Kabanata 26

50 5 3
                                    

Kabanata 26

Panay ang tingin ko sa kusina. Bakit ang tagal bumalik ni Robin? Humiga ako sa sofa, pinalipat ko si Joaquin sa pang-isahang upuan.

"M-masama pa din ba pakiramdam mo?" tanong niya nung nahiga ako. Tinalukbong ko ang kumot sa katawan ko.

Inirapan ko siya, hindi sumagot.

"Ang sungit mo!" sabi niya habang naiiling.

Pumikit ako, pilit na iniignora ang presensiya niya ng maramdaman na kinakalabit niya ang braso ko.

"Hailey.." mahinang tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit ba?" inis na sabi ko. Tinignan ko siya ng masama pero sinalubong ako ng nag-aalalang mga mata niya.

Inirapan ko siya para itago ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit ba lalong gumagwapo sa paningin ko si Joaquin? Hanggang ngayon ay hinahanap ko ang resemblance niya sa mukha ng magulang niya. Habang tumatagal mas nagiging mariin ang titig niya. Parang kong maiihi sa kilig sa tingin nya sakin ngayon.

Hindi na ko nagtataka ngayon kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya. Perpekto ang mukha, ganon din ang hubog ng katawan. Ilang beses ko na siyang nakitang walang pang-itaas at palagi pa din akong natutulala kapag nakikita ko ang dibdib niya. Ramdam ko ang tigas nun nung niyakap nya ako.

Tumikhim ako ng mapagtanto ang mga naiisip ko kay Joaquin.

"Ang sarap mo palang titigan kapag nakapikit ka.. para kang anghel. Sana kung gaano ka kaamo kapag tulog ka, ganon din kapag gising ka,"nakangisi niyang sabi sakin.

"Ano?" Napabangon ako sa sinabi niya.

"Ito naman, hindi na mabiro."

Hinarang nya ang kamay sa mukha ng tinaas ko yung kamay ko. Hahampasin ko sana siya pero hindi ko matuloy.

"Pero totoo naman kasi.. mas maamo ka kapag tulog ka," ngumisi siya ulit.

"Umuwi ka na nga!" inis na sabi ko.

Umayos ako ng upo. Nahulog na ang kumot sa sahig. Maya-maya narinig kong tumatawa si Joaquin, nakapangalumbaba habang nakatitig sakin.

"Ang ganda mo talaga," sabi nya na parang namamangha.

Umirap ako pero hindi mapigil ang isang ngiti. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito ni Joaquin.

Sino bang mag-aakala na magkakagusto siya sa'kin?

"Joaquin.." tawag ko sa kanya, pinalambing ang boses ko. Gusto kong matawa ng parang natigilan sya sa pagtawag ko sa kanya.

Pinanatili ko ang nagpapaawang mukha.

"P-parang biglang sumakit ang ulo ko." Hinilot ko ang sintido ko. Pumikit pa para kunwari totoo tapos ay bigla akong suminghot.

"H-huh?" Inabot nya sakin ang box ng tissue. "T-teka... a-anong gagawin ko?" Natatarantang tanong niya.

Sinubukan nyang hilutin ang ulo ko. Pinipigilan kong tumawa ng makita na sobrang nag-aalala na siya.

"Joaquin, masakit..."

"Ha? S-saan ko ba dapat hilutin?"

"Sige dun ka na lang. Mamaya mawawala din to. Sabihin mo pa, nag-iinarte lang ako. Alam ko naman na maarte ang tingin mo sa'kin."

"Huy! Hindi ah..." aniya.

Tinulak ko sya para bumalik sya sa upuan niya.

Nagulat ako ng nilabas niya ang cellphone niya.

The One That Got Away (Book 1 of The One Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon