13
Si Mrs. Devin ay nakatira padin sa dati niyang bahay, sa babang street lang mula sa amin. Meron na ngayong apat na bahay na nakatayo sa pagitan ng dati naming bahay at kay Mrs. Devin. Obvious na ang bagong nakatira sa bahay namin ay natupad ang mga pangarap dati ni mama Nag-expand ang magkabilang gilid at pati narin sa likod nito. Dati, ang itsura ng bahay at ay parang farmhouse. Pero ngayon, ibang iba na ang itsura nito, sa sobrang ganda ay parang palasyong masarap uwian.
Mabagal ko lang pinapatakbo ang sasakyan ko palagpas sa dati naming bahay, tapos dahil tahimik naman ngayong umaga ng linggo, naisip ko na wala namang makakapansin sa akin kaya bumaba ako ng sasakyan.
Nakita na ako ni Mrs. Devin pagkababa ko palang ng sasakyan, binuksan niya ang pintuan niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang mahigpit niyang yakap. Simula pa dati ay maliit na babae siya at may magagandang brown na mata. Dati ang medium short hair niya ay brown, ngayon lahat ay kulay silver/gray hair na, nagkaroon narin siya ng mga linya sa kanyang gilid ng mga mata at sa gilid ng kanyang bibig. Pero siyang siya parin ang Mrs. Devin na nakilala ko. Sa nagdaan na taon palagi niyang pinapadalhan ng Christmas Cards si mama na may mahabang sulat at si mama naman na walang kahilig hilig sa cards, ay magpapadala nalang ng sulat na may picture naming dalawa at sasabihin niya kung gaano ako kagaling sa school.
Pinadalhan ko siya ng sulat ng mamatay si mama at nakatanggap naman ako ng mainit pero napakakomportable na mensahe galing sa kanya. Hindi na ako nagpadala ng sulat simula ng lumipat na ako sa amsterdam, kaya inimagine ko kung ilang holiday cards o sulat ang ibinibalik sa kanya ng post office.
“Natalie, ang tangkad mo na!” sabi niya habang nakangiti. “Sobrang liit mo lang dati.”
“Tumangkad ako nung bandang 3rd and 4th year ko.” Sabi ko sa kanya.
Merong kape at cupcakes na kakalabas lang sa oven. Dahil sa pagpupumilit ko, nagstay kami sa kitchen at duon nag-usap. Ilang minuto pa, nagkwento siya tungkol sa pamilya niya. Hindi ko masyadong kilala ang mga anak niya. Parehas na kasing kasal ang babae at lalaki niyang anak ng lumipat kami dito sa Aalsmeer. “Walong Apo!” Sabi niya na nagmamalaki. “Pero sayang lang dahil isa man sa kanila ay hindi nakatira malapit dito, pero marami sa kanila ang madalas kong makita.” Alam ko na matagal ng byuda si Mrs. Devin.
“Sabi nga sa akin ng mga apo ko ay masyadong malaki ang bahay na ‘to para sa akin, pero para sa akin eto ang bahay ko at mahal na mahal ko ito. Siguro kapag hindi ko na maikot ang bahay, tsaka ko nalang ibebenta. Pero hindi pa siguro sa ngayon.” Sabi ni Mrs. Devin
Sinabi ko naman sa kanya ang tungkol sa trabaho ko at pinag-usapan din namin ang tungkol sa pagbabalik ko dito sa Aalsmeer.
“Natalie, simula ng makulong si Rick Webb ng araw na sinabi ng korte na guilty siya, nagpupumilit ang pamilyang Webb na inosente siya at ginagawa nila ang lahat para mailabas siya duon. Marami ring tao ang nakumbinsi nila. Meron nga akong gustong aminin sa’yo. Ngayon ay nagdududa na nga ako, na baka inosente nga si Rick Webb, at hindi siya ang pumatay sa kapatid mong si Julie.” Sabi ni Mrs. Devin
Napanuod ni Mrs. Devin ang Press Conference. “May isa lang talaga akong pinaniniwalan sa sinabi ni Kelvin Lutz, yun ang pumunta talaga siya sa bahay ni Mrs. Webb at kumuha ng pera. Pero, talaga bang andun siya ng gabi na ‘yun? Posible ba yun. Sa kabilang dako, iniisip ko din kung ano ang binibigay sa kanya para sa storya na sinabi niya, tapos naalala ko pa kung gaano nanlambot si jacob ng ibalita sa klase na patay na si Julie. Nakita ko ng nagtestify sa korte yung teacher, dun mo makikita ang sobrang kabadong witness. Makikita mo kung gaano niya pinoprotektahan si Jacob pero kailangan din niyang aminin ang totoo na, ng tumakbo palabas ng classroom si Jacob, narinig niya na may sinabi ito: ‘Hindi ko akalain na patay na siya.’”
“Kamusta na si Jacob ngayon?” Tanong ko.
“Actually, maganda ang kalagayan niya ngayon. Bandang sampu hanggang labing dalawang taon pagkatapos ng trial, sobrang kawawa siya nun. Alam niya kasi na may ibang mga tao na naniniwala na siya ang pumatay kay Julie, at yung mga paniniwala na yun ay halos sirain siya. Nagtrabaho nalang siya sa restaurant nila kasama ang mama at papa niya, at sa pagkakaalam ko dun niya nakuha ang pagbangon ulit. Pero dahil namatay ang papa niya ilang taon lang ang nakakalipas at dumami pa ang responsibilidad niya ngayon, medyo nag mature naman na siya kahit papano. Sana ‘tong storya ni Kelvin Lutz ay hindi ulit makasira sa kanya ngayon.” Sabi ni Mrs. Devin
“Kung mabibigyan ulit ng panibagong trial si Rick Webb at mapawalangsala nga siya, mahihirapan ngang tanggapin ni Jacob na guilty siya.” Sabi ko.
“Aarestuhin ba si Jacob nun? Kakasuhan ba siya?” Tanong ni Mrs. Devin
“Hindi naman ako abogado, pero I doubt. Ang bagong testimoniya ni Kelvin Lutz ay pwedeng mabigyan ng bagong trial si Rick Webb at mapawalangsala, pero hindi rin yun ico-consider na proeba para akusahan agad si Jacob Harris. Pero makakasira na ‘yun, at magiging biktima na si Jacob ng mga Webb.” Sabi ko.
“Pwede, pwede ding hindi. Kaya ang hirap.” Sabi ni Mrs. Devin
“Natalie, yung writer na nagsusulat tungkol sa kaso na ‘to ay binisita ako. May nagsabi sa kanya na malapit ako sa pamilya niyo.” Sabi ni Mrs. Devin
Nakaramdam ako ng parang babala sa sinabi niya. “Anong kailangan niya?” sabi ko.
“Maraming tanong. Ma-ingat naman ako sa mga binitawan kong salita sa kanya. Pero sinasabi ko na sa’yo ngayon na yung Josh na yun ay may point of view, at gagawin niya ang lahat para palabasin na sa libro na yun ay inosente si Rick Webb. Tinanong din niya kung ang rason ba kung kaya’t naghihigpit ang papa mo dati kay Julie ay dahil nakikipagdate siya sa madaming lalaki.” Sabi ni Mrs. Devin
“Hindi totoo yun!” Sabi ko.
“Ipapakita niya na parang totoo ‘yun, natalie.”
“Totoo na may pag tingin siya kay Rick Webb, pero sa totoo lang takot din siya dun.” Hindi ko ine-expect na sasabihin ko yun, pero naisip ko na totoo talaga ‘yun. “At natatakot ako para sa kanya, sobrang galit si Rick Webb kay Julie dahil kay Jacob.”
“Natalie, nasa bahay niyo ako. Nandun ako ng tumestigo ka sa korte. Wala kang sinabi na takot kayo ni Julie kay Rick Webb.” Sabi ni Mrs. Devin
Sinasabi ba niya sa akin ngayon na baka gumagawa lang ako ng kwento ngayon para lang mapatunayan kong totoo ang testimonya ko dati. Tapos dinuktungan pa niya, “Natalie, magiingat ka. Yung writer na yun sinasabi sa akin na emosyonal at hindi ka mapalagay na bata. At yun ang ididiin niya sa libro na ginagawa niya.”
“Pwedeng makalabas ng kulungan si Rick Webb, Mrs. Devin. Pero sa oras na matapos ko ang pag-eembestiga ko at ang pagsusulat ko sa bawat detalye ng kawalanghiyaan na ginagawa niya sa buhay niya, wala ni kahit sino ang gugustuhing makalakad siya sa daan, gabi man o umaga. At kung mabibigyan man siya ng pangalawang trial, pinapangako ko sainyo na wala ni isang jury ang magpapawalang sala sa kanya.” Sabi ko.
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Misterio / Suspenso❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench