Kabanata 28
Natapos ang buong klase. Abala ang buong section namin dahil next week na ang play namin sa Noli Me Tangere.
"Sigurado ka bang kaya mo ng magpraktis ngayon?" di ko na mabilang kung pang-ilang beses na yun tinanong ni Joaquin.
"Oo naman.." sabi ko. Sumimangot sya kaya natawa ako.
Kanina niya pa ko pinipilit na umuwi na lang tutal ay kabisado naman na namin ang mga lines namin. Aniya'y ayos lang naman kila Regina na umuwi ako.
Gusto kong hampasin si Joaquin. Natural na ayos lang kay Regina na wala ako para masolo ka niya, gusto kong sabihin sa kanya yun.
"Bukas wag ka ng magpraktis ah. Baka mamaya mabinat ka pa," sabi niya habang pababa kami. Nasa field na ang iba naming kaklase. Naiwan kami ni Joaquin dahil ayaw nya talagang magpatalo.
"Kaya ko naman na, Joaquin.. Sinabi ko na ngang okay-" Di ko na natapos ang sunod na sasabihin ng halikan nya ako sa pisngi.
Wala namang tao dahil bakante ang classroom na malapit sa field. Pero tumingin pa din ako sa paligid dahil nagkalat sa tabi ang iba pa naming mga kaklase.
"Joaquin Antonio!" sigaw ko.
Tumakbo sya palayo ng umamba akong hahampasin ko sya.
"Ito naman.. ikaw nga hinalikan mo din ako, hindi naman ako nagalit." Sabi niya tapos ngumisi. "Quits na tayo."
Pinaalala na naman nya yung ginawa ko nung birthday niya. Uminit ang pisngi ko sa pinaghalong hiya at inis.
"Ah ganon ah.. tigilan mo na ko. Ayoko ng magpaligaw sa'yo!"
Natigilan sya sa pagtakbo. Gusto kong matawa sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya. Bigla syang nagpanic tapos ay lumapit sakin.
"Bakit ba ang pikon mo?" tanong niya.
Hindi ko sya pinansin. Diretso lang akong naglakad papunta sa field.
"Inaasar lang naman kita para mapikon ka.. para patulan mo ko tapos maging tayo.." ang laki ng ngisi nya pagkasabi niya nun..
Hahampasin ko sana siya pero nagtatakbo na sya papunta sa field. Natatanaw ko na ang mga classmates ko.
Napapailing na lang ako pero hindi ko magawang pigilan ang pagngiti. Hay nako, Joaquin.. Mahal kita, hindi ko yun itatanggi sa sarili ko. Pero bakit kung kailan malinaw na ang nararamdaman natin para sa isa't isa ay parang nahihirapan akong magdesisyon.
Gusto kong paburan sya ni Lola, pero ayokong isipin ni Lola na nagustuhan ko si Joaquin dahil sinunod ko ang gusto nyang magboyfriend ako ng mayaman. Si Mama naman, sabi niya ayos lang sakin ang magkaroon ng boyfriend pero parang hindi naman niya gusto si Joaquin.. hindi ko tuloy alam kung ipapaalam ko pa ba sa kanila o hindi.
Mag-isa akong pumasok kinabukasan. Hindi ako sinabay ni Robin dahil may dadaanan pa daw sya. Umihip ang hanging amihan. Inayos ko ang nagulong buhok.
Magulo sa covered court. Madami na namang nakatambay na estudyante dahil maaga pa. Nilalakihan ko ang hakbang ko para makapunta agad sa classroom. Malapit na ko sa hagdan ng matanaw ko si Regina.. nakayuko habang paakyat.
Binagalan ko ang lakad ko dahil hindi ko gustong makasabay sya. Isa pa, napansin ko din ang bulungan ng mga bawat babae na madadaanan niya.
Kahit anong bagal ang gawin ko ay nagpang-abot pa din kami ni Regina sa hagdan. Tinignan nya lang ako na parang hindi kami magkakilala tapos ay umakyat na.
Nauna akong pumasok sa classroom. Hinarap ko agad si Marri para magtanong. Gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko sa kabilang section.. may inamin daw si Joaquin. Ano yun?