“Nakakahiya na parehas na only child si Mike and Jane” Yun palagi ang naririnig ni Natalie na paulit ulit ng umaga ng sabado na ‘yon. “Mas madali kasi ang lahat kung mas malaki sana ang ang pamilya na dadamay sainyo ngayon.”
Walang pakialam si Natalie na dumami pa ang pamilya niya. Gusto lang niyang bumalik si julie, at gusto rin niya na tumigil na sa kakaiyak ang mama niya at kausapin na siya ng papa niya. Hindi na siya masyadong kinakausap ng papa niya simula ng sabihin niya na alam niya kung nasaan si Julie.
Pagkatapos niyang pumunta ng garahe at makita si Julie, at ang mga pulis ay nagsi datingan, sabi niya, “Natalie, kagabi mo pa pala alam na baka pumunta si julie duon? Bakit hindi mo sinabi sa amin?”
“Hindi niyo naman ako tinanong, at pinatulog niyo na ako agad.”
“Alam ko yun.” Inamin niya. Pero maya maya pa ay narinig niya na sabi ng papa niya sa isa sa mga pulis, “Kung alam ko lang na nandun kagabi si Julie. Siguro ay buhay parin siya hanggang alas nuebe. Siguro ay mas nahanap ko siya ng maaga.”
Isa sa mga pulis ang kumausap kay Natalie at nagtanong sa kanya tungkol sa garahe at kung sino pa ang pumupunta duon. Sa isip ni natalie, naririnig niya na sinasabi ni Julie, “Mabait na bata si Natalie, kahit kelan hindi siya magsusumbong.”
Iniisip niya si julie, at alam niyang hindi na uuwi pang muli, kaya biglang napaiyak si natalie na sa sobrang lakas, hindi na muna nagtanong ang pulis.
Kinahapunan ng sabado na yun, may isang lalaking pumunta sa bahay na nagngangalang Detective Danny Lantern. Pinapunta niya si Natalie sa dining room at sinara ang pinto. Inisip niya na gwapo si Mr. Danny. Sabi nito sa kanya na meron din siyang anak na lalaki na kasing edad niya at medyo kamukha niya. “Parehas kaming may kulay blue na mata,” sabi niya. “At halos parehas kayo ng kulay ng buhok. Sinasabi ko sa kanya na naalala ko ang buhangin sa dagat kapag nakatutok ang araw duon.”
Sinabi niya kay Natalie na apat sa mga kaibigan ni julie ang umamin na pumupunta sa garahe na yun kasama si julie, pero walang umamin na nandun sila nung gabi na nangyare ang insidente. Pinangalanan niya ang mga babae, at saka nagtanong, “Natalie, may isa ka bang kilala sa kanila na baka nakipagkita sa ate mo nung gabi na ‘yon?”
Ayaw man niya na magsumbong pero nagsalita siya, “Wala.,” bulong niya. “Wala kahit isa sa kanilang lahat.”
“Meron pa bang ibang tao na kikitain si julie sa garahe ng gabi na ‘yon?”
Hindi agad siya sumagot. Hindi niya pwedeng sabihin ang tungkol kay Rick Webb. Magagalit sa kanya si Julie. Sabi ni Detective Danny Lantern, “Natalie, may nanakit kay Julie ng sobra kaya hindi na siya buhay ngayon. Wag mong protektahan ang taong iyon. Matutuwa si Julie kung sasabihin mo lahat ng alam mo tungkol sa kanya.”
Tinignan ni natalie ang mga kamay niya. Sa malaking bahay na ‘to, etong dining room ang paborito niya. Dati meron itong pangit na dingding, pero ngayon napinturahan na ito ng dilaw, at may bago na ilong chandelier sa gitna ng lamesa at ang mga bumbilya ang parang mga kandila. Binili ni mama ang mga kandila nung may yard sale at sinabi niya na maganda iyon. Medyo natagalan siya na linisin ang chandelier, pero ngayon kahit sino man ang makakita ng chandelier, pinupuri ito.
Lagi silang kumakain sa dining room, kahit na iniisip ng papa niya na parang masyadong old stuff yun. Merong libro si mama na kung paano mag-ayos ng lamesa para sa mas pormal na dinner. Trabaho ni julie na ayusin ang lamesa t’wing linggo, kahit na sila sila lang naman ang kakain. Tutulungan siya ni natalie, at masaya silang maglalagay ng mga silver plates na galing china sa mesa.
Sa kanang palad, alam niya na patay na si julie at ililibing na sa martes ng umaga sa Tarrytown Cemetery kung saan nakalibing din ang lolo’t lola niya. Pero sa kaliwang palad naman ay inaasam padin niya uuwi si Julie sa bahay nila ng anumang oras, yayakapin siya nito at sasabihan siya ng mga lihim.
Lihim. Minsan, makikipagkita si Julie kay Rick Webb sa garahe. Pero ipinangako ni Natalie na hindi niya ito sasabihin kahit kanino man.
“Natalie, kung sino man ang nanakit kay Julie ay pwede din na makanakit ng iba kung hindi siya mapipigilan,” Sabi ni Darren Lantern. Ang boses niya ay friendly na tahimik.
“Tingin mo ba kasalanan ko kung bakit namatay si Julie? Kasi yun ang tingin ni papa.”
“Hindi, hindi yun ang iniisip ng papa mo, natalie.” “Pero lahat ng lihim niyo ni Andrea ay pwede mong sabihin sa akin para makatulong sa kaso niya.”
Rick Webb, iniisip ni Natalie. Siguro ay hindi naman talaga mabre-break yung promise kung sasabihin niya ang nalalaman niya tungkol kay Rick Webb kay Detective Danny Lantern. Kung si rick nga ang nanakit kay julie, dapat yun malaman ng lahat. Tumingin siya ulit sa kanyang mga kamay. “Minsan nakikipagkita siya kay Rick Webb sa garahe.” Bulong niya.
“Alam kong siya yun. Niyaya kasi ni Jacob Harris si Julie na sumama sa kanya sa thanksgiving party, at um-oo siya. Pero hindi naman talaga niya gustong sumama kay Jacob, pero sinabi kasi ni Jacob sa kanya na alam niya na makikipagkita siya kay Rick Webb sa garahe, sa sobrang takot niya na baka malaman ni papa, pumayag siya na lumabas kasama si Jacob sa party. Pero nagalit si Rick kay Julie ng malaman iyon, at gusto niyang mag explain kay Rick na kaya siya pumayag na lumabas kasama si Jacob ay para hindi sabihin ni Jacob kay papa na nakikipagkita si Julie kay Rick. Baka siguro yun ang dahilan kaya maaga siyang umalis sa bahay nila Nikki.”
“Paano nalaman ni Jacob na nakikipagkita si Julie kay Rick?”
“Sabi ni Julie na minsan ay sinusundan siya nito papuntang garahe. Gusto ni jacob na maging girlfriend si Julie.”
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Детектив / Триллер❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench