F O U R

74 1 0
                                    

4

Ginamit ang Washing Machine.

Ano ba ang sobrang importante at di niyo na ako naintay na makabalik, mrs. Webb?” Tanong ni vicky. Ang tono ng boses niya ay medyo defensive, natatakot kasi siyang malaman na baka di niya natapos ang mga gawaing bahay kay mrs.webb. Umalis si Vicky, katulong ni mrs. Webb, pinuntahan niya ang tita niyang may sakit nung Thursday at ngayon ay sabado na ng umaga ng siya ay bumalik.

Dapat di na kayo nag-abala na maglaba dahil ang kamay niyo ay sanay  lang mag-utos.”

Hindi alam ni Mrs. Chelsea Webb kung bakit parang hindi siya nagalit sa sinabi ni Vicky, bagkus hindi siya agad nakasagot dito.

Alam mo vicky kung maglalaba man ako, hindi naman siguro ako tanga para iwan na nakabukas ang washing machine.” Sabi ni Mrs. Webb

Kasi kung titignan niyo, andaming nagamit na sabon, andami niyo sigurong nilabhan. At alam niyo ba Mrs. Webb, nabalitaan ko kahapon yung tungkol sa CAREY GIRL. Hindi ko talaga maialis sa isip ko. Sino bang maniniwala na mang kayang gumawa nun sa bayan naten? Talagang nakakalungkot ang balitang iyon.”

“Oo nga e.” Siguro si Rick ang gumamit ng washing machine, sa isip ni Chelsea. Si Matt, ang asawa niya, ay hindi gagamit ng washing machine kahit kelan, siguro hindi pa nga marunong gumamit.

Rick? Ano kaya ang osbrang importante para maglaba siya?

Dati na niyang ginagawa ‘yan. Eleven years old palang siya, sinubukan niyang labhan ang damit niya na may amoy ng sigarilyo.

Sobrang ganda ni Julie Carey no? at kung iisipin mo nga naman, pulis pa ang papa niya. Sino nga ba ang mag-aakala na di niya kayang protektahan ang anak niya.” Sabi ni Vicky.

Tama ka.” Nakaupo si Mrs. Chelsea Webb malapit sa kusina, gumagawa ng mga desings ng bintana para sa mga clients niya na bumili ng bagong bahay.

Tapos sabi pa sa balita na grabe ang pagkakapalo sa ulo nung bata, halimaw lang ang gagawa ng ganung bagay, dapat ibigti ang tao na gumawa nun sa kanya.” Sabi ni Vicky.

May kikitain kami ni Matt na mga kaibigan sa isang restaurant ngayong gabi, Vicky.”

“Uuwi ba si Rick?” Tanong ni Vicky.

Magandang tanong, sa isip ni chelsea.

Lumabas siya para magjogging at babalik na rin siguro maya-maya. Tignan tignan mo siya.” Sabi ni Mrs. Chelsea Webb na may pangamba sa boses niya. Iba ang kinikilos ni rick simula pa kahapon. Lalo na nung kumalat na ang balita sa pagkamatay ni Julie, inaasahan ni Chelsea na malulungkot ang anak niya, pero parang wala itong pakialam.

Hindi ko siya gaano kilala, ma.” Sabi ni Rick na naalala ni Chelsea.

Umakyat siya ng hagdan at pumunta sa kawrto ni rick. Sarado ang pinto. Isang oras na siyang najo-jogging at siguro ay babalik na rin anumang oras ngayon. Nanginginig niyang binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto. Hindi pa nahihigaan ang kama pero hindi naman gaano malinis ang kwarto. Metikoloso si Rick sa mga damit niya, minsan kahit yung mga slacks niya ayaw niya na hindi yun na pla-plantsa, pero careless naman siya pagdating sa mga marurumi niyang damit. Inaasahan ni Mrs. Webb na makikita niya ang mga damit ni Rick na nasuot na nung Huwebes at kahapon sa sahig at aantayin na labhan ito ni Vicky.

Naglakad siya agad sa buong kwarto at pumunta sa banyo para makita ang lalagyan ng maruming damit ni Rick, pero kahit isang damit walang laman yun.

Gusto sana ni Chelsea na silipin ang cabinet ng anak niya pero ayaw niya na madatnan siya dun. Hindi siya handa sa anumang explanation at sa magiging conversation ng anak niya. Kaya umalis siya ng kwarto ni rick, at inalala na isara ang pinto, at naglakad patungo sa kwarto nilang mag-asawa.

Pagkapasok niya ng kwarto, biglang nakaramdam siya ng sakit ng ulo, inilagay niya ang portfolio na hawak niya sa upuan, pumunta sa banyo at binuksan ang medicine box kung saan nakalagay ang mga bilin ng doctor na gamot. Uminom siya ng dalawang gamot, tumingin siya sa salamin at nagulat siya sa mukha niya kung gaano siya kaputla at parang pagod na pagod.

Suot niya ang pang jogging na attire dahil may plano sana siya na mag jogging muna bago gawin ang pag i-isketch. Ang mala chestnut niyang buhok ay nakatali, at wala naman siyang pakialam kung wala siyang make-up. Para sa kanyang sariling opinyon, mas mukha pa siyang matanda bilang 44 years old na babae, na may wrinkles na namumuo sa gilid ng kanyan mata at sa gilid ng kanyang bibig.

Ang bintana ng banyo ay nakatapat sa harap ng bahay nila at sa driveway. Pagtingin niya sa labas, meron siyang nakitang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya na parating sa harapan ng bahay niya. Ilang segundo pa ay narinig niyang may nag door bell. Inaasahan niya na sasabihin sa kanya ni Vicky kung sino man ang taong dumating sa baba, pero pag-akyat ni vicky may binigay siya na card kay Mrs. Webb.

Gusto niyang kausapin si rick, mrs. Webb. Pero sabi ko sa kanya na lumabas si rick para mag jogging, at sabi niya ay maghihintay siya.”

Mas matangkad si Chelsea kesa kay Vicky, na parang hanggang five feet flat lang ang height ni Vicky, pero halos mapakapit siya kay vicky ng mabasa niya ang pangalan na nasa card: Detective Darren Lantern

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon