Kabanata 16
Tatlong linggo na lang ay malapit na ang intrams. Nagiging abala ang mga kalahok sa iba't ibang patimpalak. Ilang araw pagtapos ng insidente samin ni Joaquin ay hindi na kami ulit gaanong nagkikita dahil naging abala sya sa practice sa basketball at banda. Sabi ni Robin ay naanyayahan lang magperform ang banda nila.
Nung nag-Lunes ay umattend sa klase si Joaquin. Hindi kami nagpapansinan pero ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin dahil hindi ko siya tinitignan.
Late na ng twenty five minutes si Maam Aguilar. Nagsisimula ng mag-ingay ang iba kong kaklase. Nagulat ako ng sumilip si Robin na mukhang wala pa din ang teacher. Tumayo si Joaquin sa tabi ko. I tried my best not to look at him but out of curiosity why he suddelny stand out, nilingon ko sya. Bitbit niya ang gitara, ganon din si Robin na pumasok na sa classroom.
Tinignan ko kung saan sila pupunta. Pumwesto sila sa likod, malapit sa pintuan. Sumunod sa kanila si Sebastian at Jordan, mga kabanda nila.
Naupo si Joaquin sa armchair. Nakasabit sa balikat ang strap ng gitara. Seryoso ang mukha niya ng magtama ang mata naming dalawa. Walang bumitaw sa titigan namin hanggang sa magsimula siyang mag-strum.
"Joaquin, parequest naman," sigaw ni Donny, tumatawa.
Ngumiti si Joaquin pero sa'kin pa din nakatingin. Uminit ang pisngi ko dahilan para ibaling sa iba ang direksyon ng mata.
Umayos ako sa pagkakaupo. Nakita kong tumayo si Regina papunta sa likuran. Alam kong kila Joaquin siya pupunta.
"Malapit na ang intrams, Sam.." sabi ni Marri. Nakita kong may dino-drawing siya sa likod ng papel. I was about to peek what is it nang mabilis niyang sinara ang notebook.
"Oo nga.. halos three weeks na lang." I remember the sports dance contest. Kabisado ko naman na ang steps at nagdagdag kami ni Donny ng ilang stunts. Naalala ko pa ang tuwang-tuwang reaksyon ni Sir Andi nung minsan na nanood siya sa practice namin.
"Galingan niya ni Donny ah.. Promise, ichi-cheer kita.." Nakangiting sabi niya.
I realized, Marri's wants to be my friends seemed genuine. I find her more sincere than Regina. Lately, I notice Regina's cold treatment to me. Hindi ko na lang pinapansin. Minsan naman ay maayos ang pakitungo nya sa'kin kaya hindi ko na lang ginagawang big deal.
"Hindi masabi ang nararamdaman
Di makalapit sadyang nanginginig na lang
mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo
Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo"Natigilan ako ng marinig ang malamig na tinig ni Joaquin. Naalala ang pagkanta nya nun nung nandun kami sa labas ng stock room. Pagkauwi namin that day, I searched for the title of that song and downloaded it.
Tumingin sa likod si Marri. Nagulat ako ng bigla niyang paluin ang balikat ko.
"My god! Sam, ikaw ata yung kinakantahan ni Joaquin.. nakatingin sa'yo oh.." kinikilig na sabi niya.
Sinakyan ni Donny ang panunukso ni Marri kaya ginaya ng iba naming kaklase. Nahihiya kong niyuko ang ulo, hindi tumitingin kahit kanino. Sa tingi ko'y pulang-pula na ang pisngi ko dahil ramdam kong nag-iinit yun.
Buti na lang ay dumating na si Mrs. Aguilar. Mabilis na bumalik sa kani-kanilang pwesto ang mga kaklase ko. Hindi ko tinitignan si Joaquin nung naupo na sya sa tabi ko kahit panay ang siko ni Marri sa'kin.
"Good morning, Dahlia." Tatayo sana kami pero sinenyasan na 'wag na. "Pasensiya na kung late ako. Nagkaroon ng biglaang meeting para sa nalalapit na intrams.." huminto saglit si Maam. Inikot ng tingin ang buong klase na parang nanantiya.