Chapter 7

455 31 2
                                    

Ella's POV

Ang bait niya ngayon, she offered na maghugas tapos inalalayan niya pa ako paakyat sa kwarto. Naglalaro kami ng chess when her phone rang. Nag excuse siya saglit.

Napatingin nalang ako sa pictures niya sa mga dingding. Medyo mahaba pa ang buhok niya nun, parang bago lang to. Bakit kasama niya yung band nung sa party?. 

Bumalik na siya agad,

"Slicing Onions. Yan yung banda sa birthday ni Sela." Sabi niya.

"Fan ka siguro nila no?."

"Uhm--let's just say, I used to be part of them."

"Really? Anong nangyari?."

"Wala. I just decided to stop singing."

"Huh? Bakit naman?."

"Siguro nawala na yung passion ko dun. Ewan. Basta biglang isang araw, ayoko na."

"Sayang naman. Gusto ko pa sanang marinig kang kumanta."

"Panget ng boses ko haha. Anyway, si Mama yung tumawag. Kinakamusta tayo. Sabi ko, kumpleto pa naman katawan natin."

"Haha sira. Sige na, it's your move."

"Oo nga pala haha. Oh ayan. Checkmate."

"Galing mo ah." Sabi ko. Kunwari I'm surprised. Ang totoo kasi sinadya kong magpatalo sa kanya. Napaka competitive kasi nito ni Gabb, ayaw na ayaw niyang natatalo. Siguro naman this would make her feel better.

"Chamba lang yun." Sabi niya lang. I'm impressed kasi hindi siya nagyayabang kahit na nanalo siya.

"Tulog na tayo?." Tanong niya. Tumango nalang ako. Kaya humiga na kami. Tanging ang ilaw nalang ng lampshade ang nakaon. Humiga na kami.

Nakapikit na siya habang nakatingin lang ako sa ceiling niyang may may glow in the dark star stickers.

Silence.

"Gabb?."

"Hmm?."

"What's orange and sounds like a parrot?."

"Hmm ano?."

"Carrot hahaha."

"Last mo na yan." Harap niya sakin.

"Grabe, funny naman ah. Eto, may isa pa. What do you call it when Batman skips church?."

"That has to be good. What?."

"Cristian Bale hahaha."

"Alam mo, hindi ko alam kung kulang ka ba sa aruga or bakuna. Adik ka ba?."

"Haha bakit?."

"That's a rhetorical question tanga."

"O-okay. Uhm tulog na tayo?."

"Mabuti pa nga." Talikod nya na sakin.

KINABUKASAN

Pinasama niya ako with her friends na maligo daw sa ilog. Ang layo pala. At parang hindi ito madalas pinupuntahan ng mga tao. Napapalibutan kasi ng mga kahoy at halaman ang area. Hindi ko pa natry yun kaya sumama nako. Nakilala ko na sina Sela, Abby,Coleen, Rans at Belle.

Nagulat nalang ako nang sabay sabay silang naghubad patakbo sa ilog habang busy kami ni Gabb sa pag-iihaw ng isdang kakainin namin.

I looked away nalang.

THE FORBIDDEN LIST (UNIPHANT)Where stories live. Discover now