Kabanata 34
"A-anong ipapakita mo?" Kinakabahan na tanong ko.
Ngumisi ng malaki si Joaquin. Hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Ano bang gusto mong makita?" Tinaas niya ang kilay. Binawi ko ang kamay ko dahilan para tumawa siya ng malakas.
"Joaquin, tigilan mo ko sa ganyan mo ah. Sasapakin kita!"
"Ito naman, hindi ka na mabiro.." tumatawa pa din siya.
Muli niyang hinanap ang kamay ko, hinawakan ng mahigpit. Binuksan niya ang malaking sliding door papunta sa veranda sa kwarto niya.
Tumambad sa'min ang maberdeng bulubundukin ng Sacobia. Dahil sa hanging Amihan, hindi na kailangan pang gumamit ng aircon sa lamig ng hangin dito.
Binalik ko ang tingin sa loob ng kwarto niya. Napansin ko ang nakasabit na gitara malapit sa kama niya. Kumpleto din ang gamit sa loob. Mayroong malaking flatscreen tv na nakadikit sa dingding. Nakadisplay ang mga trophies nya, siguro ay puro sa basketball galing.
Tumingin ulit ako sa labas. Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin. Hinayaan kong tangayin ang buhok ko.
Pumwesto si Joaquin sa likod ko. Napapitlag ako ng maramdamang pinulupot nya ang mga braso sa bewang ko.
"Ang ganda dito no!" Alam kong nakangiti sya kahit hindi ko nakikita.
Sumang-ayon ako. Nung una talaga ay hindi maappreciate ang buhay-probinsiya. Nasanay ako sa mga nagtataasang gusali, ingay ng mga busina, usok na galing sa sasakyan.. pero dito sa Sacobia, ang makikita mo araw-araw ay nagtataasang puno, ang ingay na pupuno sa tenga mo ay ang ingay na nililikha ng mga alagang hayop o kuliglig sa gabi. Ang usok na malalanghap mo ay sariwa, minsa'y nahahaluan ng amoy ng sigaw ng tuyong dahon mula sa kani-kanilang bakuran.
"Oo, ang ganda nga dito." Sa wakas ay nasabi ko sa kanya.
"Nandito ang lahat ng kailangan ng tao para mabuhay," sabi niya sabay turo sa malawak nilang lupain. "Hindi ko iiwan ang lugar na 'to kahit kailan."
Tumango ako, ramdam ang seryoso sa sinabi niya. It seems that he really love this place.
"Kung magkakaroon ba ng pagkakataon na bumalik ka sa Maynila, babalik ka?"
Kinalas nya ang braso sa bewang ko, pinaharap ako sa kaniya. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya ng maalala ang plano ni Mama.
Oo nga pala, wala pa kong balita kung anong nangyari sa nilakad nya. Kamusta kaya ang pagpunta nya sa dati nyang boss?
"Oo.. gusto ko talagang mag-aral sa Maynila, Joaquin. Mas maganda ang eskwelehan dun." Pagsasabi ko ng totoo.
"Ahh.." Tumango-tango siya, humarap sa magandang tanawin.
Kay bilis ng oras, hindi namin namamalayan malapit ng magkulay kahel ang langit.
"Ayaw mo ba dun mag-aral?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya, hindi pa din tumitingin sa'kin.
Huminga siya ng malalim, naglakad pabalik sa kwarto.
"Robin, oo.. ihahatid ko din mamaya," aniya sa kausap sa cellphone. "Hinahanap ka na ni Tita Rosie," sabi niya nung nakita akong nakatayo sa gilid niya.
"Uh... i-ihahatid mo na ba ko?" tanong ko.
Tinimbang ko ang reaksyon ng mukha niya. Nagalit ba sya dahil gusto ko pa din mag-aral sa Maynila?
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya, naupo sa gilid ng kama.
"A-ayaw mo na ba kong makasama?" Hindi ko alam kung bakit 'yun ang tinanong ko sa kanya.
Halatang nagulat siya.
"G-galit ka ba?" tanong ko.
"Huh? Hindi, bakit naman?"
"Para kasing masama ang loob mo sa sagot ko sa tanong mo kanina.. sinabi ko lang sa'yo ang totoo," sabi ko.
"Naiintindihan kita, Hailey.." Hinila nya ang kamay ko, bumagsak ako sa kandungan nya.
Pinulupot nya ulit ang braso sa bewang ko.
Nanatili kami sa ganoong ayos. Ipinatong nya ang baba sa balikat ko. Nung nilingon ko sya ay nakapikit na ang mata nya.
"B-baka anong isipin ng Papa mo, tayong dalawa lang ang nandito," sabi ko.
Tinapik ko siya sa braso, mas lalo lang humigpit ang yakap nya. Parang ayaw pa kong pakawalan.
"Ano naman ang iisipin nya?" tanong niya, nakapikit pa din ang mata.
Pinagsalikop nya ang kamay naming dalawa. Nilingon ko sya pero nakapikit pa din siya. Tinanggal ko ang kamay nya, pero mahigpit ang hawak nya. Sa'ming dalawa parang madaling bumitaw si Joaquin.
"W-wala.. baka lang mag-isip sila ng hindi maganda," sabi ko. Hinarap ko na siya.
"Ano ngang iisipin nila na gagawin natin dito?" Dumilat na siya, nagtama ang mata naming dalawa.
Kahit hindi sya nakangisi ay parang nanunukso ang titig niya.
"Ikaw ha.. ano ngang iniisip mo?"
Sinapak ko na ang braso niya. Humalakhak siya ng mapansin na nairita ako sa tanong nya. Pinilit kong umalis sa kandungan nya. Malakas si Joaquin kaya hindi ako makawala sa yakap nya.
"Ewan ko sa'yo! Wag mo kong kausapin!"
"Anong ewan mo sa'kin? Tinatanong nga kita kung anong iisipin nila eh, wala naman tayong ginagawa," sabi niya. "Unless, gusto mong may gawin tayo."
"Tseh! T-tigilan mo ko, Joaquin ha. A-anong may gustong g-gawin?" Di ako makatingin, bigla akong pinagpawisan.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagngisi niya.
"Ano bang gusto mong gawin natin ha? Willing naman ako sumunod sa gusto mo." Marahan nyang hinaplos ang pisngi ko habang kagat ang labi nya.
Mabilis ko syang tinulak sa dibdib. Sinubukan kong kumawala sa yakap nya pero hindi talaga ko makaalis.
"Joaquin, ikaw ha! Habang tumatagal parang nagiging manyak ka.." tinampal ko ang braso nya. Tatawa-tawa sya habang sinusubukang hulihin ang kamay ko.
"A-anong manyak? Wala kong iniisio na ganon ah, baka ikaw Hailey, meron."
Napailing na lang ako. Nung naramdaman kong lumuwag ang yakap nya ay tumayo ako. Hinarap ko sya saka kinurot ang magkabilang pisngi nya. Bakit ba ganito ang tinatakbo ng isip ko kapag kasama ko ang lalaking ito?
Hinawakan nya ang kamay ko, inaalis sa pisngi nya.
"Ikaw yata ang manyak satin, Hailey eh.. pinagnanasaan mo ako ah. Sabagay, hindi kita masisisi.. makita mo ba naman 'to eh." Natatawang sabi nya habang unti-unting tinataas ang damit nya.
Nakita ko na ang tiyan nya. Napalunok ako ng ngumisi si Joaquin. Tinignan kong mabuti ang mukha nya, ganon na lang ang gulat ko ng mabilis nyang nahuli ang kamay ko. Pinatong yun sa dibdib niya.
"Ano ba, Joaquin?"
Tumawa siya nang malakas, pulang-pula ang mukha ko sa ginawa niya. Humupa ang tawa niya hanggang ngiti na lang ang naiwan sa labi niya. Wala akong nagawa kundi ang ngitian na din siya.
This is his power.. ito ang kaya niyang gawin sa puso ko, ngiti pa lang niya, bumibilis na ang tibok nito.
"Ang sarap mong asarin... at syempre mahalin." Ngumisi siya.
"Saya ka?" tanong ko, nangingiti pero inirapan siya.
"Oo. Sobrang saya."
Nanlaki ang mata ko, tinitigan ko siya ng masama. "Masaya ka na inaasar mo ko ha? Ganon ba yun, Joaquin?" tanong ko, naiinis na.
Sumeryoso ang mukha niya. Huminga ng malalim saka tumango. Sinapak ko na sa inis ko.
"Biro lang, ikaw talaga.. hindi ka na mabiro. Masaya ko.. masaya ko kapag naiinis ka, pero mas masaya ko kapag napapangiti kita."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Naupo ulit kami sa gilid ng kama. Napansin ko ang sketchpad sa table na nasa tabi namin.
Nacurious ako kaya kinuha ko 'yun. Ayaw pang ipahawak sa'kin ni Joaquin pero nagpumilit ako.
"Ano to?" Hindi ako makapaniwala habang tinitignan ang bawat pahina.
"A-ano.." namula ang buong mukha niya, hindi magawang salubungin ang mata ko.
"Bakit may 12 dito?" Tinuro ko ang numero sa baba ng sketch ko.
"Yan 'yung araw na sinagot mo ako.." inagaw nya sakin ang sketchpad.
"H-ha?" Gusto kong tumawa ng malakas pero napailing na lang ako habang hindi makapaniwala.
"What?" Pumikit ako saka napailing. "Diba 'yun yung monthsary natin? Ganon ang gusto nyo hindi ba?"
Tumawa na ko. Lalo akong nahuhulog kay Joaquin. Pinakiramdaman ko ulit ang nagwawala kong puso ko.
Tinabi niya yung sketchpad. Hindi matanggal yung ngiti ko habang pinagmamasdan ko si Joaquin. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko yung sa'min ni Angelo, ni hindi nya nga natandaan kung kailan naging kami.. pero itong si Jaoquin, lahat ata ng detalye, alam na alam niya.
"May gusto ka bang gawin? Gusto mong manood ng movies?" Sabay turo nya sa laptop.
Umiling ako. Tumingin ako sa labas, malapit ng kainin ng dilim ang langit.
"Sa susunod na lang siguro," sabi ko.
"Sige.. christmas break na pala.."
Oo nga. Ang bilis lang ng panahon. Ngayon lang ako magpapasko at magbabagong taon sa probinsiya. Kasing saya kaya sa Maynila ang bagong dito?
"Dito lang ba kayo sa Pasko?" tanong niya.
Tumango ako. Wala naman kaming ibang pupuntahan bukod dito.
"Sana... sana magbago pa ang isip mo. 'Wag ka na lang umalis dito," sabi niya. "Madami namang magandang college school sa bayan."
"Tsaka na natin isipin 'yan. Matagal pa naman 'yun. May isang taon pa tayo sa high school," sabi ko.
"Sandali lang lumipas ang panahon, Hailey."
Hinawakan nya ang kamay ko. Nahiga siya sa kama saka pinikit ang mata. Pinaglaruan nya ang mga kamay ko, hinahawakan bawat daliri.
"Sana.. sa tamang panahon, tayo pa rin," aniya.
Hindi ako nakasagot. Pinagmasdan ko ang mukha niya, kung gaano siya kaamo kapag nakapikit ang mata niya. Natagpuan ko na lang ang sarili na hinahaplos ang malambot niyang buhok.
May ganito ba talaga? Yung katulad ni Joaquin? Para bang perpekto halos nasa kanya na ang lahat.
Siguro blessing in disguise na din ang pagtanggal ni Mama sa trabaho. Ang pagtira namin dito sa Sacobia. Dahil kundi kami bumalik dito, hindi ko makikilala si Joaquin. Hindi ko mararamdaman ito ngayon, kung paano nya ko mahalin.
Nagulat ako ng bigla nyang dinilat ang mata niya. Umawang ang labi niya habang halata ding nagulat dahil nakatitig ako sa kanya. Kinuha nya ang kamay kong humahaplos sa buhok nya. Tinapat nya yun sa bibig nya.
Walang nagbibitaw ng tingin saming dalawa. Parehas na punong-puno ng emosyon ang mga mata namin. Hindi sapat ang salita para pangalanan ang nararamdaman namin. Kahit kailan ay hindi ako nahirapan magpangalan sa nararamdaman ko, palagi akong sigurado.. pero ngayon? Hindi ko alam kung ano ito.
Kumabog ng mabilis ang puso ko. Halu-halo ang nararamdaman ko. Kaba, excitement, lito, takot at... paghihirap. Nahirapan akong bumitaw sa titig niya. Nahihirapan akong hilahin ang dalawang kamay kong hawak nya para hindi maputol ang titigan naming dalawa.
Huminga ako ng malalim. Nagulat ako ng tumayo si Joaquin. Malalim ang hininga bago ako nginitian.
"Tara na.. lagpas alas sais na." Tumingin sya sa wrist watch na suot. Tinulungan nya akong makatayo.
"Happy birthday, baby.."
Huminto kami sa tapat ng pinto. Nagtitigan, hindi na ko nagulat ng maramdaman ko ang labi nya sa noo ko. Pumikit ako, ninamnam ang suyo ng halik niya.
Pagtapos ng halik ay nilahad nya ang kamay sa'kin. Nginitian nya ako nung kinuha ko 'yun. Hindi nawala ang ngiti nya hanggang makalabas kami sa kwarto niya.
Dati ay parang ordinaryong araw lang ang kaarawan ko. Palagi akong may lihim na dasal sa sarili ko.. Kahit hindi na sa mismong birthday ko sana makilala ko ang papa ko.. Lumipas ang mga taon pero hindi ko siya nakilala hanggang sa nagsawa na lang akong humiling. Hanggang sa hindi na ko nasasabik kapag dadating ang birthday ko.
Hindi ko akalain na bibigyan ako ng magandang alaala ni Joaquin.