12
Naganap ang Press Con sa office ni Philipp Gordon, ang criminal na attorney ng mga Webb at ang nagsasabi na Inosente si Rick.
Inumpisahan ni Gordon ang proceedings sa pagpapakilala niya. Nakatayo siya sa pagitan ng dalawang lalaki. Isa sa mga nakilala ko ay ang papa ni Rick Webb, si Matt Webb. Sa itsura niya ay mukha na siyang nasa sixties niya, silver hair. Sa kabilang gilid naman ni Gordon, nerbyoso, mga nasa sixty or seventy years old na. Hawak niya ang magkabilang kamay niya.
Pinakilala siya bilang Kelvin Lutz. Binigyan ni Gordon ng konting impormasyon ang pagkatao ni Kelvin. “Si Kelvin Lutz ay nagtrabaho sa Aalsmeer bilang isang construction man sa nagdaan na maraming taon. Lagi rin siyang nagtatrabaho para kayla Mrs. Webb sa bahay nito, kung saan ang bangkay ni Julie ay natagpuan sa garahe. Kinuwestyon si Mr. Lutz kung nasaan siya ng Huwebes ng gabi ng mamatay si Julie. Sinabi ni Mr. Lutz na nung mga oras na yun ay naghahapunan siya sa isang local lang na restaurant at umuwi na din agad. Nakita nga siya sa restaurant ng gabi na ‘yun, at walang rason para pagdudahan ang pahayag niya.” Sabi ni Philipp gordon
“Pero ng, ang isang best-seller true crime writer na si Josh Blake, kung saan siya ang nagsusulat tungkol sa kwento ng pagkamatay ni Julie Carey at pinaglalaban naman ni Rick Webb ang kanyang pagkainosente, kinausap niya si Mr. Lutz at dun na nagkaroon ng liwanag sa kaso.” Paliwanag ni Philipp Gordon
Ngayon tumingin si Hamilton kay Kelvin Lutz, “Kelvin, pwede ko bang tanungin sa’yo na sabihin mo sa media ang eksaktong detalye na sinabi mo kay Mr. Blake?”
Biglang nanyerbos ang mukha ni Lutz. Hindi rin siya komportable sa suot niya na suit and tie na sigurado ako na pinasuot lang siya nun dahil sa press con na mangyayare ngayon. Isa na yung lumang depensa, isa na yun sa isandaan na nakita ko sa korte. Maganda ang suot ng defendant, pinagupitan ang buhok, sinisigurado na walang facial hair, binigyan siya ng suit and tie, kahit na sa buong buhay niya ay di naman siya nakapagsuot ng ganun. Lahat yan ay totoo sa mga witness ng depensa.
“Napakasama ko,” Pasimula ni Lutz, ang boses niya ay nanginginig. Napansin ko din kung gaano siya kapayat at kaputla at inisip ko kung may sakit ba siya. Hindi ko siya gaanong maalala. Gumawa na siya ng ibang trabaho sa bahay namin, pero hindi ko parin siya gaanong maalala.
“Matagal ko ng dinadala ‘to sa buong buhay ko, tapos ng yung writer na si mr. blake ay kinausap ako tungkol sa kaso na ‘yun, dun ka nalaman na kailangan ko ng sabihin ang totoo.” Sabi ni Kelvin Lutz
Sinabi na nga niya yung parehas na storya na sinabi niya sa writer. Nakita daw niya si Jacob Harris na nagmaneho papuntang garahe, sakay sa sasakyan ni Rick Webb at pumunta sa garahe na may dala dala sa kamay na mabigat. Syempre, sa isip ng lahat, ang hawak hawak ni harris na mabigat ay yung gulong na ginamit sa pagpatay kay Julie, yung nakita sa likod ng sasakyan ni Rick Webb.
Tapos ngayon, turn naman ni Matt Webb, ang papa ni Rick Webb na magsalita.
“Sa loob ng twenty-two years na nakulong ang anak ko sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Lagi niyang sinasabi na hindi naman siya ang gumawa nun at inosente siyang tao. Pumunta siya ng sine ng gabi na ‘yun. Pinark niya yung sasakyan niya sa Service Station, katabi lang ng sinehan kung saan ang lahat halos ng sasakyan ay binibigyan ng serbisyo, kung saan ang susi ng sasakyan niya ay madaling maduplicate.”
“Si Jacob Harris ay nagtratrabaho ng gabi na ‘yun. Sarado na talaga ang service station ng 7pm ng gabi, pero sa katabi nitong garahe, may tinatrabaho pa nuon si Jacob Harris. Kinausap ni Rick si Jacob, sinabi niya dito na iiwan muna niya ang sasakyan duon, dahil manunuod siya ng sine. Alam namin na ilang beses na itong tinanggi ni Jacob, pero ngayon may proeba na kami na siya ay nagsisinungaling. Habang nanunuod sa sinehan ang anak ko, kinuha ni Harris ang sasakyan, pumunta dun sa sinasabi nilang garahe, at pinatay yung babae.”
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench