Kabanata 32
Surprise
I am not ready to meet Joaquin's father. Kinakabahan ako at hindi ko maintindihan kung bakit.
Nakakunot ang noo ko paglabas ko sa sala. Nakatungo silang lahat at tahimik na kumakain. I was waiting for their greetings, but no one greets me.
Nakalimutan ba ni Mama? P-pero imposible. I am her only child. How could she forgot my birthday?
Masama ang loob ko pagdating sa school. Maingay at magulo ang mga kaklase ko.. nagkalat ang mga props, nakasabit kung saan-saan ang mga costume namin. Hinanap ko agad si Joaquin pero hindi ko sya makita.
Tinignan ko ang cellphone. He knows my birthday, right? Binigyan nya nga ako ng mga regalo nung nakaraan dahil malapit na ang kaarawan ko, pero bakit hindi niya ko binabati?
Ngumiti si Marri nung nakita ako, tumango lang ako. My day is ruined.. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil ayokong busangot ang mukha ko mamaya. I think some happy thoughts..
Excited akong kinuha ang cellphone sa bag ko nung tumunog yun. A small smile crept on my lips when I read Elaine's message. I scrolled my inbox, baka sakaling hindi ko lang napansin ang ibang nagtext pero wala talaga.. Tinitigan ko ang conversation namin pero nung isang araw pa ang huling texts niya.
"Guys, magready na kayo," sigaw ni Thomas.
Hinanap ko si Joaquin pero wala siya sa classroom. Nasa upuan ang bag nya.
"Marri, nakita mo ba si Joaquin?" Di ko na napigilang magtanong.
Busy si Marri sa inaayos na props.. kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang napansin ang props na ginagawa nya.. para saan? Bakit may mga pula?
"A-ahh. Di ko napansin, Sam. Medyo late ako dumating," sabi niya ng hindi ako tinitignan.
Huminga ako ng malalim. Inayos ko na lang ang damit ko. Nilapitan ako ni Donny para ayusin ang buhok ko.. Tahimik lang sya habang pinupusod ang buhok ko... siguro ay kinakabahan lang para sa play mamaya.
Handa na ang iba. Nakaayos na daw ang ibang props sa stage. Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain.. mas lamang ang sama ng loob ko kaysa sa kaba. Why do I expect greetings from them? They don't even know that today is my birthday..
My forehead furrows when I frown. Hindi ko magawang ngumiti sa mga bumabati sa'kin. Tahimik ako hanggang makarating sa covered court.. Hinila ako ni Donny sa backstage.
Natatabunan ng makapal na pulang kurtina ang stage. Nakaayos na ang mga props namin. Nandoon na din si Maam, nakakunot ang noo habang hinihintay na magsimula ang play.
Hindi na ako makapaghintay sa eksenan namin ni Joaquin. Gusto ko siyang makita.. nung tinawag na ako para paghandain dahil ako na ang sunod na lalabas ay biglang umahon ang kaba sa dibdib ko.
I let out a deep sigh. I mutter ay silent prayer.. Sana maging okay ang play namin.
I was shocked when I saw Joaquin standing at the stage. Everyone is quiet.. parang natuyo ang lalamunan ko habang nakikipagtitigan kay Joaquin..
No, he's not Joaquin right now. He is Crisostomo Ibarra..I watched as he reached me. He cuts his black hair in a military style. His suit looks very well with him.. it makes him look more muscular and tall.
I couldn't see everything.. parang kaming dalawa lang ang nasa stage. Hindi nakaligtas sakin ang pagngisi nya ng mahuli nya ang paninitig ko sa kaniya.
There was something about him now. His dark eyes and sharp features are more defined. Dahil ba sa ayos ng buhok at suot nya?
Nung natapos ang eksena namin ay nilapitan nya ako.
"Bagay sa'yo ang suot mo," sabi nya tapos ay ngumiti.
Hindi 'yon ang inaasahan kong sasabihin nya. But I thank him for his compliment.
Palakpakan ng mga audience ang huli kong narinig nung natapos ang play.. Hinanap ng mata ko si Maam kasama ang ibang teachers na inimbitahan nyang manood. She looks happy and satisfied.
Nagthumbs-up pa siya nung natapos kami. Sumara na ang kurtina pagkatapos naming magbow.
Naghahanda na ang susunod na section na magpeperform.. Nagbibihis ako sa backstage ng marinig kong may tumatawag sa pangalan ko..
"Marri, bilisan mo.." si Donny, hinila ako. Hindi na natuloy ang pagbibihis ko.
"A-anong ginagawa natin dito?"
Puno ako ng pagtataka. Pinatayo niya ako sa kabilang side ng stage..
"T-teka.. Donny, para saan ba ito?" Hinabol ko sya nung akmang bababa sya.
"Dyan ka lang.." nakangiting sabi niya.
Nag-aalinlangan man ay hindi ako umalis sa pwesto ko.. Ako lang mag-isa dito. Ilang minuto na ay wala pa ding nangyayari hanggang sa may pumailanlang ang strum ng gitara.
"You know I'd fall apart without you"
Boses yun ni Joaquin. Bumukas ang kurtina sa banda ko. Tumambad sa harap ko sila Marri at ilang mga kaklase..
"I don't know how you do what you do
'Cause everything that don't make sense about me
Makes sense when I'm with you"
Nilabas nila yung korteng pusong papel na ginugupit ni Marri.. Bawat papel ay may letra..
'HAPPY BIRTHDAY HAILEY'
Unti-unting bumukas ang kurtina sa kabilang bahagi ng stage. Parang huminto ang mundo ko nung nakita kong nakatayo doon si Joaquin.
Katulad kung paano ako natulala sa kanya kanina ay ganon din ako ngayon.. kasama nya sila Jordan, Sebastian at Robin na mga nakangisi habang nakatingin sakin.
"And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever"
Dahan-dahang lumalapit si Joaquin sakin. Seryoso ang mukha, habang may hawak na pulumpon ng pulang rosas.
"And never let you forget it
'Cause, baby, I, I wanna make you feel wanted"
Inabot nya sakin ang bulaklak. I watched him, my eyes glued to his face until he held my hand.. Nanginginig ang mga kamay kong hawak niya.
Nagsigawan ang mga tao.. hindi ko na alam kung sinu-sino sila. I couldn't look at anything but Joaquin.
I knew, there's something about him the drew me in.. Kaya ba hindi niya ko binabati? Dahil may supresa siyang ganito..
"Happy birthday," he said.. tapos ay muling kumanta.
"I wanna make you feel better
Better than your fairy tales
Better than your best dreams
You're more than everything I need
You're all I ever wanted"
Natapos ang kanta niya.. kung hindi pa dahil sa malakas na palakpakan at sigawan ay iisipin kong nanaginip lang ako.
H-hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito. Joaquin makes me feel love.. his stares is full of love.. Ang lalim ng mga titig niya. Para bang lahat-lahat ay kaya nyang ibigay at gawin para sa'kin.
I didn't mind the audience. Tinawid ko ang distansya namin at niyakap siya.. Hindi na nakaligtas ang luhang naglandas sa pisngi ko. Maaari din palang makapagpaluha ang sobrang kasiyahan..
"T-thank you," I said between my sobs.
"It's my pleasure." He tapped my back and laugh.
Lumayo ako sa kanya. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. Nagpasalamat sya sa lahat ng tumulong sa kanya para gawin ang surpresang ito.
"Can we go to the park after this?" He asked.
"Sure." I shrugged.
He smiled.. mas lalong humigpit ang hawak niya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Binati ako ng mga kaklase ko.
"Happy birthday, Sam!" Lumapit sila ni Donny. Niyakap ko silang dalawa.
"Thank you, guys."
Nung lumayo ako ay muling hinawakan ni Joaquin ang kamay ko. Hindi na ko nakaramdam ng hiya sa dalawa.. Alam ko naman alam nila..
Kinaladkad niya ulit ako. Huminto ako ng makitang palabas na kami sa school.
"J-joaquin... hindi ba tayo magpapalit?" Tinignan ko ang sarili namin. Parehas pa naming suot ang costume namin kanina.
"Mamaya na lang.."
Pinagtitinginan na kami nung lumabas sa gate. Napanganga ako ng dinala niya ko sa Pick-Up nila na nakaparada sa labas.
Pinagbuksan nya ko ng pinto sa harap bago umikot. Pagsakay nya ay muli niyang hinawakan ang kamay ko..
"T-tumingin ka nga muna sa kalsada," sabi ko.
Tumingi sya saglit tapos binalik din agad ang tingin sakin, nakangisi.
"H-hindi ko mapigilan alisin ang mata ko sayo. Ang ganda mo."
Pulang-pula ang mukha ko sa sinabi nya. Tumawa siya ng malakas tapos ay dinala sa labi nya ang kamay ko.
Di ko namalayan na nasa park na pala kami. Pinarada nya sa lilim ng puno ang sasakyan. Bago bumaba ay may kinuha syang mg paper bag sa likod.
"Magpalit ka.." aniya. Inabot ang isang paper bag.
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa puno. Inalalayan nya akong umakyat sa kubo. Pinauna niya kong pumasok para makapagbihis ako.
Tinitigan ko ang dress na binigay niya. It's a pastel pink knee-length. Hinayaan kong nakatali pa din ang buhok ko.
Paglabas ko ay napanganga si Joaquin. Namula ang tenga nya tapos nagkamot ng batok.
"Sabi na bagay sa'yo," aniya.
"Ikaw ba ang pumili nito?"
Nahihiya siyang tumango. Pinapasok ko na sya sa loob para makapagpalit na din. Alam kong mainit ang suot niya.
Nauna na kong bumaba sa kubo. Dumiretso ako sa may duyan. Tumunog ang pendant ng bracelet na regalo ni Joaquin. Nahiya ako ng maalala na wala man lang akong naibigay sa kanya.
Napatili ako ng gumalaw ang duyan.. pagtingin ko ay nakatayo si Joaquin. Bakit ba iba ang paghanga ko sa kanya kanina pa? Napairap ako sa sarili ko.
"Gusto mo bang ipakilala na kita ngayon kay Papa?" Aniya.
Pinigilan nya ang duyan. Umusod ako para makaupo siya sa tabi ko. Nalaglag ang panga ko, kinabahan sa sinabi niya.. Ito na naman yung kaba ko kapag nababanggit ang papa niya.
"B-baka hindi nya ko magustuhan," napanguso ako. Sa wakas ay nasabi din ang pangamba ko.
Humalakhak si Joaquin. Pinitik ang noo ko, naiiling na kinuha ang kamay ko. Pinaglaruan nya ang pendants.
"I'm sure she will like you.. tsaka kilala naman niya ang Mama mo. I heard they we're very close back then.."
"K-kahit na.."
Hinila nya ko palapit sa dibdib niya.
"Don't worry.. I know, magugustuhan ka ni Papa." He assured me.
Huminga ako ng malalim. His voice calms me. Nakatulong din ang magandang tanawin sa harap namin. Ang maberdeng bundok na napapaligiran ng puno. Kung titignan ay parang magkadikit lang ang ulap at bundok. Kaysarap pagmasdan..
Since when did I appreciate this view? Siguro, ngayon lang... ngayon ko lang napagtanto na maganda pala dito sa probinsiya. Payapa, simple pero masaya ang mga tao. Mas gumanda dahil nasa tabi ko ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.
I move my head closer to him. He felt frozen, from both shock and wonder. I lean to him, so my forehead against his. I close my eyes.. our breaths are both shaking.
"Thank you, Joaquin.." I says almost a whisper.
"For what, baby?" He replies, his voice is low and husky.
The wind blows.. nagsayawan ang mga puno. Naglaglagan ang dahon ng mangga sa'min. Walang ibang ingay kundi ang hininga namin, ang huni ng ibon, ang pagaspas ng hangin sa mga puno..
"For being here.."
Lumayo ako at tinitigan ang mukha ni Joaquin.. bumalik sa alaala ko lahat. Yung unang pagkikita namin..
We both knew what's coming next. A shy look before he pulled my face closer to him. His lips met mine. But it was not like in stories and films.. no fireworks.
The kiss was brief, yet I will never forget that moment. Parang sa dampi na 'yun ng labi niya ay pinaramdam nya ang pag-iingat.. That brief kiss was like a beginning, a promise that there's more to come.
Joaquin held my hand gently, cupping my face with other hand. I leaned to him. Pinakikinggan ko ang tibok ng puso niya. Parang nagpapaligsahan ang kabog ng dibdib naming dalawa.
"Thank you, Hailey.." nagulat ako kaya inangat ko ang ulo. "For being my world, and for being yourself."
There is a softness in his eyes. Words left me, and my heart fell silent.
Sobrang saya ko. Lord, thank you for the birthday gift.. pero sa kabila ng matinding kagalakan ay ang pangamba. Wala bang kapalit ito?
Humiwalay si Joaquin nung tumunog ang cellphone nya. Pinakita nya kung sino ang tumatawag.
"Nandito sa park," sabi niya.
"Iuuwi ko din mamaya.."
Natapos agad ang tawag.
"May hinanda daw ang Mama mo para sa'yo.."
Tumango ako. Ang akala ko ay nakalimutan na talaga niya..
"G-gusto sana kitang makasama dito hanggang gabi dahil may ipapakita ako." He sounds disappointed.
I held his hand. "Ano ba 'yun?" Ngumiti ako.
"Surprise.." ngumisi siya.
I pouted.. "Tss.. ano nga?"
"Kapag sinabi ko sa'yo hindi na yun surprise."
Binitawan ko ang kamay niya. Ang sarap sa tenga ng halakhak ni Joaquin.. pilit niyang hinuhuli ang kamay ko pero panay ang iwas ko.
He already surprised me.. kaya naman napapaisip ako kung ano pa yung sinasabi niya.
I hate surprises sa totoo lang.. A simple greetings is fine with me. What he did earlier surprises me.. siguro dahilan na din ng ayoko ng surprise ay para hindi ako masaktan. The less you expects, the less it hurts.
"Sabihin mo na kasi kung ano yun," pagpipilit ko sa kanya.
But, Joaquin just smiled at me. Wala akong nagawa nung hilahin nya ulit ako palapit sa kanya saka niyakap ng mahigpit.
He kiss my hair. My heart beats wildly. It beats like it wants getting out of my chest.
Inalalayan akong tumayo ni Joaquin. Hinila niya ako sa puno.. Ngayon ko lang napansin na may nakaukit doon.
'She is mine.'
Yumuko si Joaquin sa mga malalaking bato na nakalagay sa ugat ng puno. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang tela. Naupo ako sa tabi niya.
"Ano yan?" kuryoso kong tanong.
"Regalo ko sayo."
Napatanga ko sa kanya.. hindi napigilan ang pagnguso nung inabot sakit ang tela. Dahan-dahan ko yung binuksan. Tumambad sakin ang isang woodcraft.
"N-nagustuhan mo ba?" Kinamot nya ang batok saka nag-iwas ng tingin.
"I-ikaw ang gumawa nito?" Hindi ako makapaniwala.
Tumango siya.
"Ang ganda, Joaquin!" Niyakap ko siya sa tuwa.
Saan pa ba hindi magaling si Joaquin?
"Salamat at nagustuhan mo... akala ko, hindi mo maappreciate.."
![](https://img.wattpad.com/cover/144819041-288-k810357.jpg)