Kabanata 9
Agad natapos ang half day namin na klase. Nagmamadaling lumabas si Joaquin dahil may meeting sila sa basketball. May practice kami mamayang ala una y medya kaya may oras para ko para umuwi sa bahay at doon na mananghalian.
Habang pababa sa hagdan ay may malamig na kamay ang humila sa braso ko. Bago pa ko makapiglas ay lumitaw si Regina sa harap ko. Binitawan nya ko saka inayos ang mga bitbit na gamit.
"S-salamat nga pala sa ginawa mong pagtatanggol sa'kin kanina, Samantha.."
Hinila ko sya sa kabilang side ng hadgan para hindi kami mabangga ng mga walang pasintabing nagdadaan.
"Walang problema, Regina. Sana sa susunod 'wag mong hayaan na kayan-kayanin ka nila. Kaya hindi sila tumitigil kasi hinahayaan mo lang sila sa ginagawa nila.." Gusto kong matawa dahil talagang sa'kin pa nanggaling 'yun samantalang wala din naman akong ginagawa noon.
"Salamat ulit.. h-hindi ko kasi alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko.." sabi nya. "Hindi pala tayo pormal na nagkakilala.. pwede ba tayong maging magkaibigan, Samantha?"
Naglahad sya ng kamay.. matagal ko 'yun tinitigan. May maliit na ngiti sa maputla nyang labi habang naghihintay na tanggapin ko ang pakikipagkaibigan nya.
"O-oo naman.. walang problema."
"Friends?" tanong niya. Nakangiti.
Sa Maynila, si Elaine lang ang bukod tanging naging kaibigan ko na alam kong mabuti ang hangarin sa pakikipagkaibigan sa'kin.. kinalimutan ko na ang gustong magkaroon ng madaming kaibigan simula ng malaman ko na kaya lang mabait ang iba kong kaklase sa'kin ay para magpatulong. Ang iba naman na kasama ko sa top ten ay pinagtutulungan ako para maalis bilang too one..
Wala akong nakikitang masama sa pakikipagkaibigan ni Marri at ngayon ni Regina. Kaya lang ayoko pa din lubusang magtiwala.
Tumango ako at nauna ng nagpaalam sa kanya. Pagkabalik ko sa hapon ay nasa field na sila Regina.. katabi si Joaquin. Naghanap ako ng bakanteng mauupuan pero lahat ay okupado na kaya nanatili akong nakatayo ng kumaway sa'kin si Regina.
"Close kayo?" narinig kong tanong ni Joaquin ng makalapit ako.
Nagkibit balikat na lang ako. Hindi pinansin ang tingin na ginawad sa'kin.
"Naku, 'wag mong hahawaan ng kaartehan si Regina ah.." aniya.
Sinabi ko ng hindi ko sya papansinin kahit anong mangyari pero hindi ko pala kaya.
"Ano bang problema mo sa'kin?" inis na tanong ko. Paano tuwing practice namin ay panay ang pang aasar nya kaya kapag nasa classroom ay binabawian ko sya.
I'm not really maarte.. siguro totoo nga ang kasabihan na first impression lasts.. kaya kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na depende sa sitwasyon ang pagiging maarte ko ay hindi sya maniniwala.
"Ikaw anong problema mo dito sa bundok?" seryoso nyang tanong sa'kin. Palipat-lipat ang tingin ni Regina na panay ang iling bago lumapit kay Thomas.
Napatunganga ako sa tanong nya. Seryoso ba talaga sya sa tanong nya?
"Sabi ka nang sabi na hindi ka maarte pero hindi mo kayang mamuhay dito? Bakit ganoon ba kaganda sa Maynila para palagi mong ikumpara ang masayang buhay doon kaysa dito? Kung hindi ka talaga maarte-" Pinutol ko ang ibang sasabihin nya.
"Sa pagkakatanda ko, ikaw lang ang nagsabi na maarte ako nung unang beses na nagkita tayo. Nang dahil sa nahulog na caimito mula sa puno tinawag mo kong maarte? Ikaw ba kakainin mo pa 'yun ha?"
Natahimik sya at inirapan ako.
"Kung maarte ako sa paningin mo dahil hindi ko kaya ang buhay dito sa bundok wala akong pakialam. It's your opinion.."