E L E V E N

24 1 1
                                    

11

Bumalik si Liz sa table ko, at ngayon ay may hawak hawak siya na tinapay. Nagtanong siya sa akin, “Nga pala, yung tungkol sa peanut butter  at jelly sandwhiches, Hula ko madalas kang pumunta dito.”

“Matagal na rin,” Sabi ko, “Umalis kami nung bata pa ako. Nakatira ako sa Amsterdam ngayon.”

“Nakapunta na ako dun ng isang beses.  Magandang city yun!”

Well, maganda nga na bumalik ako sa Amsterdam at nakapagsimula ulit. Karamihan kasi sa mga kaklase ko sa journalism ay gusto lang na pumasok sa mga palabas na show sa TV, pero para sa akin anlaki ng interest ko talaga sa mga newspaper at naattract talaga ako nito.

Ang mga kakagraduate lang ng college na katulad ko ay hindi gaanong mataas ang sweldo sa dyaryo, pero dahil sa last will testament ng mama ko, nakasulat dun na lahat ng pera niya sa insurance niya ay mapupunta sa akin, nagkaroon tuloy ako ng kalayaan na bumili ng tatlong kwarto sa isang apartment. Bumibili lang ako ng mga kailangan sa mga secondhand na furnitures store at sa mga sale. Matapos kong madesign ang apartment ko, nanlumo ako ng marealize ko na ang design na nagawa ko sa apartment ko ay yung itsura ng bahay namin sa Aalsmeer: Blue at red na carpet. Dark blue na upuan sa sala.

Kaya marami nanaman akong naisip na alaala: Ang papa ko na palaging nakaupo sa sala, at ang mahaba niyang legs na nasa patungan para marelax siya.

Tatlong taon pagkatapos nilang madivorce ni mama, nagpakasal siya ulit. Yun ang pangalawa at huli kong bisita sa kanya sa Amstelveen. Ayoko talagang pumunta sa kasal niya, at wala din naman akong pakialam ng sumulat siya sa akin na magkakaroon ako ng lalaking kapatid. Ang pangalawa niyang pagkakasal ay nakabuo ng lalaking anak na dapat ay ako yun. Mike Jason Carey Jr., ay seventeen years old na ngayon.

Ang huli kong kausap sa papa ko ay ng sinulatan ko siya at ibinalita sa kanya na patay na ang mama ko at gusto ko na ang abo ng mama ko ay ilibing sa Gate of Heaven Cemetery kung saan nakalibing si Julie. Kung hindi naman papayag si papa sa gusto ko, ililibing ko nalang si mama kung saan nandun din nakalibing ang mga magulang niya.

Sumulat siya pabalik, at sinabi nga sa akin na okay daw sa kanya ang nirerequest ko. Inimbitahan din niya ako na pumunta ng Amstelveen. Pinadala ko ang abo ni mama pero di ko pinaunlakan ang imbitasyon niya.

Ang Onion Soup na kinain ko ay nakapagpainit ng katawan ko, at ang mga alaala ay lalo lang nakapagpapalungkot sa akin. Naisip ko na umakyat nalang sa kwarto ko, kunin ang jacket ko, at magdrive paikot sa bayan. 2:30 lang ng hapon nun, iniisip ko ngayon kung bakit hindi ba ako nakapaghintay na pumunta dito bukas. Meron akong appointment sa isang taong may pangalan na Alwyn Braz sa parole office ng 10am ng Lunes ng umaga. Maglalaan ako ng effort na kumbinsihin siya na hindi dapat makalaya si Rick Webb, pero sabi nga sa akin ni Sam Mayer, siguro ay useless na gawin ko yun.

Nakailaw ang message light sa phone sa kwarto ko. Meron akong message na nagsasabing tawagan ko si Sam. Sinagot niya agad ang tawag ko sa unang ring palang, “Mukhang meron ka agad regalo, natalie.” “Nanggaling ito sa mga bali-balita dito na magkakaroon daw ng conference ang mga Webb. Kukunan yun ng CNN. Si Kelvin Lutz, yung construction worker na tinatanong dun sa pagkamatay ng kapatid mo, gumawa siya ng statement na nagsasabi na nakita daw niya si Jacob Harris na nakasakay sa sasakyan ni Rick Webb ng gabi na patayin si Julie. Sinabi pa niya na nakita daw niya na pumunta si Jacob sa garahe na may bitbit sa kamay , at lumabas din pagkalipas ng sampung minuto, bumalik sa sasakyan at nagmaneho paalis.”

“Pero, bakit hindi yan sinabi ni Lutz nung unang court trial?” Panggigigil ko.

Sinabi niya na takot lang siya na baka may ibang tao na mangbintang sa kanya, sa pagkamatay ng kapatid mo.” Sabi ni Sam.

“Papaano nangyari na nakita niya ang lahat ng pangyayare na ‘yun?” Tanong ko.

Sabi niya ay nasa loob siya ng bahay nung lola ni Rick Webb. Nag-repair daw siya sa mga parte ng bahay at alam ang code ng bahay. Alam din niya na ang matanda ay may habit na maglagay ng pera sa drawer nito, minsan pag kailangan niya ng pera kukunin niya ito. Nasa kwarto siya ng matanda, kung saan may bintana dun na makikita ang garahe, at ng bumukas nga ang pinto ng sasakyan, nakita niya ng maaninag ang mukha ni Harris.

“Nagsisinungaling siya.” Sabi ko.

Panuorin mo yung press con.” “Tapos i-cover mo yung story, investigative reporter ka e.” Huminto siya saglit saka siya nagsalita. “Unless, hindi mo kayang mapanuod?”

“Kaya ko, tawagan kita ulit mamaya.” Sabi ko.

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon