Kabanata 36

50 4 2
                                    

Kabanata 36


Nagsimula na ang preparation sa christmas party na sinasabi ni Joaquin. I thought it just a simple party. Hindi ko akalain na para sa lahat pala yun ng empleyado nila sa resort at farm. Ngayon ko napagtanto kung gaano sila kayaman. Lahat ng tao ay masayang nag-aayos sa resort. Pinasarado yun ng Papa niya para lang sa christmas party. Madaming handa sa mga lamesa, nakahilera din ang mga lechon.

"Halika na, Hailey.." aya ni Joaquin. Simpleng khaki short at white shirt lang ang suot niya.

Hinila nya ang kamay ko nung napansin nya ang reaksyon ko.

"Akala ko ba ay para sa inyo lang nila Jordan ang party?" inis na sabi ko.

"Kaya nga.. dun lang tayo sa falls. Hindi ko naman akalain na ngayon din ang gagawin ang party na sinasabi ni Papa eh."

Tumingin ulit ako sa mga taong abala na nag-aayos ng mga upuan at lamesa. Ang ilan ay napapalingon na sa gawi namin, diretso ang tingin sa magkahawak naming kamay.

Napalunok ako, nakaramdam ng hiya. Pilit kong binabawi ang kamay ko pero ayaw bitawan ni Joaquin.

"Tara na... mamaya madami ng tao dito." Napansin ko ngang sunod-sunod nagpapasukan ang mga tao.

Tahimik akong sumunod sa kanya. Hawak pa din nya ang kamay ko, humihigpit 'yun sa tuwing sinusubukan kong bawiin. Malakas ang hangin, naggalawan ang mga dahon sa puno. Naririnig ko na ang tunog ng agos ng tubig.

Bakit ba pumayag akong makisali sa party nila? Parang panglalaki lang ang party na ito eh.

"Ano, Hailey? Nahihiya ka ba?"

Hindi ko alam kung halata ba kaya naitanong nya 'yun. Aaminin kong nakakaramdam ako ng hiya. Baka isipin pa nila Jordan ay gusto kong palaging kasama si Joaquin.

"Medyo," pag-amin ko. Binawi na ang kamay ko.

Ngumiti siya, muling hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Inalalayan nya ko hanggang sa kubo.

"Bakit? Tayo tayo lang naman ang nandito."

Nilapag ko lang ang bag sa kubo. Luminga ako pero wala pa ang mga kaibigan niya, kaming dalawa pa lang ang nandito.

Bago ako makapagsalita ay hinila na niya ko sa falls.

"Joaquin, ano ba?"

Tumigil kami sa gitna, hanggang bewang namin ang tubig. Kinuha nya ang magkabilang kamay ko, nilagay sa batok niya.

"Kumapit ka lang sa'kin," aniya.

"Ha?"

"Kumapit ka lang sa'kin.. hindi naman kita bibitawan."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, parang may iba pang ibig sabihin ang salita niya.

"Ganyan nga, Hailey."

Ngumiti siya. Nagpatuloy sya sa paglangoy sa mas malalim na parte. Nung una ay kinakabahan ako, kalaunan ay nawala na din ang kaba sa dibdib ko. Napalitan na ng kakaibang kabog, yung mabilis at malakas na..

"Pinakagusto ko ang parte na 'to.." aniya.

Inalalayan nya kong maupo sa malalaking bato kung saan bumabagsak ang tubig sa talon. Nasa gilid lang kami kaya tumatama samin ang talsik ng malamig na tubig.

"Maganda nga dito," sabi ko. Hindi ko akalain na sakin nanggaling ang salitang 'yun. Ngayon lang ako namangha sa ganda ng Sacobia.. sa mga berdeng mga puno, sa bulubundukin na tanawin.. sa mga ilog at talon.

"Oo, maganda talaga dito.." nakangiting sabi niya habang nakatitig sa'kin.

Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa titig niya. Para bang ako ang tinutukoy nya ng sabihin nya ang maganda.

"Akala ko ba ay nandito din sila Jordan?" sabi ko.

Hinapit nya ang bewang ko palapit sa kanya, pinulupot ang braso nya tapos ay tinitigan ang mukha ko. Hanggang kailan kaya ako masasanay sa mga titig niya?

"Mamaya pa ang dating nila," sabi nya.

Nangunot ang noo ko ng mapansin ang kakaibang ngisi niya.

"Joaquin!"

"Ano?" mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"Sigurado ka bang dadating sila dito?"

Namula ang tenga nya. Kagat ang labi habang nagkakamot ng batok. Hindi ko magawang mainis ng tuluyan dahil sa nakikita kong tanawin. Bumakat ang katawan nya sa suot na t-shirt nung kumalat ang basa sa dibdib niya.

"Oo, dadating sila... pero mamaya pa.."

Bago ko pa sya mahampas ay mabilis siyang lumangoy palayo sa'kin. Gustong gusto ko siyang habulin pero natatakot ako, hindi ako marunong lumangoy.

Inis na tinapunan ko siya ng tingin. Nagpunta sya sa mismong ilalim kung saan bumabagsak ang tubig.

"Hindi ba masakit kapag tumatama sa ulo mo yung pagbagsak ng tubig?" Medyo nawala ng konti ang inis ko, tinignan ko kung gaano kataas falls.

"Hindi naman.. alam mo kung ano yung mas masakit? Yung bumagsak ako sa'yo pero hindi mo ko sinalo.."

Inirapan ko ang sinabi nya. Humalakhak siya, sumabay sa tunog ng tubig.

Naglahad siya ng kamay pagkatapos hilamusan ang mukha.

"Halika, dito ka.. masarap dito.."

Umiling ako. Mas okay na ko dito sa gilid ng batuhan.

"Bakit? Natatakot ka ba? Alam mo namang hindi kita pababayaan.."

Umiling pa din ako. Gusto kong idahilan ang malamig na panahon, malamig ang tubig.. baka sipunin pa ako..

"Ikaw na lang diyan.. okay na ko dito."

Isa pang dahilan ay bakat na bakat ang katawan niya.

"Minsan lang 'to.. tara na dito. Mamaya nandito na sila Robin.. bahala ka diyan.." aniya tapos ay lumangoy siya palapit sakin.

Pilit kong iniiwas ang kamay ko nung sinubukan nyang hawakan. Tinaas ko 'yun pero sa bewang nya ko hinawakan.

"Joaquin!"

Nagulat ako ng bigla nya kong buhatin. Kusa ko ng pinulupot ang braso sa batok nya sa takot na baka mahulog ako.

"Ano ba? Sinabi ko na ngang ayoko.. A-ang lamig ng tubig dito.." bahagyang nangatal ang mga labi ko.

Nakangiti lang siya sa'kin, para bang hindi big deal sa kanya ang lamig ng tubig.

"Ahhhh!! Joaquin!!!!" Napatili ako ng dinala nya ko sa tapat kung saan nahuhulog ang tubig. Siniksik ko ang mukha sa leeg niya pero nasasaktan pa din ako sa pagbagsak ng tubig.

Bwisit talaga ang lalaking ito, humanda ka sa'kin mamaya.

"Ano masakit ba?" sabi nya habang nakangisi, maya-maya ay bigla siyang natawa habang lumalayo kami doon.

Hanggang dibdib niya ang tubig. Hindi ko alam kung gaano ba talaga kalalim ang falls.. at wala na kong balak alamin pa 'yun.

"Bwiset ka talaga!" sa inis ko ay tinampal ko ang dibdib niya. Nagkunwari siyang bibitawan ang pagkakahawak sa bewang ko kaya naman tinigil ko ang pagtampal sa kanya.

"Tumigil ka na, baka mabitawan talaga kita. Malalim pa naman dito sa pwesto natin," ngumisi siya.

Umahon na naman ang inis ko para sa kanya pero wala akong magawa kundi ang titigan sya ng masama.

"Kung nakamamatay lang 'yang titig mo baka kanina pa ko namatay dito.."

Pumikit ako. Pagdilat ko ay seryoso na siyang nakatitig sa mukha ko. Inayos nya ang ilang mga takas na buhok na sumaboy sa pisngi ko.

"J-Joaquin.." nag-iwas ako ng tingin.

"Bakit hindi ka makatingin sa'kin?" Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko.

Napalunok ako. Hindi ko pa din magawang tignan siya ng diretso. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, feel ko ay naririnig nya ang tibok nun.

"I'm madly deeply in love with you, Hailey.." seryosong sabi niya.

Parang nahirapan akong huminga. Alam ko namang mahal ako ni Joaquin, pakiramdam ko ay mas may ilalalim pa ang pagmamahal niya.

"Hindi ako magsasawang sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal.. kung hindi mo pa ramdam, sabihin mo lang.. willing akong mag-effort para mas maramdaman mo ang pagmamahal ko."

Tanging lagaslas ng tubig, huni ng ibon, sayawan ng mga dahon ang bumalot sa pagitan namin.

"Handa akong gawin ang lahat para lang patunayan sa'yo na mahal kita.."

Punong puno ng pagmamahal ang mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Sana ay matapatan ko din ang pagmamahal niya. He deserve to be love too.

"Salamat, Joaquin."

Pasensiya ka na Regina.. mahal ko din si Joaquin. Pasensiya ka na kung hindi ko siya kayang ipaubaya sa'yo o kahit na sino.

Sabay kaming napalunok. Inayos nya uli ang buhok ko, hinaplos ang pisngi ko.

"'Wag mo kong pasalamatan, Hailey. Ako dapat ang magpasalamat dahil mahal mo din ako."

"Mahal na mahal kita, Joaquin." Dinikit ko ang noo ko sa kanya, napapikit ako.

Bago ako pumikit ay nakita ko ang malaking ngiti sa labi niya. Naramdaman ko ang masuyong paghalik nya sa noo ko.

Joaquin thought me how to love to the fullest and live without regret. Siguro nga ay hindi ko kailangang pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kagaya kung gaano kalaya ang tubig na umagos, ganoon din ako kay Joaquin. Malaya ko siyang mamahalin, hindi ko man alam ko saan kami nito dadalhin.

Nilayo nya ang mukha sa'kin. Matagal niya akong tinitigan bago unti-unting nilapit muli ang mukha. Pumikit ako, hinintay ang paglapat ng labi niya. Sobrang rahan ng mga halik niya, puno ng pagmamahal, puno ng pag-iingat.

Ang sarap magmahal ni Joaquin Antonio Claveria.. Gusto kong sa akin lang siya. Ako lang ang mahal at mamahalin niya. Gusto ko kami ng dalawa.. sana pagbigyan ako ni Bathala, kami na lang dalawa.. kami sana ang para sa isa't isa.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa batok nya, hanggang sa may marinig akong ingay.

"Joaquin, baka nandyan na sila Jordan.." tinulak ko siya. Pulang pula ang mukha niya.

Huminga siya ng malalim.. "H-hindi sila dadating dito.. sa resort sila pupunta."

Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko ng akmang hahampasin ko siya.

Hinigpitan ko na lang ang yakap sa leeg niya.

"A-aray!" aniya pero tawa naman nang tawa. Gigil na gigil ako sa kaniya. Pwede naman niyang sabihin kung gusto nya kong makasama, bakit nagsinungaling pa?

Inaya ko na siyang bumalik sa kubo. Sumunod naman agad siya. Ang akala ko ay ibababa na niya ako, pero buhat niya ako hanggang kubo.

Napatingin ako sa sarili namin. Parehas kaming basang basa. Nilabas ko agad ang baon kong tuwalya.

"Bakit?"

Napansin ko ang pamumula ng tenga niya nung pinupunasan ko ang mukha niya.

Ngumiti siya tapos ay umiling. Pilit niyang inaagaw sa'kin ang tuwalya pero hindi ko binigay sa kaniya. Nagpatuloy ako sa pagpunas sa kaniya.

"Huy, ayos ka lang ba?" Naging malikot ang mga mata niya, hindi makatingin ng diretso sa'kin.

"Mahal kita, Samantha Hailey.." aniya, hindi pa din ako tinitignan.

"Mahal din kita.." hinaplos ko ang pisngi niya. Pumikit siya tapos ay huminga ng malalim.

"Bakit ba, Joaquin?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para sa'kin lang siya tumingin.

"Hailey..." parang nahihirapan siyang banggitin ang pangalan ko.

"Ano bang problema mo! Bakit ayaw mo akong tignan?"

Nagsisimula na kong makaramdam ng inis. Ano bang problema niya? Kanina naman ay halos hindi niya lubayan ng titig..

"Y-yung damit.. Takpan mo nga yang dibdib mo!" Lumayo siya sakin. Hinubad ang basang t-shirt tapos ay tinakip sa dibdib ko.

"Ito ang problema ko.." sabi niya, hindi pa nakuntento. Binalot din ang tuwalya sa katawan ko.

Narealized ko na ngayon kung bakit hindi siya makatingin sa'kin. Bakat na bakat nga ang dibdib ko. Wala naman kasi akong balak maligo kanina kaya ganito na lang ang sinuot ko..

"Mahal na mahal kita," aniya sabay yakap ng mahigpit sa'kin. Naramdaman ko pang sininghot nya ang buhok saka kinintilan ng halik.

"Mahal din kita.." sabi ko, pinikit ko ang mga mata ko. Hinayaan kong maramdaman ang mainit na yakap niya, ang makulong sa mga bisig niya.

Patuloy ang paghalik nya sa buhok ko, noo, at ilong..

"I want you to be my forever.."

Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Once again, here is Joaquin, loving me to the fullest. As if he's really sure about our future.

I hope, if there is a forever.. I also want to be his forever.

"I love you, Samantha Hailey Claveria.." hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, nakangisi habang dinugtong ang apelyido nya sa pangalan ko. "Bagay naman pala."

Tumibok ng mabilis ang puso ko. We're just fifteen, and here we are, talking about forever.

Sa puntong ito, sa isang bagay lang ako sigurado. Mahal ko si Joaquin.. siya ang gusto kong makasama sa habang buhay, 'yun lang ang malinaw sa'kin sa ngayon.

Napailing na lang ako, ngumiti pabalik sa kaniya. Ako na mismo ang yumakap. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

He is my forever..

The One That Got Away (Book 1 of The One Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon