10
Plano sana ng lola ko na matulog sa amin ng gabi na ‘yun, pero dahil mas gusto ng mga magulang ko na mapag-isa, nag-impake siya ng mga gamit at sumabay sa kaibigan niya papuntang Amstelveen, mag sta-stay siya duon magdamag at ihahatid sa airport kinabukasan.
Ang inaasam niyang pagbabati ng mga magulang ko, pagkatapos ng di nila pagkakaunawaan ay hindi na kailanman matutupad.
Natulog ang mama ko sa kwarto ni Julie ng gabi na ‘yun at gabi gabi pa sa sumunod na sampung buwan, hanggang sa matapos ang hearing, na kahit anong dami ng pera ng mga webb at kahit gaano pa sila kakilala, maliligtas ng depensang grupo si Rick Webb sa pagiging guilty sa pagpatay kay Julie.
Tapos nabenta na ang bahay namin. Ang papa ko ay bumalik na sa Amstelveen, tapos kami naman ng mama ko ay nagpatuloy ng nomadic na buhay, sa Amsterdam kung nasaan malapit ang isa kong lola. Ang mama ko, na nagtrabaho bilang sekretarya bago pa siya ikasal, ay nakakuha ng trabaho sa isang national hotel. Palaging maganda, matalino rin siya at disenteng tao at siya ang tipo ng tao na kada eighteen months sa trabaho niya, ay lumilipat ulit sa ibang hotel or sa ibang city.
Naging manginginom si mama, araw araw umiinom siya pagkauwi galing trabaho. Ilang taon din niyang kinaya ang ganung systema, hindi lang siya papasok kapag nilagnat siya dahil sa kakainom.
Ang pagiinom niya ang nagpapatahimik sa kanya. Minsan naman nagiging malambing siya at sinasabi niya ang tungkol sa kanila ng papa ko, at dahil sa mga pangyayare na yun, dun ko narerealize kung gaano niya kamahal ang papa ko.
“Natalie, sobrang baliw ako sa kanya simula palang nung una kong kita sa kanya. Sinabi ko na ba sa’yo kung paano kami nagkita?” Tanong ni mama
“Paulit ulit nga mama.”
“Nineteen years old ako nun at anim na buwan na akong nagtratrabaho sa una kong secretary job. Bumili ako ng sasakyan, tapos naisip ko na imaneho ito para makita ko kung gaano kabilis kong maipatatakbo ang sasakyan. Tapos bigla nalang nakarinig ako ng tunog, tapos sa side mirror ko nakita ko na may ilaw na nagfla-flash at may boses na nagsalita na patigilin ang sasakyan. Tinikitan ako ng papa mo at sinermonan pa niya ako nun kaya napaiyak ako. Pero nung nagpakita siya sa korte ko, sabi niya na bibigyan nalang niya ako ng driving lessons.”
Minsan naman, magiging emotional siya. “Napakastrikto niyang lalaki sa madaming bagay. College graduate siya, gwapo at matalino. Pero komportable lang siya sa mga dati niyang kaibigan at ayaw na niyang baguhin ang nakasanayan niya kaya ayaw niyang lumipat tayo sa Aalsmeer. Hindi naman problema kung saan tayo nakatira e. Ang problema talaga ay yung pagiging strikto niya kay Julie. Kahit naman na nakatira tayo sa Amstelveen, makikipagdate parin ng patago ang ate mo.”
Yung mga panahon na yun, lagi nalang nauuwi sa “Kung alam lang namin kung saan siya hahanapin nung di na siya umuwi.” Ibig sabihin, kung sinabi ko lang sa kanila yung tungkol sa garahe.
Ang Grade 3 sa Amsterdam. Grade 4 at 5 sa Oxford. Grade 6 sa Lancaster. 1st year sa Cambridge at balik ulit sa Amsterdam nung 2nd year.
Ang pera ng papa ko pang suporta sa akin ay hindi pumapalya sa unang araw ng buwan, pero madalang ko nalang siyang makita, nung mga unang taon lang tapos biglang wala na. Julie, ang pinakamamahal nilang anak, ay wala na. Kaya wala naring natira sa mama at papa ko kundi pait, pagsisi at frozen love, at kahit ano pa ang naramdaman niya sa akin ay hindi pa enough yun para sa kanya na maging masaya siya. Parang pag nakatira kasi kami sa iisang bubong, t’wing nakikita niya ako, parang yung sugat niya na unti-unti nang naghihilom ay nahihiwa ulit. Kung sinabi ko lang kasi yung tungkol sa garahe.
Sa paglaki ko, ang paghanga ko sa papa ko ay napalitan na yun ng galit. Kung tinanong niya kasi ang sarili niya: Kung tinanong ko si natalie ng gabi na ‘yun kesa patulugin siya? Paano naman yun, papa?
Magandang kapalaran, pagtungtong ko ng college, lumipat kami ni mama sa California ng napakatagal para narin matuloy ang residency namin duon, tapos nag-aral ako sa UCLA sa kursong Journalism Major. Namatay ang mama ko dahil sa liver failure, anim na buwan pagkatapos kong makuha ang master’s degree ko, at syempre gusto ko na makapagsimula ng bago, kaya nag-apply ako ng trabaho at natanggap ako sa amsterdam.
Habang nakaupo ako sa dining room sa Inn, at tinitignan ko si Liz habang nilalagay niya ang steamed onion soup na inorder ko sa harapan ko, I wonder kung ano ang buhay namin ngayon kung buhay pa si Julie.
Siguro magkasama parin ang mama at papa ko, dito parin kami nakatira sa Aalsmeer. Ang mama ko ay madaming plano sa pagrerenovate sa bahay, at siguro hindi na magdadalawang isip ang papa ko na tumira dito. Habang nagdridrive ako paikot sa town, napansin ko na madami na ang nagbago sa bayan na ‘to. Meron ng mga bilihan ng tinapay at dyaryo, na yun ang paliging sinasabi ng mama ko na magbabago rin ang bayan na ito at magiimprove. Hindi na sana kailangan ni papa na magdrive ng limang kilometrong layo parang bumili ng tinapay dati.
Kahit na tumira kami dito o hindi, kung buhay pa sana si Julie, hindi sana mamamatay si mama. Hindi niya sana hahanapin pa ang pagiging komportable at hindi rin siya magiinom para lang makalimot.
At siguro kung buhay si Julie at nag-aral sa college, siguro makukuha ko na ang atensyon na inaasam ko sa papa ko.
Hinigop ko na ang soup ko.
At parehas na parehas ang lasa sa pagkaalala ko.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench