F O U R T E E N

22 2 2
                                    

14

Lunes ng umaga ng ten o’clock may meeting ako sa Albany kasama si Alwyn Braz, staff sa parole office. Matanda na siyang lalaki na nasa sixties, na anlaki ng eyebags, at putting puti na ang buhok sa unahan.

Walang duda na narinig na niya ang maraming bersyon ng protesta ko sa nakalipas ng mga taon.

Ms. Carey, Si webb ay nabigyan na ng chance for parole ng dalawang beses na. Ngayon ang hula ko ang desisyon ay ilalabas na talaga siya.” Sabi ni Mr. Braz

Mamamatay tao siya.” Sabi ko.

“Hindi ka naman sigurado dun.” Sabi ni Mr. Braz

“Hindi rin naman kayo sigurado na hindi nga siya mamamatay tao.” Sabi ko.

Inoffer siya ng parole dalawang taon ng nakalilipas, kung inamin nga niya na pinatay niya ang kapatid mo, tatanggapin niya ang responsibilidad ng pagkakakulong, pero baba naman ang sistensiya dahil sa pag-amin niya. Pero hindi niya tinanggap ang offer na ‘yun.” Sabi ni Mr. Braz

Oh, come on, Mr. Braz. Alam naman natin na hindi totoo ang mga sinasabi niya. At alam din niya na hindi niyo siya kaya pang patagalin sa kulungan.” Sabi ko.

Nakalimutan ko na isa ka na nga palang investigative reporter ngayon.” Sabi niya

Ako rin ang kapatid ng fifteen-year-old na babae na hindi man lang nakapag sweet 16th birthday.” Sabi ko.

Ms. Carey, meron din akong duda na guilty talaga si Rick Webb sa nangyari. Pero, kailangan niyo rin tanggapin na nakulong na siya sa taon na nakalaan sa kanya, at ng makulong siya ng mga unang taon, wala siyang record na nanggulo, o nang patay sa kulungan.”

“Meron pa, kahit na nagawa nga niya ang krimen na ‘to. Masyado pa siyang bata nun para hindi magbago, alam ko na ang mga ganung kaugalian ay nawawala din kapag nakatungtong na ng edad trenta at mas lalong wala na kapag edad forty na.”

“At meron din namang mga tao na pinanganak na wala talagang konsensiya, na kapag pinakawalan mo sa kawla, parang bomba na sasabog nalang sa daan.” Sab ko kay Mr. Braz

Itinulak ko ang upuan ko at tumayo. Tumayo rin naman si Mr. Braz. “Ms. Carey, here’s a piece of unwelcome advice. Meron akong pakiramdam na namuhay ka na sa memory ng kaso ng kapatid mo sa buong buhay mo. Pero hindi mo na siya maibabalik, at hindi mo rin mapapakulong si Rick Webb sa kulungan ng matagal. At kapag nakakuha siya ulit ng bagong trial at napawalang sala, yun talaga ang kapalaran nun. Bata ka pa, bumalik ka nalang ng Amsterdam at isantabi mo nalang ang kaso na ‘to.”

“That’s a good advice, Mr. Braz, and I’ll probably take it someday.” Sabi ko. “Pero hindi ngayon.”

DISGUISE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon