Kabanata 10
Sumapit ang breaktime. Nagpaiwan ako sa upuan ko ng ayain ako ni Marri bumaba sa canteen. Magpapasuyo na lang ako ng bottled water tsaka sky flakes pero nagulat ako ng may nilapag si Joaquin na plastic sa harap ko.
"A-ano 'to?" tanong ko.
"Pagkain mo.. kainin mo 'yan para mainom mo na 'yung gamot," sabi nya.
Matagal kong tinitigan ang plastic sa harap saka tinignan kung may nakakita ba nung iabot nya 'yun. Nakakunot ang noo ni Regina habang nakamasid sa'min pero agad nag iwas ng tingin.
"Salamat pero h-hindi na kailangan.." sabi ko naman.
Huminga ng malalim si Joaquin tsaka naiiritang tumingin sa'kin.
"'Wag kang mag-alala mineral 'yan tsaka hindi sa canteen galing ang sandwich... tsaka pwede ba Hailey, may sakit ka na't lahat ang arte mo pa din.."
"Tsss! Nag iinarte ba ko?" inirapan ko sya.
Sasagot sana sya pero dumating si Robin.
"Uy, penge naman ako.." sabay kuha sa plastic. Hindi pa nya nabubuksan ang laman nun ay mabilis yung inagawa ni Joaquin..
"Bakit, tol?" nagtatakang tanong ni Robin.
"W-wala.." nilagay nya sa kamay ko ang plastic saka tumayo. Tinulak nya si Robin saka sinenyasan na lumabas na lang sila. "Libre na lang kita sa canteen."
Bago sila umalis ay tumingin pa ulit si Joaquin saka sumenyas na kainin ko na 'yun.
I was about to open the plastic to see what's inside when Regina approach me.
"M-mukhang close na kayo ni Joaquin ah.." sabi nya pero nakatingin sa plastic na hawak.
I smiled then shook my head.
"Tsss.. never!"
"Ano 'yang binigay nya sa'yo?" Dinungaw nya pa yung plastic na ngayon ay nasa kandungan ko.
Maging ako ay curious na din dahil hindi naman transparent ang plastic. Sinilip ko ang laman nun. Mayroon ngang mineral water tsaka cheesy ensaymada na paborito ko at galing pa sa sikat na bakeshop.
How did he get it? Naputol lang ang pag iisip ko ng sagot ng tanungin ulit ako ni Regina. Akmang aagawin nya sa'kin ang plastic pero iniwas ko.
"S-sorry.." parang nahiya sya sa inasta. Tipid akong tumango saka ngumiti.
"It's okay.. but I think hindi mo na kailangan malaman kung anong binigay nya." I don't want to sound rude but I have the rights to tell it, right?
"Sorry, curious lang.. hindi naman kasi palabigay sa ibang tao si Joaquin.."
Tumango na lang ako. Nang hindi na ko nagsalita ay umalis na sya.
What's with her? What is she trying to say? Alam kong ibang tao ako.. pero..
Nakabalik na si Joaquin pero hindi ko pa din nagagalaw ang binigay nya kaya naman ng naupo sya sa tabi ko ay sermon ang inabot ko.
"Ano hinihintay mo pa bang isubo ko sa'yo yan?" aniya habang tinuturo ang laman ng plastic.
"S-saan mo kinuha 'to? For sure, walang tinda nito sa canteen dahil sabi mo nga di mo 'to dun binili.."
"Kita mo na?! Nag-iinarte ka pa din talaga. Why don't you say thank you... hindi na importante kung saan ko nakuha 'yan. Ang mahalaga makain mo 'yan para mainom mo na yung gamot."
Hesitant pa din akong tumingin sa plastic tapos sa mukha nya. Seryoso 'yun kaya hindi ko alam kung anong iisipin ko.
"Di ko din ninakaw 'yan.. lalo namang hindi ko napulot." Nasagot nya ang naglalaro sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/144819041-288-k810357.jpg)