Kabanata 11
Sinunod ko ang bilin nyang maaga magpahinga pero hindi naman ako nakatulog kakaiisip. Walang patid ang pagkukumpara ko sa nararamdaman ko noon kay Angelo tsaka Joaquin.
It's really obvious that Joaquin is much better than him. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ko na halos matandaan yung naramdaman ko para kay Angelo. Napapaisip pa ko na baka talagang crush ko lang sya. Hindi nya napabilis ng ganon ang dibdib ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Mama habang nasa hapag kinaumagahan.
It's my first time wearing our school P.E uniform. Pinarepair ko pa 'yun kay Lola last week dahil masyadong malaki sa'kin. Now, I'm comfortable wearing it.. hindi maluwag at hindi din masikip. Sakto lang.
"Hi." Pambungad na bati ni Joaquin papasok sa school.
Hindi agad ako nakasagot dahil natulala ako sa kanya. It's my first time seeing him wearing our P.E uniform. Humakab ang katawan nya dahil medyo sa kanya damit. Napatingin ako sa ibaba at agad akong pinamulahan ng pisngi ng mapansin na may nakaumbok doon.
Mabilis akong tumalikod sa kanya. Lakad takbo ang ginawa ko lalo ng maramdaman ko na naman ang mabilis na pintig ng puso ko.
"Hey! Okay ka lang?"
Shit! Gusto kong tumakbo pero nasa tabi ko na sya. Bago nya pa ko hawakan ay hinarap ko sya. Inawat sa sunod na sasabihin nya.
"I'm fine, Jac.. I m-mean, Joaquin.. thank you kahapon. I really appreciate it!" Pinilit kong ipako ang tingin sa mukha nya.
I was waiting for his response pero wala. Unti-unti syang ngumiti dahilan ng lalong paglakas ng tibok ng puso ko. I can really hear it.
Bigla ay naging seryoso ang kanyang mukha kaya nag-iwas na ko ng tingin. Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga na kanina ko pa pinipigilan dahil sa kaba.
W-what's this? Kagagaling ko lang sa break-up pero ano 'tong nararamdaman ko para kay Joaquin? Am I really falling for him? That fast? Ano na lang ang sasabihin ni Lola? Kay Mama ay walang problema basta ang hiling lang nya ay maging open ako sa kanya at wag pababayaan ang pag-aaral.
Sa tingin ko naman ay hindi ko mapapabayaan 'yun.. pero pano na lang ang sasabihin ni Lola? Kabilin bilinan pa naman nya na wag akong magboboyfriend ng taga-bundok.
"Mauna na ko," nagmamadali akong naglakad palayo.
"Teka lang!" Hinabol nya ako hanggang sa nasa gilid ko na sya sabay kaming naglalakad papuntang classroom. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" concerned na ang tono nya.
"Oo nga.." hindi naman ako galit pero pasigaw ang naging sagot ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko.
Pagpasok namin ay kasunod lang namin ang teacher namin sa Chemistry. Inanusyo ang nakakuha ng perfect score.. at ako 'yun.
"Congrats, Miss Esguerra.." nakarinig pa ko ng ilang papuri mula sa'ming guro tsaka kaklase.
Sunod na tinawag ay si Joaquin. Parehas nakakuha ng 47 si Thomas at Regina. Ang pinaka nakakuha ng lowest score ay si Chelsea na puro kantiyaw ang inabot.
Nagsimula ng magdiscuss ng bagong lesson. Hindi ako nakikinig dahil nagmumuni muni ako tungkol kay Joaquin na panay ang kalabit sa'kin para batiin..
"Congrats.. ikaw na si Miss Perfect.."
Di ko sya pinansin. Nagkunwari akong nakikinig kahit hindi naman pumapasok sa utak ang sinasabi.
"Tahimik mo ah?.. masakit pa din siguro ang ulo mo," aniya pagkalipas ng ilang minuto.. "Gusto mo ipagpaalam kita para dun ka na lang sa clinic?"