17
Pagkatapos kong makasama ang mga Harris kahapon, tinry ko namang kontakin si Detective Darren Lantern, ang detective na nagimbestiga sa murder case ni Julie. Ang answering machine ang sumagot sa tawag ko at nag-iwan ako ng mensahe kung sino ako at binigay ko ang aking cellphone number. Ilang araw ang lumipas pero walang mensahe galing sa kanya.
I was disappointed. Matapos kong makita na lumabas siya sa TV tungkol sa press conference ni Rick Webb, akala ko kapag narinig niya na tumawag ako, matutuwa siya. Maggi-give up na sana ako, pero nung October 30, nagring ang phone ko. Pagkasagot ko: “Natalie, yung buhok mo ba ay parang kulay buhangin pa din?”
“Hello, Mr. Lantern.” Masayang bati ko sa kanya.
“Kakabalik ko lang galing Paris, yun ang dahilan kung bakit hindi ako agad nakatawag.” “Ang kauna unahan kasi naming apo ay naipanganak na at nandun padin ang asawa ko. So pano, magdinner tayo mamayang gabi?”
“I’d love to.” Sinabi ko sa kanya na nagsta-stay ako sa guest apartment ni Mrs. Devin.
“Alam ko kung saan nakatira si Mrs. Devin.”
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa linya ng phone dahil naisip namin na talagang alam niya ang bahay ni Mrs. Devin dahil sampung bahay lang mula sa kanila ang bahay ni Mrs. Devin.
“Susunduin kita ng 7pm.” Sabi ni Mr. Lantern.
Meron talagang mga tao sa mundo na kahit kakakilala mo palang sa kanila, feeling mo na komportable ka na kasama sila. Ganun kasi ang pakiramdam ko nung makasakay ako sa kotse ni Mr. Lantern.
“Lagi kitang iniisip sa nakalipas na mga taon.” “Pumunta ka na ba sa pinakalumang mall dito, simula ng bumalik ka?” Tanong ni Mr. Lantern.
“Nadaanan ko siya nung isang araw, pero hindi ako bumaba ng sasakyan. Naalala ko pa nung nandun ako nung bata pa ako, ang mama ko ay laging nandun para tumingin sa mga antique shops.” Sagot ko kay Mr. Lantern.
Si Mr. Lantern ay nagpareserve sa Cathyrn’s Restaurant, sa isang corner table kami naupo, awkward nga na makitang mas matanda siya sa personal kesa sa TV.
“Hindi ko alam kung bakit iniisip ko dati na ang magiging height mo lang ay 5’3, sobrang liit mo lang kasi nung bata ka pa.” Biro ni Mr. Lantern
“Medyo lumaki ako nung bandang high school.”
“Kamukhang kamukha mo ang papa mo, alam mo ba yun. So, nakita mo na ba siya ulit?” Tanong ni Mr. Lantern
Medyo nasurprise ako sa tanong niya. “Hindi. Wala din naman ho akong balak.” Ayokong magtanong, pero nacurious ako. “Nakikipagkita ka ba sa kanya, Mr. Lantern?”
“Tawagin mo nalang akong Darren. Matagal ko na siyang hindi nakikita, taon narin ang bibilangin, pero yung anak niyang lalaki, yung half-brother mo, ay isang napakagaling na athlete. Dami ko kasing nakikitang balita sa dyaryo tungkol sa kanya. Nagretire ang papa mo sa pagiging pulis eight years ago nung siya ay 59 years old, at minsan pa ay nalalagay din siya sa dyaryo. Nagkaroon kasi siya ng magandang career sa pagiging pulis.”
“I guess, kasama sa dyaryo yung tungkol sa pagkamatay ni Julie.” Sabi ko.
“Oo, meron ngang konting picture tungkol duon.” Sabi ni Mr. Lantern
“Anyway, palagi ngang sinasabi ng mama ko na lumaki ka ngang maganda.” “Natalie, nabasa ko yung una mong libro na napublish at nagustuhan ko talaga ‘yun. Sa loob ng libro talagang naantig mo ang mga puso ng mambabasa. Alam ko kung saan mo pinanghuhugutan yun.” Sabi ni Mr. Lantern
BINABASA MO ANG
DISGUISE (On-Going)
Mystery / Thriller❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missrench