Chapter 5

24 3 0
                                        


Kasalukuyan kaming naglalayag ngayon ni Daboy, magkasama kami ngayong araw para i-tour ang bente kataong turista, lahat sila magkakasama at puro Lalaki. Pinaghatian namin ang mga ito dahil hindi sila kakasya sa isang bangka lang.

Balik sa normal ang araw ko ngayon, naiwan si Sabrina sa karenderya kasama si Mama, napagpasiyahan kasi nitong tumulong sa negosyo namin bilang kapalit daw sa kabutihang pinapakita at pinaparamdam namin sakaniya.

Malapit na kaming dumaong sa islang gustong puntahan ng mga magkakagrupo kaya't tumayo ako saaking kinauupuan at kinuha ang atensyon nila.

" Malapit napo tayong dumaong sa Isla, bago tayo bumaba ay nais ko kayong paalalahanan na huwag magtulakan pababa, huwag magkakalat, at higit sa lahat huwag lalayo sa mga kasama " wika ko ngunit tinawanan lamang ako ng isa sakanila hanggang sa silang lahat na ang tumatawa.

" At bakit naman kami susunod sa isang hamak na kagaya mong tourguide lang " maangas nitong sabi atsaka niya diniinan ang salitang "LANG".

Huminga ako ng malalim at nagpipigil ng inis dahil una sa lahat, turista sila at sila ang magbabayad saakin.

" Alam mong hindi ako isang " Tourguide lang " Denver, besides wala rin namang masama sa pagiging tourguide dahil isa itong trabahong marangal " sagot ko at diniinan korin ang huling salita na binitawan ko.

" Oo nga pala, ikaw nga pala yung kaklase ko noong college na inagaw ang unang pwesto saakin diba Architect Matthew " may pagka-sarkastiko nitong sagot at nginisian ako nito.

Siya si Jake Denver Vasquez, kaklase ko noong college. Anak siya ni Mayor Ramil Vasquez. Simula palang ay mainit na ang dugo niya saakin, lagi niya akong binu-bully noon napunta pa nga sa puntong nag-agaw buhay ako noong itulak niya ako sa tubig at tumama ang ulo ko sa bato. Sinampahan namin siya ng kaso ni Mama kaso hindi kami nanalo dahil pinalabas ng kaniyang Tatay nasi Mayor Ramil na aksidente lang ang lahat.

' Hindi patas ang hustisya, lalo na saaming mahihirap ' bulong ko saaking isip at pinilit ko ng kumalma.

Pagkadaong namin sa dalampasigan ay nag-uunahan silang tumalon pababa ng bangka, iniwan nilang lahat ang kanilang mga gamit dito mismo sa bangka kaya't napailing-iling ako.

" Hoy! Bitbitin mo yang mga gamit namin pababa, siguraduhin mong walang mawawala at masisira diyan kung hindi malilintikan ka saakin " sigaw ni Denver, nagbintiw muna ako ng malalim na paghinga bago binuhat ang sampung backpack.

Binitawan ko iyon sa cottage na inarkila nila, hapong-hapo ako dahil sa bigat ng mga gamit na aking binuhat.

" Gago talaga yang k-kaklase mo noong college, spoiled brat " wika ni Daboy habang hinihingal ito, tiyak akong ganoon din ang ginawa ng mga sakay niya sakaniya.

" Hayaan na natin, magtrabaho nalang tayo" usal ko at tumango naman ito, napagpasiyahan nanaming lumabas sa cottage dahil kailangan panaming siguraduhing ligtas ang hawak naming mga turista.

Nakaupo kami ngayon ni Daboy sa ilalim ng puno habang nakatingin kami sa mga binabantayan naming turista, lahat sila ay nasa dagat.

" Alam mo pre, minsan hinihiling kona lang na sana hindi ganito ang trabaho natin, na nakatapos ako kagaya mo " usal niya kaya't lumingon ako sa kinauupuan niya, bakas sa mukha nito ang pagkadismaya at panghihinayang.

" Edi sana nabibili ko ang mga gusto ng anak ko, Sana ibang buhay ang meron kami ngayon " dagdag pa niya, napagpasiyahan kong lumapit pa ng konti sakaniya para maakbayan ito.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon