Kabanata 15

58 5 0
                                    

Kabanata 15

Inaya ako ni Robin na magpunta sa Hadjuan Falls pero nawalan na ko ng gana. Hinatid lang nya ako sa bahay tapos ay umalis na siya. Sigurado akong makikipagkita na sya dun sa Carmela na katext nya. Naghanap ako ng pwedeng paglibangan sa bahay pero wala akong maisip na magandang gawin. Tumambay sa ilalim ng puno at sinubukan maglog-in sa social medi account, dahil pasulpot-sulpot lang ang signal ay nag-eerror ang pagla-log in ko. Sa inis ko ay bumalik na lang sa kwarto. Sinubukan kong magbasa ng libro perp bigla naman bumalik sa isip ko ang nasaksihan kanina kila Joaquin at Regina.

Kinaumagahan, habang inaayos ni Mama ang baon ko ay natutulala ako. Parang wala akong gana pumasok. Kung wala lang practice mamaya sa dancesports ay tiyak na liliban ako ngayon.

Wala akong naintindihan sa mga nagdaang period hanggang sa sumapit ang recess. Sa upuan ko mismo balak kumain ng lumapit si Regina, malaki ang ngiti hindi katulad nung mga nakaraan.

"Samantha, sabay tayo?" tanong nya. Pinakita ang dalang baunan.

"S-sige.." alinlangan kong sagot.

Naglalakad kami papunta sa canteen ay parang gusto ko na lang bumalik sa classroom. May kakaiba ngayon kay Regina na hindi ko matukoy kung ano. Maaliwalas ang mukha nya at palagi pang nakangiti. Siguro ay may nangyari sa kanila ni Joaquin kahapon pag-alis nila.

Kumalat ang pait sa sistema ko. Gusto kong malaman kung ano ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa kaya naman kahit may kakaiba akong nararamdaman ay hindi na ko bumalik.

"Mabuti at nagbaon ka ngayon," aniya ng nakangiti. Inaayos ang buhok.

"A-ah oo. Para tipid." sabi ko.

Pagdating namin sa canteen ay madami ng tao. Naghanap kami ng bakanteng lamesa na sa kasamaang palad ay ang tanging may space na lang ay yung malapit kila Chelsea at Theena.

Nakangisi silang dalawa habang naglalakad kami papunta doon. Kasama nila ang ibang kateam sa cheering na ngayon ay nakatingin na din sa'min.

"Kailan pa kayo naging close?" Nakataas ang kilay ni Theena, papalit-palit ang tingin samin ni Regina. "Sabagay, bagay kayong maging kaibigan. Parehas kayong mga papansin kay Joaquin."

Tumawa si Chelsea kaya sumunod ang iba nilang kasamahan sa pagtawa.

"Excuse me? Sarili mo ba ang tinutukoy mo? Kasi sa pagkakaalam ko ikaw ang-" Hindi na ko nakapagpigil sa inis ko pero pinigilan ako ni Regina. Hinihila nya ako palayo sa kanila.

"Humanap na lang tayo ng pwesto sa iba, Samantha.." bulong nya, hindi makatingin kila Theena.

Hindi ako madaling mainis sa ibang tao pero simula ng dumating ako dito sa Sacobia unti-unting nagbabago iyon. Nung una kay Joaquin lang ako madaling mainis.

Nagpahila ako kay Regina palabas ng canteen. Nakakunot ang noo ko habang tahimik lang sya sa gilid ko. Minsan, gusto ko na ding maniwala sa sinasabi nila Theena tungkol kay Regina. She was acting a damsel in distress.

"Okay na ba sayo dito?"

Dito kami napunta sa mga bench sa tapat ng faculty. Nilapag ko na ang baon ko saka naupo.

"Galit ka ba sa'kin?" Pagkuwa'y tanong nya ng mapansin ang pananahimik ko.

Tinignan ko si Regina. Kinapa ang sariling damdamin para hanapan ng sagot ang tanong nya.

Gusto kong sumagot ng oo pero mas pinili kong itikom ang bibig.

"Pagpasensyahan mo na lang sila Theena, ganon na talaga sila dahil gustong-gusto nya si Joaquin," bahagyan nagyuko ng ulo tapos kumain. "Kaya nagagalit sya sa'kin."

The One That Got Away (Book 1 of The One Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon