18
Ang antok ay hindi dumaan sa akin agad nitong gabi. Makakaidlip ako tas magigising ulit, alam ko kasi na kada tunog ng orasan ng mga minuto, ay lalong lumalapit kay Rick Webb ang mga bukas na pintuan sa kanya para makalaya na siya.
Hindi ko siya maialis sa isipan ko o kung bakit siya nakulong ng 22 years. Kung tutuusin, habang lalo siyang lumalapit sa kalayaan niya, ay mas lalong nabubuhay ang alaala ni Julie at ni mama. Kung sinabi ko lang.. Kung sinabi ko lang..
Suko na ako. Tinalukuran ko na ‘yun, na hindi ko kasalanan yun na hindi ko sinabi agad. Nilagay ko na yun sa nakaraan. Alam ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko, at hindi ko rin naman ginusto na mangyari ang mga trahedya na ‘to sa buhay ko. Mga alas dos ng madaling araw, nagtimpla ako ng Hot Choco. Nakaupo ako malapit sa bintana habang iniinom yun. Kapag 92 years old ka na, hindi ka na gaano makakatulog. Naisip ko tuloy kung gising ba ang lola ni Rick ngayon. Ang paglinis ng apilido nila ay kasing powerful ng ginagawa ko, hindi nasira ang reputasyon ni Jacob Harris at hindi rin naman nailagay sa putikan ang pangalan ng Kapatid ko.
Ang kapatid ko ay inosente, batang dalaga na napaikot ang mundo niya; ang paghanga niya kay Rick Webb ay naging takot, kaya siya pumunta nung gabi na yun sa garahe. Kasi takot siya na hindi niya makita si Rick Webb, kahit na sinabi ni Rick Webb na magkikita sila duon.
Nakaupo lang ako habang lumilipas ang oras, ang mga pangyayari na natatakot si Julie sa kanya at ako naman ay natatakot para sa kanya ay sumasagi sa isip ko. Iniimagine ko kung ano ang itsura ni Julie nung gabi na ‘yun. Suot suot ang kwintas na bigay sa kanya ni rick, halos mabulunan na kakaiyak. Naawa ako sa kapatid ko, sobrang bata pa niya na mamatay, ni hindi man lang niya na-experience na magmahal ng tunay, makasal, magkaroon ng mga anak at tumanda. Naiiyak na ako habang inuubos ko ang hot choco ko.
Sa mga alaala na ‘yun, nagkapalit kami ng ginagampanan, ako ngayon ang nagsisilbing parang panganay na anak. Bumalik na agad ako sa higaan ko at nakatulog na ako ng maayos hanggang alas syete ng umaga. Nasa harap ako ng TV habang binabalita na sa news ang paglaya ni Rick Webb sa Xing Xing prison, at may limousine na nag-aantay sa kanya sa labas ng gate ng kulungan. Yung mga on-the-spot na reporter na nandun ay ine-emphasized na nila ang mukha ni Rick Webb na inosente siya sa krimen na ginawa niya.
Mga tanghali, bumalik ako ulit sa tapat ng TV para panuorin ang press conference ng pamilyang webb sa bahay nila.
Ang interview ay nasa library room ng pamilyang webb. Simula pa dati ay gwapo na siya, at mas lalo pa siyang gumwapo ng tumanda siya ngayon. Nakuha niya ang itsura ng papa niya.
Ang mag iinterview sa kanya ay ang isang host na sobrang kilala na, na si Colleen Summer. Nagsabi siya ng brief story para simulan: “Just released after twenty-two years in prison. . . always protested his innocence. . . will now fight to have his name cleared. . .”
Simulan niyo na agad, sa isip isip ko.
“Rick Webb, it’s an obvious question, but how does it feel to be a free man?” Tanong nung host.
Ngumiti siya. “Unbelievable, wonderful. I’m too big to cry, but that’s what I feel like doing, I just go around the house, and it’s so wonderful to be able to do normal things., like going into the kitchen and getting the second cup of coffee.”
“Then you’ll be staying here for a while?”
“Yes. Yes. My father has furnished a wonderful apartment for me near this house, and I want to work with our lawyers to get a speedy retrial.” Ngayon finocus na niya ang mga mata niya sa camera. “Colleen, I could have gotten parole two years ago I’f I’d been willing to say I killed Julie Carey and that I regretted that terrible crime.”
“Weren’t you tempted to do that?” Tanong ng host.
“Not for a minute,” “I have always maintained my innocence, and now, thanks to Kelvin Lutz coming forward, I may at last have a chance to prove it.”
Hindi mo kayang aminin, kasi marami kang panghihinayangan na bagay, sa isip ko. Sobrang madidisappoint ang lola mo sa’yo.
“You went to the movies the night Julie Carey was murdered.” Tanong ng host.
“Yes. I did. And I stayed at the movie until it was over at nine thirty. My car was parked at the service station for over two hours. It’s only a twelve minute drive to my grandmother’s place from the center of the town. Jacob Harris had access to the car, and he had been following Julie around. Even her sister admitted that on the trial.”
“The ticket taker remembers you buying the ticket.” Sabi ng host.
“That’s right. And I had the stub to prove it.” Sagot ni Rick Webb
“But no one saw you leave the theater at the end of the film?” Tanong ng host.
“No one remembers seeing me,” kinorek niya. “There’s a difference.”
Sa isang iglap ay parang tumagos sa akin ang ngiti niya sa camera, kaya napatayo ako sa kilabot.
Tapos yung mga sumunod na pangyayari sa interview, ay tungkol na sa future ni Rick Webb.
“Besides clearing your name, what are you looking forward to doing?” Tanong ng host.
“Going to L.A. Dining in the restaurants that probably didn’t exist twenty-two years ago. Travelling. Getting a Job.” Ngayon ngumiti nanaman siya. “Meeting a special someone. Getting Married. Having kids.”
Magpapakasal. Magkakaanak. Lahat ng bagay na hindi na magagawa ni Julie.
“What are you having for dinner tonight, and who is going to be with you?” Tanong ng host.
“Just the four of us—my mother, my father and my grandmother. We just want to be reunited as a family. I asked for a pretty basic dinner: shrimp cocktail, prime rib, baked potato, broccoli, a salad.”
Bakit di ka pa magdagdag ng apple pie, sa isip ko.
“And apple pie.” Dagdag pa niya.
At dagdagan mo narin ng champagne, sa isip ko.
“It seems as though you have pretty definite plans for the future, Rick Webb. We wish you luck and hope that in a second trial you can prove your innocence.” Sabi ng host.
Eto ba talaga ang journalist? Pinindot ko na ang power off sa remote button at pumunta sa lamesa sa dining area kung saan nakalagay ang laptop ko at nagkabukas na nag-aantay. Nagonline ako sa website na ginawa ko at nagsimulang magsulat.
“Rick Webb, the convicted murderer of fiteen-year-old Julie Carey, has just been released from prison and is looking forward to roast beef and apple pie. The happy feeling of this killer has just begun, and it will be made at the expense of his young victim, and of Jacob Harris, a quiet, hardworking man who has had to overcome many difficulties.” “Hindi dapat nararanasan ito ni Jacob Harris."Sinulat ko sa website ko.
Hindi na masama para masimulan ang website ko. Sa isip isip ko.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench