Chapter 4

466 25 0
                                    

Ella's POV

She drove again to a neighborhood and stopped in front of a mansion.

"Kita mo yan? Andyan ang Papa ko.."

"Bakit--"

"..kasama ang pamilya niya. He was an OFW. I was 8 nang malaman kong may iba si Papa. Kasamahan niya nung nagtatrabaho pa siya dati sa Japan. Hindi na niya kami binalikan ni mama pagkatapos. Ni singko wala kaming natanggap mula sa kanya. 2 years ago nang malaman kong umuwi siya dito. Nakatayo na yang bahay na yan nun. I saw him with two little boys calling him Daddy. Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang saktan at sumbatan. Pero nakakapagod narin, mas pinili ko nalang isipin na hindi ko siya kilala everytime na nakikita ko siya kasama ang pamilya niya. Hindi naman masakit."

"Talaga?."

"Sobrang sakit lang. Na yung ipinangako niyang masayang pamilya sayo, tinutupad na niya sa iba."

I held her hand with both of my hands.

"Matutunan mo sana siyang patawarin."

"Wag na no. Tapos ano? Hahayaan ko na naman siyang paasahin ulit kami at saktan?."

"Forgiveness is not giving permission to the other person to hurt you again Gabb, it's a choice to set yourself free from being a slave of hatred and revenge."

"Alam mo, dami mong alam."

"Ganyan kasi laging sinasabi ni Daddy sakin. Na dapat matuto kang magpatawad."

"It's easier said than done."

"It's not the level of difficulty that makes the problem hard, it's your way of looking at it. My dad had a brother They're twins. Ibig sabihin, they're so close. My dad entered the seminary while Tito Adrian is a politician. A great one. He was the Mayor. Maraming inggit na inggit sa kanya at gusto siyang siraan. At umabot na nga ang panahon kinakatakutan ng lahat. He was assassinated."

"Are you sure you're just not making this up?."

"What? of course not."

"Proceed."

"He was shot in the head. So, he died. Sobrang sakit nun para samin. Lalo na kay Daddy. At nung panahong nahuli na yung may sala, sabi lang ni Daddy samin pagdating sa bahay.."

FLASHBACK

"Wala sanang mabuong poot sa inyong puso. Masakit man ang nangyari, pero dapat matutunan nating magpatawad. Ella, anak. Tandaan mo, wala tayong karapatang humatol. Tuloy parin ang buhay."

EOFB

"At araw araw, dinadalaw ni Daddy sa kulungan ang kriminal na pumatay kay Tito to tell him the good news. To tell him God's words. I was 9 back then. 10 years na siyang binabalik balikan ni Daddy dun. Hanggang ngayon. Sabi ni Mommy, talagang malaki na nga ang pagbabago sa taong yun. Marami na nga siyang kakosa na naakay na manampalataya."

"Great story. Maraming tao ang nababago ng faith. Pero totoo nga ba talaga na there's a God out there?." Paandar nya ulit sa kotse. Pabalik na sa party para isauli ang kotse.

"Oo naman."

"Pano ka naman nakakasiguro?."

"Because there's an infinite number of reasons to believe."

THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)Where stories live. Discover now