Kabanata 14
Pinilit kong mag-isip ng magandang bagay para pagdating ko sa bagay ay hindi mapansin ni Mama ang pananamlay ko. Ang hirap pa naman magsinungaling sa kanya dahil parang alam nya lahat ng iniisip ko.
"Manong, sa may tindahan lang po," sabi ko sa driver. Mabuti na lang ay maliwanag ang ilaw sa tindahan na ito.
Nilabas ko na ang cellphone para ilawan ang maliit na tulay na dadaanan ko. Nagsimula na kong magdasal sa isip ko na sana ay wala akong makitang multo.
Umihip ang malakas na hangin. Sumayaw ang mga dahon ng buko kaya naglikha yun ng ingay. Malalaki ang hakbang ko para makarating agad ako sa bahay. Ilang hakbang na lang ay malapit na ako ng magulat ako sa pagvibrate ng cellphone ko.
"Sino ba 'to?" tanong ko na makitang number lang ang nagregister sa screen. Nawala din ang tawag dahil nawalan ng signal.
"Kumain ka na, Samantha.." si Mama na naabutan kong nanonood sa sala. Nagmano ako sa kanya tapos ay pumasok sa kwarto para magpalit.
"Tapos na kaming kumain ng Lola mo. Natutulog na sya sa kwarto," sabi ni Mama.
Kinuha ko ang pagkain tapos pumwesto sa sala. Pinagalitan ako ni Mama dahil hindi daw doon ang tamang kainan pero nanatili pa din ako. May gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung pano sisimulan. Natapos na kong kumain at maglinis ng katawan ay hindi ko nagawang magtanong.
Pagpasok sa kwarto ay napansin kong umiilaw ang cellphone ko. May tumatawag na naman na unknown number. Namatay agad yun kaya nakita kong may 24 missed calls na sya simula kanina. Tinignan ko ang history at halos puro minuto lang ang pagitan.
Tumatawag na naman sya kaya sinagot ko na.
"Mabuti naman at sinagot mo na.." mabilis kong nakilala ang boses nya pero gusto ko pa din kumpirmahin na sya nga iyon.
"S-sino 'to?" Tinakpan ko ang bibig ko. Kinakabahan habang naghihintay ng sagot.
"Ako 'to, si Joaquin. Hiningi ko ang number mo kay Robin."
Nilayo ko ng konti ang cellphone sa tenga ko saka huminga ng malalim.
Naririnig ko na naman ang mabilis na pintig ng puso ko.
"Ba't napatawag ka?" tanong ko. Pilit pinasusungit ang tono.
"Gusto ko lang alamin kung nakauwi ka na ba," sabi nya halata ang concerned sa boses nya.
Totoo ba? Nag-aalala sya? Bigla ay parang may mainit na humaplos sa puso ko pero agad kong winala yun ng maalala ang nangyari kanina. Pinanood nya lang akong maglakad palayo sa kanya. Hinihintay kong sundan nya ako pero hindi nya ginawa.
"Nandito ako sa tindahan sa may tulay papunta sa inyo," sabi nya.
Napatayo ako dahil doon.
"B-bakit nandyan ka?"
"Gusto ko lang makasiguro kung nakauwi ka na ba talaga."
"O-oo. Kanina pa ko nakauwi."
Narinig ko ang malalim na paghinga nya. Ano pupuntahan ko ba sya? Pero anong sasabihin ko kay Mama kung magtanong kung bakit ako lalabas.
"Hmm.. mabuti naman. Uuwi na ako," aniya bago pa ko makapagpasiya na puntahan sya.
"M-maglalakad ka lang ba?"
"Oo. Malapit lang ang bahay namin dito. Sige na, magpahinga ka na baka naiistorbo na kita."
"Saan banda?" Nagtanong pa ko kahit sabihin naman nya ay hindi ko alam kung saan.