Chapter 10

640 32 5
                                    

Ella's POV

After dinner.

Ipinakita ko na sa kanya ang forbidden list.

"Number one in your list is premarital sex. Hmm. Why?." Sabi niya.

"Anong why? Malaking kasalanan kaya yun. Wait, don't tell me--"

"Nope. Not yet. Chester's too conservative to do anything like that with me."

"Mabuti nalang. So, never been touched?."

"Mukha ba kong ganun ha? I'm just seventeen."

"S-seventeen ka pa?."

"Oo. Ano bang sa tingin mo?."

"I thought magka age lang tayo. Dapat pala Ate ang tawag mo sakin eh."

"Ayoko nga."

"Bakit?."

"Ang weird kaya nun. At saka mabuti nato no. Hindi mo gagamitin yung pagiging mas nakakatanda mo para utos utosan ako."

"Ewan ko sayo."

"..Number 15 drugs, 16 alcoholic beverages, 17 tattoo. Seryoso? Pati ang magpatattoo?."

"Hindi dapat binababoy ang katawan dahil ito ay templo ng Espirito Santo."

"So sinasabi mong baboy ako?."

"Bakit? May tattoo ka ba? Eh parang wala naman."

"Meron. Ano? Gusto mong makita?."

"You're kidding right?."

"Totoo nga haha. Eto--" nagulat ako nang bigla niyang in unbutton ang damit niya. Tinakpan ko naman agad ang mata ko.

"W-what are you doing?."

"Tanggalin mo nga yan. Ang OA mo. Gusto mong makita diba?. Tingnan mo na, nahiya ka pa." Tanggal niya sa kamay ko. There's a dark spot above her breasts, under her collar bone.

"It's a permanent tattoo. Nakuha ko to when I was 5 or 6. Manghang mangha ako sa mga nagpafirepoi dancing dati na gusto ko talagang matutunan kung pano gawin. Syempre, di pumayag si mommy kasi delikado daw yun. Pero sa katigasan ng ulo ko, pinilit kong mag ensayo nun all by myself without her knowing. Kaya eto nangyari."

"Lesson learned?. Di mo na ulit gagawin?."

"Okay lang. Hindi ko naman pinagsisisihan yun."

"Pano kung namatay ka?."

"Pero hindi ako namatay."

"Pwede mong ikamatay yun."

"Edi mas mabuti."

"Gabb--"

"Why are you so scared of death? Mabuti kang tao. Diba dapat hindi ka nagwoworry because kung totoo mang may langit, malamang dun ka mapupunta?."

"I don't know. Ikaw? Bakit hindi ka takot?."

"Because I've been living in hell most of my life. Kung totoo mang may impyerno, what's the difference?."

"Hell is worst than your nightmares Gabb, you wouldn't want to be there."

"How did you know eh never ka pang nakapunta dun?."

"I have faith in God's words in the Bible."

"Faith faith. Ang sabihin mo, hindi mo alam ang sagot kaya ginagawa mong rason ang Diyos sa lahat ng mga bagay na hindi mo maipaliwanag."

"It's because I know that I don't know everything. And if there's someone out there who knows and superior of all, Siya yun. Alam Niya lahat dahil Siya ang lumikha sa lahat ng bagay. Pati sayo."

"There's no way you can prove his existence. Ni hindi mo nga siya nakikita eh. And don't you dare give me the excuse na nararamdaman mo siya kagaya ng hangin. Narinig ko na yan. Paulit ulit nalang eh."

"Sige. You don't want air as an example? Then I'll give you atoms, protons, neutrons, electrons and other particles and forces out there na maisip ng tao. All of it were proven to exist kahit na di nyo naman to nakikita. Gravity. We know that there's gravity not because we can see it but because of how it held and shaped the entire universe into place. It's a factor of why we're alive Gabb. We know it's there not because we can see it. Isn't that enough to glorify God?. Because if you were given sight but you still can't see Him in all the things that you see, then you're as oblivious as a new born baby."

..

Gabb's POV

And just like that, I'm speechless. Hindi ko naisip yun. Everything she said felt like the absolute truth where I couldn't find a valid reason to argue with her anymore. I know that I'm agreeing even if I don't want to.

I felt bad about everything I did. I felt bad for abandoning my faith just because of some stupid reasons. I don't really despise Him, medyo masama lang ang loob ko dahil naghihirap ako. Naisip ko na lahat pala ng tao ganun. Pero gaya nga ng sabi ni Ella, may rason ang lahat ng ito.

Ella's not as stupid as I thought she was. She's something else. May paninindigan siya. Just like Chester. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinailangan akong iwan ni Chester. And that's because nakita niya na ang purpose niya. Ang mission niya sa mundong ito, at hindi niya yun magagawa kung pipiliin niya ako. Masakit but it's worth it.

Wala akong karapatang magmarunong. Ang Ama lamang ang nakakaalam ng lahat. Hindi ko siya dapat kwestiyonin dahil alam niya kung anong nararapat sakin.

Pero may marami parin akong tanong.

Sunday.

Sabay kaming pumunta ng church ni Ella. Katabi ko siya sa front row, kasama ang mommy niya.

"..We should trust God's perfect timing. Di dapat tayo malungkot at mawalan ng tiwala sa kaniya dahil lang sa nabigo tayo at hindi natin natupad ang ating mga minimithi. Because sometimes, breaking our hearts is another way of protecting us from something that could kill us. And only He can love us that way."

Sobrang gaan sa pakiramdam na marinig lahat ng yun. I felt a hand holding mine. It's Ella. Nakangiti lang siya sakin and I smiled back with the most genuine smile I could flash on my face.

FF

May salo salo ulit sa church after worship service.

Kausap niya ang parents niya bago siya lumapit sakin sa ilalim ng puno. Tuloy lang kami sa pagkain.

"Alam mo, dapat angel ang pangalan mo." Sabi ko.

"Haha bakit?."

"Kasi, I feel like you were sent to save me. Pero di pa ko 100% sure na itutuloy ko to ah. Anytime, pwedeng magbago ang isip ko. Marami parin akong mga tanong. Siguro nabudol mo lang ako sa mga sinabi mo kaya--"

"I know na nasa indenial stage ka ngayon. Pero feel ko tuloy tuloy na to."

"Tingnan nalang natin."

"Then I'll wait hanggang sa maamin mo na mismo sa mukha ko na mali ka." Pero yan ang talagang mahihirapan akong ayusin sa sarili ko. Hindi ako basta bastang pumapayag na matalo.

THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)Where stories live. Discover now