Ella's POV
Hay sa wakas, nakauwi narin kami sa bahay. I mean bahay nila ni Gabb. Ika ika akong naglakad dahil,
"Konting alalay naman po dyan." Pagpaparinig ko sa kanya.
"Bakit? Eh kasalanan mo naman yan. Wag mo nga akong idamay sa katangahan mo." Sabi niya at umakyat na sa kwarto niya. Nakakainis. Seryoso ba siya?.
So imbes na umakyat pa, sa couch nalang ako nagpahinga.
..
Coleen's POV
Pag-uwi ko sa bahay naabutan kong nag-iimpake na si Kuya Chester.
"Talaga bang wala nang makakapigil sayo?. P-pano si Gabb?." Tanong ko.
"Trust me, sa una lang yan masakit. Matatanggap niya rin balang araw."
"Mahal na mahal ka nun Kuya."
"Mahal ko naman siya eh. Pero mas mahal ko ang Panginoon Coleen. Siguro nga ito talaga ang calling ko. At hinding hindi ko yun ipagpapalit sa kahit kanino man, especially women."
"Pero di ka na magkakapamilya. Diba yun yung pangarap na binuo nyo dati ni Gabb? Pano na yung kagustuhan mong maging Piloto?."
"Coleen--"
"Fine. Sorry Kuya. Basta ingat ka lagi ah? Mamimiss kita." Yakap ko sa kanya.
"Kayo din. Ingatan mo sina Mama. Wag mo silang bibigyan ng sakit sa ulo. At saka, wag na munang magboyfriend.."
"Girlfriend po pwede?."
"Gusto mo bang mapunta sa impyerno?."
"J-joke lang po Kuya hehe to naman di mabiro. I'm so proud of you Kuya. Sana nga po maintindihan ni Gabb."
"Sana nga."
..
Gabb's POV
After kong magshower at magbihis uminom muna ako ng malamig na tubig. Paakyat na sana ako ng makita kong mahimbing na natutulog si Ella sa sala.
Nakabuka pa ang legs at bibig, may laway pa. Lumapit ako para ayusin position ng legs niya. Requirement ba talaga na lagi siyang nakapalda at dress?. Parang ito na ata lagi niyang suot eh. Maliban nalang pag natutulog ng gabi, nakapajama siya o di kaya night gown.
Inayos ko ang legs niya, yung mukha niya lang hindi syempre. Naisip kong picturan siya na ganun ang itsura niya. Tapos kumuha ako ng marker sa drawer para lalong gawing masterpiece ang pagmumukha niya hahaha. Tanga pala ako ha.
Then I printed the photos I took of her at dinikit sa mga poste ng subdivision. May nakalagay pang WANTED: MAGNANAKAW NG KANING BABOY.
Pinanood ko lang sa bintana sa kwarto ko ang mga taong tumitingin at tumatawa sa posters na nilagay ko.
5pm. Nasa backyard ako, sa ilalim ng punong mangga. My type of peace. Nagbabasa lang ako nang libro nang biglang sumigaw si Ella. Haha I know. Siguro natakot siya nang makita ang sarili sa salamin.
"Gaaaabb!. Asan ka?! Magpakita ka sakin! What did you do to my face?." At eto nga nakita nya ko.
"Ganda natin ah haha. San lakad?."
"If this is your idea of a joke, it's not funny. Sumosobra ka na."
"Sige, magalit ka lang. Mayamaya mapapatawad mo din naman ako."
YOU ARE READING
THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)
FanfictionElla is a pastor's daughter. Their family just moved in a town with good and hospitable people around. She's known for her sweet and innocent character, until she met rebellious Gabb. The latter is notorious for her bad reputation in the neighborhoo...