Gabb's POV
Pinag jogging muna kami ni coach Javier ng ilang laps,
"Grabe mo naman tratuhin yung girl kanina. Kaano ano mo ba talaga yun?." Pangungulit parin ni Coleen sakin.
"Typical friends ang parents stuff. Anak siya ng church preacher namin."
"Ows, pumasok ka ng church? Haha buti di ka nasunog."
"Sira. I was born hot, not flammable."
"Ewan ko sayo. Bakit nga ulit kita kaibigan?."
"Dahil mahal ako ng Kuya mo. Asan na pala yun?."
"Uy namimiss. May iba na yun. Di naba nagpaparamdam?."
"Naku, subukan niya lang. Babalatan ko talaga siya ng buhay. Pero seryoso, san na nga siya?."
"Andun sa bahay tulog. Pinuyat mo na naman kasi kagabi. San ba talaga kayo pumunta?."
"Dun kina Rans. Birthday niya. Tapos tonight kay Sela naman. Punta ka."
"Ano ka ba? Tournament na natin bukas. Pano kung tanghaliin tayo ng gising?."
"Hindi yan. Promise, uuwi tayo ng maaga. Punta tayo dun ng 7, uwi tayo ng 9 or 10."
"S-sige."
"Yan gusto ko sayo sister-in-law eh, madali kang kausap."
"Girls, ano ba? Double time!." Sigaw ni Coach.
..Ella's
FF
6pm na ng makauwi si Gabb. Naghanda nako ng pang dinner.
"Kain ka na Gabb." Sabi ko sa kanya with a smile.
"No thanks. May lakad kami ngayon ng barkada."
"Na naman?. Gabb, napapadalas na ata yang paglabas labas mo ng ganitong oras. Masyadong delikado."
"Again, nanay ba kita?. At saka, buhay ko to. Wag kang makialam."
"Nag-aalala lang naman ako sayo eh. At isa pa, binilin ka sakin ng mommy kaya--"
"Sumama ka."
"Pardon?."
"Sumama ka sa party. You're worried right?. Pumunta ka, pero wag kang makialam samin."
"Panong hindi ako makikialam? Baka mapano ka dun. At saka, kabilinbilinan ng mommy mo na pigilan kitang magpakalasing."
"Okay okay. OA. You know what, dito ka nalang. I'm good. Kaya ko na sarili ko."
"Hindi. I'm coming with you." Lapit ko sa kanya.
"Hindi. Dito kalang."
"No, sasama ako."
"You're staying here."
"I'll call your mom."
"You're kidding."
"I'm not."
Napaisip siya.
At yun nga. Nakasama ako sa kanila sa party. Sobrang ingay, dilim at init. How do people enjoy this stuff?
YOU ARE READING
THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)
FanficElla is a pastor's daughter. Their family just moved in a town with good and hospitable people around. She's known for her sweet and innocent character, until she met rebellious Gabb. The latter is notorious for her bad reputation in the neighborhoo...