7
Lieutenant Mike Carey, isa sa mga officer ng Aalsmeer State Police, hero ng mga buhay na nalagay sa peligro, pero hindi na agapan ang pagkamatay ng maganda, matigas ang ulo, labing limang taong gulang na anak niya, at ang kanyang lungkot ay hindi maikwekwento sa kanyang mga katrabaho, bagkus sa kanyang mga kadugo lamang.
Sa paglipas ng panahon naintindihan ko na kapag ang galit ay hindi naikwento, ang sisi ay pinapasa na parang mainit na patatas, pinapasa mula sa isa tas lipat sa kabila, kaso sa sobrang init ng sisi, isang kamay lang ang mapapaso.
Sa kaso na ‘to, ang taong napaso ay ako.
Detective Lantern, ay hindi na nahirapan sa pagimbestiga dahil sa akin. Binigyan ko kasi siya ng dalawang way, dalawang suspects: Rick Webb, ginamit ang kanyang kagwapuhan at kayamanan para mabaliw sa kanya si Julie, Jacob Harris, ang tahimik at mahiyain na teenager na may pagtingin sa magandang band member kung saan chineer siya ni Julie sa pagkapanalo niya sa football field.
Habang pinag-aaralan ang autopsy results ni Julie, at naghahanda na ng preparation para sa paglibing sa kanya sa Gate of Heaven Cemetery kung saan nakalibing ang ibang lolo at lola ko, Si Detective Lantern ay kinakausap sina Rick at Jacob. Parehas nilang pinoprotesta na hindi nila nakita si julie ng Thursday ng gabi, at ni isa sa kanila ay walang may plano na makipagkita sa kanya.
Si Jacob ay nagtratrabaho sa gas station, at kahit na nagsasara ito ng alas syete ng gabi, hindi siya tumanggi na talagang nagsta-stay siya ng mas matagal sa shop para mag-ayos pa ng ibang mga repairs na gagawin sa mga sasakyan. Si Rick Webb naman ay sumusumpa na pumunta siya ng sine ng gabi na yun, at pinakita pa niya ang movie ticket niya bilang pruweba na talagang nasa sine siya ng gabi na yun.
Naalala ko habang nakatayo ako sa puntod ni Julie, isang mahabang rosas ang nasa kamay ko, at pagkatapos ng dasal inialay namin ang mga bulaklak sa kabaong ni Julie. Naalala ko din na parang akong patay sa loob, sa sobrang patay ng pakiramdam ko parang nakaluhod padin ako kung saan ko siya nakita sa garahe.
Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako humihingi ng tawad sa pagsabi ko ng mga lihim ng pagkikita nila ni Rick Webb, at humihingi din ako ng tawad na hindi ko agad nasabi kung nasaan siya nung nalaman namin na umalis siya ng maaga sa bahay nila nikki. Pero syempre, wala naman talaga akong nasabi. Hinulog ko na ang bulaklak, pero lumihis ang bulaklak at hindi ito nahulog sa kabaong ni Julie, bago ko pa makuha ang bulaklak, pumunta ang lola ko sa pwesto ko para ihulog ang bulaklak niya sa kabong ni julie at naapakan niya ang bulaklak ko sa lupa.
Ilang minuto pa ay nagsialisan na kami sa sementeryo, pero halos lahat ng tao ay masama ang tingin sa akin. Ang mga webb ay malayo, pero ang mga harris ay nandun malapit sa amin, katabi si Jacob at hinahagod ang balikat nito. Naalala ko ang mga sisi na pumapaligid sa akin, masyadong nakakasakal. Yun ang pakiramdam na hindi na nawala sa akin.
Tinatry kong sabihin sa kanila na nung nakaluhod ako sa tabi ng katawan ni julie ng makita ko siya sa garahe, may narinig akong humihinga, pero sabi nila na baka hallucinations ko lang yun dahil sa panic na nararamdaman ko nung mga oras na ‘yun. Ang sarili kong paghinga ng tumatakbo ako pabalik ng bahay nung mga oras na yun ay sobrang hirap na hirap na parang mapuputulan na ako ng hininga at hindi na kakayanin ang kaba na nadarama. Pero sa paglipas ng panahon lagi akong nagigising sa pare-parehas na panaginip: Ako ay nakaluhod sa tabi ng katawan ni Julie, nadulas sa dugo niya at narinig ko ang humihinga na parang animal at parang humagikgik na paghinga.
Alam ko sa isipan ko na nakaligtas ako ng madaming tao ng makulong si Rick Webb, kasi kung talagang hayop siya at makakalaya siya, alam kong makakapatay siya ulit.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench