Kabanata 30
Malakas ang bagsak ng tubig galing sa talon. Tumingin ako sa langit.. walang mga ulap pero maaraw. Nilingon ko sila Robin at Carmela, nasa kabilang side sila mukhang may seryosong pinag-uusapan.
Panay ang buntong hininga ni Joaquin habang nakatitig sa'kin, hindi man lang kumukurap.
I wonder why he don't have a girlfriend. Kung ganoon nga ay malamang ako ang una niya. Kay sarap din pala sa pakiramdam kapag nalaman mong ikaw ang una sa lalaki. Pero siguro mas masarap kapag ikaw yung huli.
"Hailey..." binalik nya na ko sa mababang parte ng talon. Lumapit ako sa malaking bato at naupo doon. Tahimik syang tumabi sakin.
"Bakit?" Tanong ko, pinaglalaruan ang tubig.
"Totoo ba.. sinasagot mo na ko?" tanong niya.
"Oo." Diretso kong sagot.
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. Tinitigan akong mabuti, sinisiguro kung may halong biro ba ang sinabi ko..Sorry, pero hindi ako nagbibiro, Joaquin.
"P-pero.." Nakakatawang isipin na kanina ang tapang tapang ko. Sabi ko hindi ko muna iisipin ang mga taong masasaktan ko. Pero bakit biglang nagbago na naman?
"Pero Joaquin... pwede bang ilihim lang muna natin? Ang daming nagkakagusto sa'yo. Ayokong bigla nila kong pagkaguluhan kapag nalaman nilang tayo na."
Nagulat ako ng yakapin nya ako.. napakahigpit ng yakap niya. Nung nilayo niya ako ay bigla siyang sumigaw.
"Woooooh! Kami na ni Hailey" sigaw ni Joaquin, nakataas ang dalawang kamay. Nag-echo ang sigaw nya.
"Sinagot ka na ba?" tanong ni Robin.
Napailing na lang ako.. napatili ako ng umangat ako mula sa malaking bato. Binuhat ako ni Joaquin tapos ay muli akong niyakap ng mahigpit.
Tinapik ko si Joaquin..
"Sabi ko diba, sekreto.." sabi ko.
"Tayo lang naman ang nandito," katwiran niya. "Ayaw mo bang malaman nila na tayo na?" tanong niya.
"Hindi naman sa ayaw.." hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.
"Eh bakit nga ayaw mong ipaalam? Kinahihiya mo ba ko, Hailey?" sabi niya at binaba ako.
Umiling ako, sunod-sunod.
"H-hindi, Joaquin.. hindi kita kinakahiya."
"Kung hindi, anong dahilan kung bakit ayaw mong malaman ng iba?"
Tinalikuran nya ako. Nakasimangot ang mukha nya nung naupo sa batuhan.
Nilapitan ko siya, ilang dipa na lang ang layo ko nung tumayo siya.
"Joaquin!" Tawag ko sa kaniya. Hindi nya ako pinansin. Dire-diretso ang lakad nya papuntang kubo.
Nagdadalawang isip ako kung dapat ko ba siyang sundan. Maya-maya lang ay naramdaman ko sa gilid si Robin.
"First day, LQ agad?" Nakangising sabi niya.
Di ko sya pinansin. Tinawanan nya ako kaya inirapan ko sya.
"Sundan mo na.. unang araw, away agad? Hindi kayo magtatagal kapag ganyan ka," sabi pa niya.
Huminga ako ng malalim. Pinanood ang pag-alis ni Joaquin mula sa kubo.
"Samantha? Sundan mo na." Seryosong sabi niya.
Naiiling si Robin nung hindi ko sinunod ang payo niya. Kung susundan ko ba sya, ano naman ang sasabihin ko?