Kabanata 13

58 3 1
                                    

Kabanata 13

Lumipas ang Sabado at Linggo. Ginugol ko ang oras sa gawaing bahay at paggawa ng ibang projects kahit matagal pa ang pasahan nun.

Sabay kaming pumasok ni Robin. Tahimik siya sa gilid ko habang walang tigil sa pagtext sa di-keypad niyang cellphone. Ilang beses ko na syang inasar tungkol sa cellphone nya na 'yun pero ako lang ang napipikon.

"Maganda nga cellphone mo wala ka namang katext." Supalpal ako sa sinabi niya.

Sa covered court ay madamin ng nakatambay na estudyante na hindi pa pumapasok sa kani-kanilang classroom. Natanaw ko agad ang grupo nila Joaquin kasama ang ibang ka-team nila sa basketball. Nandoon din si Chelsea at Theena pero malayo sila kay Joaquin.

"Hi, Samantha!" bati ni Roel, kateam nila. May katangkaran ito at medyo maputi. May itsura pero mukhang barumbado.

Tinanguan ko lang siya. Iniwan ko si Robin dahil lumapit sya kay Joaquin. May pinag-uusapan sila na mukhang seryoso dahil lumayo pa silang sa mga kasama.

"Hailey, sandali!"

Tumatakbo si Joaquin para masabayan ako. Hindi ako lumingo pero nakasunod pa din sya sakin. Tinatawag nya ko sa pangalan ko pero hindi pa din ako lumilingon.

"Ano ba?" inis na sabi ko ng hawakan nya ang kamay ko. Sa dalawang araw na hindi kami nagkita sinabi ko sa sarili na iiwasan ko na ang madalas na interakasyon sa kanya.

Pero paano ko 'yun gagawin kung umpisa pa lang ng araw ay ganito na? Hawak pa lang nya ang braso ko pero bakit nanghihina agad ako?

"Aga aga ang sungit mo!" sabi niya.

Inirapan ko sya para itago ang totoong nararamdaman. Bagong gupit si Joaquin.. napansin kong nagbago din ang gamit nyang perfume. Mas bagay ang gamit nya ngayon dahil napakamanly ng amoy.

"Ano ba kasi 'yun? Bilisan mo baka dumating na si Maam Aguilar.." sabi ko.

Nakatitig lang sya sa'kin pagkuwa'y ngumiti. Nababaliw na ba si Joaquin? Ang alam ko ay ako ang nababaliw... sa kanya.

"Paano pala yung research natin sa Chemistry?" tanong niya, seryoso na.

"Matagal pa naman ang pasahan nun." Yun lang pala ang sasabihin nya kaya tumalikod na ako.

"Sabagay, sabi mo nga kaya mong gawin ng mag-isa 'yun... ako kasi hindi ko kaya ng mag-isa."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi ko alam ang isasagot kaya nagmamadali akong naglakad palayo. Hinayaan nyang makaalis ako. Gusto kong lumingon para alamin kung sumunod ba sya pero grabe ang pagpipigil na ginawa ko.

Natapos ang first period pero hindi pumasok si Joaquin. Wala din sila Chelsea at Theena. Ayokong bigyan ng pansin ang hindi nya pag-attend sa unang klase pero sa mga sumunod na subject ay hindi ko na kayang magawang magconcentrate sa pakikinig. Lutang ako hanggang break time.

Hinahanap ng mata ko si Joaquin sa mga naglalakad sa covered court. Bigo akong makita sya. Naisip ko ng magpunta sa gym dahil tiyak kong nandoon sila. Kaya lang anong idadahilan ko?

Kung ayain ko na syang magsimula sa research paper namin sa Chemistry, sa isip isip ko. Tama yun ang gagawin ko.

Hindi umattend ang dalawang teacher namin kaya bakante kami simula alas dos hanggang uwian. Desidido na kong puntahan si Joaquin sa gym.

Lakad takbo ang ginagawa ko sa hagdan habang pinapractice sa isip ang mga sasabihin ko sa kanya. Ayokong isipin nya na sinadya ko lang yun dahil gusto ko syang makasama kahit yun ang totoo.

"Saan ka pupunta?" muntik na kong mahulog sa huling baitang sa hagdan ng lumitaw ang lalaking kanina pa laman ng utak ko.

"Saan ka galing?" kahit ako ay nagulat sa tono ng pagtatanong ko.

The One That Got Away (Book 1 of The One Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon