Kabanata 7

61 4 1
                                    

Kabanata 7

Mabilis na lumipas ang isang oras. Tinignan ko ang next subject sa schedule na kinuhanan ko kahapon.

Filipino. Bored ako sa subject na 'yan pero dahil pag-aaralan ang Noli Me Tangere ay pinakikinggan ko pa din. Idol ko si Jose Rizal, kaya lahat ng konektado ko sa kanya ay gusto ko.

Tinignan ko si Joaquin sa kaliwa ko. May sinusulat ito sa likod ng notebook nya. Nung napansin na nakatingin ako ay tinigil nya 'yun saka pinilas ang papel at nilamukos.

Umiling-iling ito saka seryoso akong tinapunan ng tingin. Akmang tatayo pero may pumasok na magandang babae sa classroom. Siguro ang teacher namin sa Filipino.

"Good morning, 3-Dahlia.." bati nya.

Binalik namin ang pagbati nya. Tinignan ko ang mga kaklase ko dahil kakaiba ang katahimikan na namayani sa loob ng pumasok sya. Tinitigan ko si Ms. Capiral.. nakuha ko agad kung bakit. Unang tingin pa lang ay halatang masungit at istrikta na.

Sa wari ko ay dalaga pa si Maam base sa itsura nito. Mahaba ang itim na itim at tuwid nitong buhok. Sexy at matangkad..

"May bago pala kayong kaklase," aniya ng mapansin ako.

Tumayo ako saka pinakilala ang sarili. Inutusan nya akong lumapit sa harap para doon magpakilala.

"Good morning everyone. My name is Samantha Esguerra," tipid na pagpapakilala ko.

"'Yun lang?" tila bitin na tanong nya.

"I am fifteen years old."

Bukod doon ay ano pa ang dapat kong sabihin? Alam ko naman na kahit pahabain ko pa ang pagpapakilala sa sarili ay wala namang makakatanda nun.

Pinabalik nya na ako. Sinundan ako ng tingin ni Joaquin hanggang sa makaupo ako sa tabi nya.

"Esguerra.." aniya sa apelyido ko. Tatayo ako pero sinenyasan akong 'wag na.

Bahagya akong kinabahan sa klase ng titig nya. Nalito ako ng tinuro kami ni Joaquin.

"Esguerra... Claveria.."

Claveria.. parang pamilyar ang apelyido na 'yun. Di ko lang matandaan kung kanino ko narinig 'yun. Halatang pangmayaman ang apelyido...

"Sa wakas.." ani Maam ng nakangiti. "Gusto kong pagbidahan nyo ang play na gagawin natin."

Nagtaas ng kamay si Chelsea. Nagpoprotesta sa sinabi ni Miss Capiral.

"Ma'am, akala ko po ba si Theena na ang Maria Clara?"

"Hindi pa naman final 'yun nung pinag usapan natin. Isa pa, wala kong natatandaan na sumang ayos si Chelsea na sya ang gaganap bilang Maria Clara.."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga na pinakawalan ni Joaquin. Para bang pinararating nya na hindi nya ko gustong maging partner.

"Kung ayaw mo sa'kin magprotesta ka din," sabi ko ng pabulong sa kanya habang nakatakip ang panyo sa bibig.

"Wala naman akong sinabi.. pero sa tingin ko hindi bagay sayo na maging Maria Clara.." pabulong din na sabi nya.

"Aba!.." sa puntong 'yun ay nanlaki ang singkit kong mga mata sa sinabi nya. "Hindi din naman bagay sa'yo maging Crisostomo Ibarra.. malayo ka sa pagiging maginoo, magalang at may respeto sa babae na katulad nya."

"Dahil tapos na ang first grading period babaguhin ulit natin ang magiging partner nyo sa lahat ng activities natin ngayong gradin. Ngayon, kung sino ang katabi nyo, 'yun ang kapartner nyo.."

Napatingin ako kay Marri dahil akala ko sya ang kapartner ko.

"Si Joaquin ang partner mo, Sam.." sabi nya ng nakangiti.

The One That Got Away (Book 1 of The One Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon