Kabanata 29

60 3 3
                                    

Kabanata 29

Ilang araw na lang ay presentation na namin sa Filipino. Narinig kong mahinang nag-uusap sila Mama at Lola sa sala kaya sinilip ko sila mula sa kwarto ko.

"Pupuntahan mo ba yung sinasabi sa'yo ng boss mo?" tanong ni Lola.

"Oo, Ma.. titignan ko na din kung magandang kompanya ang nilipatan niya."

"Nasabi mo na ba sa apo ko ang tungkol dito?"

Umiling si Mama.

Doon na ko lumabas sa kwarto. Parehas pa silang nagulat nung nakita ako.

"B-bakit gising ka pa, anak?" tanong ni Mama ng makabawi sa gulat.

"Saan ka pupunta, Ma?"

"Sa Maynila, anak.. pinatawag ako ni Sir Chico. Lumipat na din pala sya sa ibang company kaya gusto niya sana kong kunin para maging secretary ulit niya." Nakangiting sabi niya.

I should be happy, right? Dapat akong magtatatalon sa tuwa ngayon dahil sa binalita ni Mama pero bakit hindi ko makapa ang excitement at saya?

"Hindi ka ba masaya, anak?" tanong niya pa.

"H-hindi.." umiling ako tapos ay sunod-sunod na tumango. "I mean.. opo naman, Mama. Masaya ko."

"Magkikita na ulit kayo ni Elaine," sabi niya.

Pinilit kong ngumiti.

"Pero titignan ko muna kung maganda ang nilipatan ni Sir Chico.. baka masayang lang ang pagbalik natin kung hindi.. pero hindi naman tatanggapin ni Sir ang posisyon dun kung hindi maganda."

"Apo.. sandali pa lang kitang nakakasama, babalik agad kayo sa Maynila," madramang sabi ni Lola.

"Ma!" saway ni Mama kay Lola. "Nag-usap na tayo.." seryosong tinitigan ni Mama si Lola. Parang may laman ang tinginan nilang dalawa.

"Sinasabi ko lang naman Rosie.. na mamimiss ko yung apo ko kung sakaling tatanggapin mo ang trabaho mo."

Lumabas din si Robin galing sa kwarto niya. Nakakunot ang noo, halatang nagtataka kung bakit kami nasa sala.

"Hindi pa naman ako sigurado, Ma.. pero susubukan ko pa din maghanap ng iba kapag hindi ko nagustuhan ang inaalok ng dati kong boss." Tumitig si Mama kay Lola. "Para makabalik na din kami ni Samantha sa Maynila.."

"Sinong babalik, Tita?" Naguguluhang tanong ni Robin.

Sumimangot ang mukha ko sa mga sinabi ni Mama.

"Kami ni Samantha.." sagot nya kay Robin.

Umiling sya tapos ay tumingin sakin.

"Bakit, Robin?" tanong ni Mama.

"Wala, Tita.. mabuti po kung ganon. Para hindi ko na marinig mga pag-iinarte niyan," nakangising sabi niya.

Sinamaan ko ng tingin si Robin. Gusto ko siyang sapakin dahil sa mga sinabi. Para bang okay lang sa kanya na bumalik na nga lang ako sa siyudad.

Hindi ba yun naman ang gusto ko? Bakit parang ayaw ko ng umalis dito.

Sumapit ang Linggo, maagang umalis si Mama paMaynila. Kaming dalawa lang ni Robin sa bahay dahil maaga din umalis si Lola.

Panay ang ngiti ni Robin sa katext niya. Nung tumayo sya ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nung malapit na sya sa kwarto niya.

"Sa Hadjuan. Sama ka?" Nakangisi na siya.

Dahil wala naman akong gagawin sa bahay ay tumango ako. Isa pa, baka nandun din si Joaquin. Ayoko mang aminin ay gusto ko din syang makita ngayon.

The One That Got Away (Book 1 of The One Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon