Ella's POV
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa couch. 7pm na. Magluluto pa pala ako. Pero nagulat ako nang may pagkain na sa mesa na nakahanda. Si Gabb ba nagluto nito? Impossible. Kumain narin siguro siya.
Kinain ko nalang. In fairness, masarap. Siguro nga hindi naman siya ganun kasama. Pagkatapos kong kumain pumunta nako sa kwarto, at nagulat ako nang makitang wala si Gabb dun. Wait, asan na yun?.
Tumakas ba siya or--hindi naman siguro. Sana naman hindi siya kinidnap. Tinawagan ko agad si Tita G pero out of coverage. Oo nga pala, walang signal sa bundok.
Pano na to? Sina mommy din out of town. Lagot ako nito, nawala si Gabb. Should I call the police?. Kalma lang Ella, baka naman may binili lang o pinuntahang kaibigan. So I waited, baka dumating na yun pero 11pm na wala parin. Natatakot nako kaya lumabas nako pero pagtapak ko palang sa labas saka naman dumating si Gabb. Hinatid siya ng so called friends niya. Girls and guys. Parang galing pa ata sila ng party.
"Bye! Bukas ulit!." Sigaw ni Gabb saka na sila umalis.
"San ka galing? Nag-alala ako, akala ko kung napano ka na--wait, are you drunk?."
"I'm not. At saka ano bang pakialam mo ha? Tsk. Natulog ka nalang sana dun sa taas." Sara nya ng pinto. Hindi naman siya ganun kalasing, parang uminom lang ng konti.
"Pano ako makakatulog ha aber? Malapit nakong tumawag ng police. Ito bang pinaggagawa mo habang wala si Tita--"
"Ano bang sinabi ko sayo about minding your own business ha? Nanay ba kita?." She said rolling her eyes sabay pasok sa kwarto. I locked the door naman.
"Hindi. Pero mas nakakatanda ako sayo kaya dapat kang makinig sakin. Alam mo bang masama yang mga ginagawa mo ha? You're going to hell--"
"As if naman totoong may hell. Bakit? Proven na ba yun?."
"Ano ba? Tsk. Di ka man lang ba magbibihis? At saka tong sapatos mo ang dumi dumi." Humiga lang siya at pumikit kaya ako nalang nagtanggal ng sapatos niya tapos yung belt ng pants nya.
"What do you think you're doing?." Bangon niya.
"Binibihisan ka. Ang laki laki mo na, napaka irresponsible mo parin. At saka amoy alak ka--" hila ko sa pants nya.
"Teka teka, kaya ko na okay? Ako na. Pambihirang buhay naman to oh tsk. Sige na. Ako na. Kaya ko na sarili ko." Pigil nya sakin. Kaya ayun, napilitan nga siyang magbihis. Hayst mabuti naman. Naghilamos narin siya at nagtoothbrush. Napangiti nalang ako at humiga, tapos tumabi na siya sakin.
"Ano? Happy?."
Tumango tango nako smiling saka nya pinatay ang ilaw.
KINABUKASAN
Tumawag si mommy,
Okay naman po kami dito ma. Medyo nag-aadjust parin po.
Si Gabb, kaya naman?
Kaya naman po. Ewan ko nalang sa mga susunod pang mga araw.
Basta, ingat kayo lagi dyan ah? Wag magpapalipas ng gutom. Si Tita G mo kailan daw uuwi? After two weeks pa daw po eh.
Ganun ba? Sige, basta pakabait parin kahit anong mangyari ah?
Oo naman po ma. Wala naman pong problema dun. Sige ma ha, kakain pa po kami ng breakfast eh.
Sige nak. Bye.
Eoc
Fresh na fresh siya ngayon kasi bagong ligo. Pinilit ko kasi siya kanina. Pansin ko kasing hindi siya kumakain sa tamang oras kaya nasa pilitan stage na kami. I'll annoy her kasi pag di siya sumunod. Para din naman sa kanya to.
