Ella's POV
I sat in the front seat with my mom, singing along with the choir, crying because of overwhelming emotions I have right now.
FF
"..Truth is not relative. Why am I saying this? Because we have to understand that not everything that feels right is good for us. Hindi yung it feels good kasi kaya akala ko tama yung ginawa ko, it feels right kasi kaya akala ko mabuti yun para sakin. Kapatid, stop. That's not how morality works. It's not subjective as how the rest of the world thought it is. It's objective. That's why to reach absolute truth, we have to practice objective morality. What does that supposed to mean?. In a world where people kept on telling you to follow your heart, don't. Kasi sabi nga, the heart is the most deceitful of all. The best advice for that is to follow the words of God, even if it's against your will." Sabi ni Daddy.
He's the new preacher in this town. After worship service, nasa labas kami for a small picnic with our fellow members and what caught my attention is this girl in a dress with a short hair and it looks like being here is against her will.
She's with her mom who's just talking to my mom while I'm serving the children lemonade.
"Ella anak. Come here saglit." Tawag sakin ni mommy. Tinuloy naman ni Ate Abby ang ginagawa ko. Nagthank you ako saka lumapit kina mommy.
"This is your Tita Gabriella. Classmates kami before nung highschool before they transferred here." Pakilala ni mommy.
"Hello po Tita." Mano ko kay Tita G.
"God bless you iha. Hay naku, kay ganda gandang bata. Ang bait bait. Di katulad nitong isang to, pasaway. Walang ibang binigay sakin kundi sakit sa ulo. By the way, this is my only daughter Gabb."
Nagwave lang si Gabb with a poker face at tumingin na sa malayo.
"Anak, habang busy kami ng Daddy mo, dun ka muna magsistay sa kanila ha?."
"Okay lang po ba yun Tita?."
"Oo naman. Naku, walang problema. Welcome na welcome ka samin. Para naman mahawaan mo tong si Gabb na gumawa ng mabuti.." paglingon namin wala na sya.
Andun na pala sa puno habang inaasar ang isang bata. Kinuha kasi nito ang headband ng bata. Umiiyak na nga yung bata ayaw nya paring ibigay.
"Ayan kita nyo naman. Sige mare ha. Ella iha, see you tomorrow. Gabb! Ibigay mo na yan, uuwi na tayo!." Hila ni Tita G kay Gabb papasok ng sasakyan.
Nagkatinginan lang kami ni mommy,
"Sure kang kaya mo yun?."
"O-oo naman po ma hehe. Tiwala lang." I said pointing to the sky. Patay tayo nito. Papa G, gabayan nyo nalang po ako.
KINABUKASAN
"Share muna kayo ng room ni Gabb iha. Pagpasensyahan mo na, medyo makalat talaga yun sa gamit. Andyan lang siya sa kwarto. Katukin mo nalang, baka malate pako sa flight ko. Sige ah." May dala pa siyang maraming maleta. Tita G is a doctor na naipapadala sa kung saan saan. May medical mission sila ngayon sa isang bulubunduking area sa visayas.
"Sige po Tita. Thank you po."
Pag-akyat ko sa taas. May pangalang Gabb kaya kumatok nako. Medyo maingay sa loob.
"Hellooo. Gabb, it's me. Ella. Please open the--" binuksan nya na agad ang pinto. Grabe, talagang makalat nga. Hindi ko alam kung kwarto ba to or dumpsite.
Bumalik lang siya sa ginagawa niya which is playing video games na parang wala man lang pakialam na andito ako. She's worse than I thought.
Dahil hindi ako mapalagay sa ganitong view lalo na't dito ako magsistay the whole summer, depende kung hanggang kailan ako makakatiis, nilinis ko ang buong kwarto niya while busy siya sa paglalaro.
Pati nga mga damit nya sa laundry basket nilabhan ko na lahat. And satisfied naman ako sa beautification na ginawa ko.
Natapos na syang maglaro bandang 1pm. At dun pa sya kumain. Ni hindi nga nya ako ininvite. Hindi ba naturuan ng manners ang babaeng to? Pati pinagkainan nya ako pa ang naghugas. Bumalik lang sya sa kwarto niya, saka narin ako kumain kasi kanina pa talaga akong gutom.
Marami naman palang pagkain sa ref na pwedeng lutuin. Bumalik nako sa room niya, now what? Naabutan ko siyang pinapatugtog ang guitara niya.
"Oh my, you play?." Sabi ko. Naaamaze kasi talaga ako sa mga marunong mag gitara. Okay, maybe para may mapag-usapan rin kami.
Naninibago kasi ako kasi for the first time in forever, may isang tao na hindi interesadong kausapin ako.
Tinabi nya lang ang gitara niya at humiga. Oo nga pala, we're sharing the same bed.
"Can't you talk?." Tanong ko sa kanya. Hindi ko pa kasi siya narinig na nagsalita.
"Ganyan ka ba talaga?." Tiningnan nya lang ako ng masama as she sat on the bed. Tumabi naman ako sa kanya.
"Bakit? Anong ganito talaga ako?."
"Annoying." Na hurt naman ako sa sinabi niya.
"Sorry. I'm just trying to be friends with you lang naman eh." Sabi ko nalang.
"I don't wanna be somebody's responsibility. And I don't want anybody minding my business. Those are my rules. Now, don't bother me again. You're only allowed in this room for sleeping. This is still my territory. Get it?." Tumahimik nalang ako, tumango at bumaba muna. Maybe kailangan niya lang ng space.
Inikot ikot ko nalang ang bahay. Tiningnan ko ang mga pictures sa walls. May older brother pala si Gabb. Mga bata pa sila, siguro elementary days pa. San na kaya siya?. At saka ang papa ni Gabb, wala siyang picture dito.
Napangiti nalang din ako nang makita ang picture ni Gabb na nakangiti nung bata pa siya. Siya lang mag-isa habang may dala siyang puting kuting. Nalulungkot ako na nawala na yung ganung ngiti sa kanya.
Ikot pa ako nang ikot hanggang sa nakapasok ako sa isang bodega. Masyadong maalikabok naman dito. Tapos may nakita akong maraming paintings na nakaimbak lang sa gilid. Sobrang ganda. Mukhang realistic. Pagtingin ko sa ilalim may signature. Kay Gabb pala to. Ang galing niya din palang magpaint.
Tumigil ba siya?. I wish I could just ask her about it.
3pm na. Cookie time. Ako nalang mag-isa kumain but I left some for Gabb. Baka gusto niya.
YOU ARE READING
THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)
FanfictionElla is a pastor's daughter. Their family just moved in a town with good and hospitable people around. She's known for her sweet and innocent character, until she met rebellious Gabb. The latter is notorious for her bad reputation in the neighborhoo...