Kabanata 24
Hinayaan ako ni Jaoquin na deadmahin sya kinabukasan. Sa totoo lang, hiyang hiya ako sa ginawa ko sa kanya. Napagtanto ko lang yun tuwing titingin sya sa'kin tapos ay biglang ngingisi.
Pakiramdam ko ay pinaaalala nya sa'kin ang paghalik sa pisngi nya. Hindi din naman nya ko kinukulit sa loob ng isang linggo pero paminsan minsan ay sinusubukan nyang makipag-usap sakin.
"Kailan daw pasahan nung project sa English?"
Kinunutan ko lang sya ng noo. Nakasulat naman sa black board ang deadline. Bakit pa sya nagtatanong?
"Hailey, malapit na yung play natin. May costume ka na ba?"
"Meron na."
"Talaga?"
Tumango lang ako.
"Bumili ka ba?"
Umiling ako.
"Saan ka nakakuha?".
"Kay Mama."
Masinop si Lola. Naitabi pa nya lahat ng gamit ni Mama noong dalaga pa ito. Medyo luma na ang ginamit na Mama na Filipiñana pero ilang araw binabad yun ni Lola.
Si Mama naman ay nakapasok ng trabaho sa Sitio Montreal. Aniya'y susubukan nya daw mag-ipon ng pang matrikula ko sa college. Sinabi ko ding gusto kong magtrabaho sa summer para makatulong. Gusto ko talagang sa Maynila mag-aral sa college.
Unti-unti, narealized kong hindi naman pala ganoon kapangit sa lugar na ito. Mahirap lang talaga kapag nasanay ka sa syudad, kapag hindi mo maappreciate ang nature. And I admit that I can't appreciate it. Hindi pa din mawala sa sistema ko ang pagnanais na bumalik sa Maynila. Kahit papano ay nakakapag-adjust na ko sa buhay dito.
"Hailey, i-accept mo nga yung friend request ko," sabi ni Marri.
Gulat akong napatingin sa kanya. I don't want to judge her.. but I didn't expect that they really have a facebook account. Nahihirapan nga akong maglog-in sa social media accounts ko dahil ang hirap ng signal dito.
"S-sige.." nasabi ko na lang.
Dumaan si Joaquin sa harap namin. Nagtinginan lang kami tapos bigla na naman syang ngumisi kaya inirapan ko.
"Magkagalit ba kayo?" tanong ni Marri. Nakasunod ang tingin kay Joaquin hanggang makalabas.
Umiling ako saka ngumiti.
"Samantha.."
Nagulat ako ng tawagin ako ni Regina. Hindi pa din talaga ko makapaniwala na nag-iba na sya ng style. Di na nya bitbit ang napakadaming libro. Lumiit na din ang bag nya. Palagi ng nakapusod ang mahabang buhok.. at higit sa lahat, hindi na suot ang salamin nya..
"Bakit?"
"Di kayo nagpapansinan ni Joaquin? Magkaaway kayo?"
Parehas sila ng tanong ni Marri. Lately, napapansin kong alam agad ng mga kaklase namin kapag hindi ko pinapansin si Joaquin. Feeling ko pinapanood nila kami kapag nagbabatuhan kami ng masasamang titig ni Joaquin o kaya kapag iniirapan ko sya.
Malaki ang naitulong ng pagiging close namin ni Marri. Kahit papano ay nababawasan ang pakikipag usap ko kay Regina. Hindi ko alam, pero habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng inis sa kanya.
Kinausap ko si Joaquin isang beses ng mag-usap kami sa cellphone na bawas-bawasan ang paglalapit kapag nasa classroom. Ayokong isipin nila na mayroong namamagitan sa'ming dalawa kahit na parang meron na nga. Ayoko lang mag-assume dahil hindi nya ko pormal o deretsahan tinanong kung pwede ba syang manligaw.