"Halika na, kain na tayo."
Umupo na siya. Kailan ba siya ngingiti?
Naglead ako ng prayer. Amen.
Nakatingin lang siya sakin. Mukhang di man lang siya sumali saking magpray.
"Sige na. Kain na. Walang lason yan." Sabi ko. Parang sarap na sarap naman siya. Pero pagkain ko, naluwa ko nalang ang isang kutsarang kinain ko. Bakit sobrang alat? Sigurado ako kanina tama lang yung pagkakaluto ko eh.
Tiningnan ko siya ng masama. Siguro kanina habang nakatalikod ako at kausap si mommy nilagyan nya ng maraming asin ang soup bowl ko.
"Bakit?."
Pagmamaangmaangan niya.
"Wala. Ang ganda mo." I said sarcastically. Kung di lang masamang gumanti at sumigaw.
"Maliit na bagay. Matagal ko nang alam yan. Kain ka pa." Ayan, lumaki pa tuloy yung ulo niya.
Since sayang naman yung pagkain, tiniis ko nalang. Sumama tuloy pakiramdam ko.
Kanina pakong pabalik balik sa CR.
Tapos pagpunta ko sa kwarto bigla nalang nawala si Gabb. Tsk talagang sakit nga siya sa ulo. Lumabas ako para hanapin siya.
"Gabb! I know you're hiding somewhere! Lumabas ka na please. Wag mo nakong pahirapan. Gabb, isa, dalawa, wag mo kong susubukan Gabb, tat--" napasigaw nalang ako nang maramdaman kong may nagbuhos sakin ng malamig na tubig sa likod.
Lumingon ako, andun si Gabb. May dalang bucket na may naiwan pang laman na yelo. Lumapit ako sa kanya, nakatingin lang siya sakin na tawang tawa. Habang naglalakad ako palapit sa kanya, dahan dahan naman siyang humahakbang backwards. Medyo natatakot na sa galit kong expression,
"Alam mo, malapit nakong maubusan ng pasensya sayo. Sumosobra ka na tala--" nagulat kami nang madulas sya sa nahulog na yelo, nahila nya ako so when she accidentally fell on her back, I also fell on top of her with our faces and lips only centimeters apart and our eyes staring at each other.
Dugdugdugdug
I could feel her warm breath against my lips. Wait, why am I staring at her lips that way. They looked so soft. No no, Ella stop!. What are you thinking?!.
She slightly pushed me kaya tumayo nako at hinila ko siya patayo. Yes, holding her hand. Hindi parin napuputol ang tingin namin sa isa't isa. Why? Why can't I take my eyes off of her.
"Nakarma ata ako haha." She smiled. Hindi ko maintindihan, ano ba tong nararamdaman ko?. Inayos nya ang buhok niya and I feel like that exact moment happened in a slow motion.
"Gabb! Ano ba? Sasama ka pa ba?." Pasok ng isang girl sa gate.
"S-san kayo pupunta?." Seryoso kong tanong.
"Dun lang sa may bakanteng lote Miss. Final training namin ngayon for our tournament tomorrow. Gabb, Sino siya?." Tanong ng girl.
"Nobody. Wag mo nang pansinin tara na, bago pa uminit ulit ulo ni coach." Sagot ni Gabb sabay tulak sa kaibigan niya palabas. I'm nobody? Ganun lang ba talaga ako for Gabb?.
"O-okay. Coleen nga pala!." Her friend told me. Smiling.
"Hoy panget! Linisin mo yan ah!. At, wag na wag kang susunod, kundi makakatikim ka sakin." Utos pa ni Gabb sakin. Sama talaga ng ugali. Ginawa pa kong katulong.
Hay naku, kailan pa ba siya magbabago?
YOU ARE READING
THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)
FanfictionElla is a pastor's daughter. Their family just moved in a town with good and hospitable people around. She's known for her sweet and innocent character, until she met rebellious Gabb. The latter is notorious for her bad reputation in the neighborhoo...