Chapter 12

13 2 0
                                    


" So ready na for opening ang night sky view dinner place? " tanong ni Bernard saakin habang binabasa ang mga papeles na iniabot ko sakanya.

" Yes, ready for opening na boss "

Nasa office niya ako ngayon, alas-diyes na ng umaga at nagsisimula na ang preparation para mamayang gabi. Nakapako ang aking paningin sa breath taking view sa aking harapan. Ang office kasi ni Bernard ay nasa mataas na part ng Isla at ang isang parte ng dingding nito ay gawa sa Tinted Glass.

" Yung about sa date niyo ni Sabrina, itutuloy mo ba? " tanong niya at tumayo ito para maglakad-lakad.

" Kung okay lang sayo, yeah itutuloy ko "

" Big boy kana talaga bro! " pang-aasar niya saakin kaya't kinunutan ko ito ng noo.

" Okay lang saakin, but I have a favor "

" What is it? " I asked.

" Tutal mukha naman kayong model ni Sabrina, pwedeng kayo na lamang ang kunin para sa photoshoot? Kailangan kasi nating isama sa brochure ang bagong pakulo ng resort and also it will be posted in social media " sagot niya kaya't natigilan ako.

" Pero nakiusap kasi saakin si Sabrina na dapat walang makaalam na nandito siya sa Palawan. May mga pictures kami pero hindi namin nilalabas sa social media dahil baka matunton siya agad ng parents niya " I said and then suddenly the guilt is starting to swallow my system. Alam kong mali na sinang-ayunan ko iyon dahil tiyak akong napapagod at nahihirapan na ang pamilya niya sa paghahanap sakaniya.

Pero takot akong mawala siya saakin...

" I have an idea, kumuha na lang tayo ng mga angle na hindi mahahagip yung mukha niya "

" Paano? Are you sure for that? " may agam-agam ang aking pagtatanong.

" Just wait and see, trust me bro "

MARAHAN kong binuksan ang pinto ng aking kwarto, lumapit ako saaking higaan at ibinagsak ang katawan. Ilang araw na akong sagad sa trabaho, kulang rin sa tulog dahil naisipan kong gumawa ng plano para sa isang bahay.

Iba talaga pag-inspired HAHA!

Nanatili akong nakatingin sa kisame at hinihintay ang aking talukap na kusang bumagsak, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong pagod pero satingin ko ay worth it naman.

Bigla akong napalingon sa pintuan ng muling bumukas iyon.

" What do you want Sab? " tanong ko nang makapasok na siya saaking kwarto.

" You look so tired hmm " she said at umupo ito saaking tabi.

" Yeah you're right "

" Do you want massage? I will do it for you " tanong niya saakin at tumayo siya muli para kuhanin siguro yung langis.

" No, just stay here " marahan kong hinawakan ang braso niya at hinila pabalik.

" Kung ayaw mo, l-lalabas na ako para makapagp-pahinga ka ng maayos " nauutal siya, she's so cute!

" Ikaw ang pahinga ko, wag mo akong iwan" bulong ko at nakita kong napabuntong hininga siya.

" Okay, I'll stay here "

Umayos ako ng pagkakahiga habang siya ay nakaupo saaking tabi. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganitong lakas ng loob, at bakit ganito kalakas ang tama ko sakaniya.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon