon, lahat ng tao ay nakilala na si Jacob Harris. Sino ba naman ang mag-aakala na ang tahimik at mahiyain na bata ay magkakaroon ng pagtingin kay julie, o kaya naman ay papayag si Julie na sumama sa kanya na pumunta sa Thanksgiving party?

Rick Webb. Nakatapos na siya ng isang taon sa college, at kung tutuusin hindi naman talaga siya bobo—lahat ng tao ay mapapansin yun. 19 years old siya ng mapansin niya ang kapatid ko. Ano ba ang kailangan niya para makipaglaro kay julie na isang sophomore high school student lang.

Diba, merong kumakalat na balita na kasabwat daw siya dun sa nangyari sa lola niya sa bahay nun?”

Totoo, narinig ko nga dati yung tungkol sa balita na yun. May nagdoorbell sa bahay namin at ang lola ni Rick Webb ang nasa pinto, ang may ari ng garahe kung saan namatay si Julie.

Maganda siya, nakakabighani na babae, malaki ang balikat at hinaharap niya. Hindi siya kuba kung tumayo kaya mas lalo pa siyang tumangkad tignan. 73 years old na siya pero maitim padin ang eyebrows niya.

Wala siyang sumbrero at nakasuot siya ng magandang dark gray winter coat. Pumasok siya sa loob ng bahay namin at hinanap ang mama ko, na tinatanggal ang mga kamay ng kaibigan habang hirap sa pagtayo.

Pumunta agad si Mrs. Webb sa direksyon niya. “Nasa California ako at hindi agad makabalik. Pero, kailangan ko itong sabihin sa’yo, Jane. Sobra akong nalungkot para sa’yo at sa pamilya mo. Few Years Ago, nawalan din ako ng anak, binatang anak sa isang aksidente, kaya alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo.”

Habang sumasang-ayon lang ang mama ko sa sinasabi niya, biglang umintriga ang papa ko, “Pero, hindi lang basta aksidente ang nangyari sa anak ko, Mrs. Webb.” Sabi niya. “Ang anak ko ay pinatay. Siya ay humihingi ng tulong hanggang sa malagutan ng hininga, at baka ang apo niyo ang pumatay sa kanya. Sa totoo lang, alam niyo naman na siguro na ang apo niyo ang pinakasuspect sa krimen. Kaya pwede ba, umalis na kayo dito! Maswerte kayo dahil buhay pa kayo ngayon. Hindi parin ba kayo naniniwala na kasabwat ang apo niyo sa pagbaril sainyo?”

“MIKE!! Paano mo nasasabi ang mga bagay na ‘yan?”

“Mrs. Webb, humihingi po ako ng dispensa sa ginawa ng asawa ko. . .”

Sa kanilang tatlo, parang walang ibang tao sa paligid. Lahat ng tao ay nanigas na parang statwa na laruan ko nung bata pa ako.

Ang papa ko ay parang hubog ng Old Testament. Ang mukha niya ay kasing puti ng putting damit, at ang kanyang asul na mga mata ay halos itim. Buong buhok niya ay kulay dark brown.

Wag mo ako ihingi ng tawad, Jane!” sigaw ng papa ko, “Wala ni isang pulis dito sa bahay na ‘to ang hindi nakakaalam ng ugali ni Rick Webb. Ang anak ko—ang anak natin—ay patay na. Kaya ikaw--” Lumapit siya kay Mrs. Webb “—umalis ka sa bahay ko at dalhin mo ang peke mong mga luha!”

Si Mrs. Webb ay namutla, kasing putla ng balat ng papa ko. Hindi siya kumikibo, binigyan niya ng shakehand ang mama ko bago siya tuluyang umalis ng walang kibo sa papa ko.

Nang magsalita ang mama ko, hindi pasigaw pero halos basag na ang boses. “Gusto mo na si Rick Webb nga ang kumitil sa buhay ng anak na’ten, Mike? Alam mo na baliw na baliw sa kanya si Julie, at hindi mo yun kinakaya. Gusto mong malaman kung bakit? Nagseselos ka, Mike! Kung pinayagan mo lang sana siya na lumabas kasama si Rick o kung sinong lalaki ang gusto niyang i-date, hindi sana siya maglilihim sa atin ng kahit ano. . .”

Tapos ginaya ng mama ko ang tono ng boses ng papa ko kapag ito ay nagagalit, “Julie, pwede ka lang pumunta sa school na may kasamang lalaki kapag kasing edad mo, hindi yung nakikisakay ka sa sasakyan ng isang college na lalaki. Susunduin kita at ihahatid din kita, tapos.”

Namula ang papa ko sa kahihiyan. “Kung sinunod niya lang ako, buhay pa sana siya ngayon,” bitter na sagot ng papa ko, “kung hindi ka sana nakikipagkaibigan sa mga webb. . .”

“Mabuti na rin siguro na hindi mo ine-embestigahan ang kaso na ‘to. Paano yung batang si Jacob? O yung construction worker na si Kelvin Lutz? Nakita na ba siya?” Tanong ng mama ko.

Paano kaya yung tooth fairy?” Pang-asar na tanong ng papa ko. Umalis siya at bumalik sa garahe sa likod ng bahay kung saan nandun ang mga kaibigan niya. Sa wakas, nagkaroon din ng katahimikan ang paligid.

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon