Prologue

42 5 21
                                    

" Hindi na ba talaga kita mapipigilan? " tanong ko habang dala dala ko ang maleta niya. Kakababa lamang naming dalawa sa inarkila niyang kotse papunta dito sa Airport at makauwi na sa Manila.

" Matt, kailangan kong bumalik sa Manila. Nandoon yung tirahan ko, Doon yung buhay ko" sagot niya habang may kung ano siyang kinukuha sa kaniyang bag.

Napasinghap ako at napahilot saaking sintido. Bakit ganon? Oo alam ko andon ang tahanan niya, pero inakala kong ako na yung buhay niya.

" Hindi mona ba ako mahal Sab? Wala nalang ba sayo yung mga nangyari saatin? Sorry ah pero inakala ko kasi ako nayung buhay mo, minsan lang ako magpaka-selfish pero bakit ganito Sab! "  pagmamakaawa ko sakanya at hinawakan ko ang isa niyang kamay.

" Hindi kita buhay Matt, Pag-ibig kita tandaan mo iyan! Mahal na mahal kita Matt. Pangako babalik ako babalikan kita " sagot niya saakin kaya't parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Binaba ko ang maletang hawak ng isa kong kamay at hinawakan ko ang kaniyang mukha.

" Panghahawakan ko yan Sab, babalik ka at itutuloy natin ang ating istorya " bulong ko ng malapitan atsaka ko hinalikan ang kaniyang labi.

Naglakad kami papasok, nauna itong naglakad saakin at dumiretyo kami sa ATM machine.

" Gutom kanaba Matt? Gusto mong kumain muna tayo bago ako umalis?Libre kita " tanong ni Sab saakin habang kinukuha niya ang pera sa atm machine.

" Anong libre libre, ako na manlilibre sayo sa susunod mona ako ilibre kapag bumalik kana " sagot ko atsaka kami muling naglakad papunta ng canteen.

Pagkarating naming dalawa ay inilapag ko ang mga gamit niya atsaka ko siya pinaupo.

" Anong gusto mong kainin Sab? " tanong ko sakanya. " Siopao nalang siguro, yung paborito nating flavor hahaha " sagot niya.

Agad akong pumunta sa counter at bumili ng tatlong siopao at dalawang tubig atsaka ko ito binayaran. Pagkadating ko sa table naming dalawa ay mabilis niyang pinatay ang kaniyang telepono atsaka niya pinunasan ang namumuong luha sakanyang mata.

" Hey Sab what's wrong? Why are you crying? " napa-english kong tanong sakanya atsaka ko inilapag ang mga binili ko sa lamesa.

" Nothing, napuwing lang ako Matt lumipad kasi yung alikabok dahil sa hangin " sagot niya kaya kahit hindi ako kumbinsido ay inintindi ko nalamang. " Tara kain na tayo" dagdag panito.

Binigay ko yung dalawa sakanya at pinatabi ko ito sa loob ng kaniyang bag, binuksan namin ng sabay ang balot ng siopao atsaka namin ito pinagdikit na para bang alak.

" HAHAHAHA siraulo " usal niya atsaka siya kumagat ng kaunti.

Habang kumakain siya ay hindi ko siya mapigilang mapagmasdan, napakaganda niya. Ang tangos ng ilong, makapal na kilay, mahahabang pilik mata at manipis na labi samahan mo pa ng tila gatas nitong kutis. Sino ba namang hindi magkakagusto sakanya diba?

" May dumi ba ako sa mukha? " tanong niya kaya't bumalik ako saaking diwa at napailing nalang.

" Pasensya na at hindi ko mapigilang titigan ka hahaha, matagal tagal din sigurong hindi kita makikita " sagot ko at napangiti naman ito. Binitawan niya ang hawak niyang siopao at hinawakan niya ang pisngi ko.

" Salamat "

Makalipas ang isang oras at papasok na si Sab sa Departure Area, mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko mapigilang umiyak ng sobra.

Walang gustong magsalita saaming dalawa, tila napipi kami sa katotohanan na kailangan muna naming maghiwalay.

Kinuha naniya saakin ang kaniyang maleta atsaka ito mabilis na tumalikod at naglakad papasok ng airport.

1

2

3... pagbibilang ko saaking isipan at hinihiling kong lumingon man lang siya upang masilayan ko muli ang kaniyang mukha.

Hindi nga ako binigo ng tadhana, lumingon siya na mugtong mugto ang mga mata. Napansin kong gumalaw ang kaniyang mga labi at may binulong ito sa hangin bago tumalikod...

"Mahal na mahal kita Matt, patawad..."

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon