Chapter 8

19 2 0
                                        


" Matthew, pakidala itong order sa table 7 " utos saakin ni Mama at agad ko itong kinuha para dalhin sa customer.

Nasa Karinderya kami ngayon, pinili ko munang tumigil sa pagtu-tourguide para pumusyaw-pusyaw naman ng kaunti ang kulay ko, alam niyo na naghahanda para sa Pageant na gaganapin sa sabado.

Inilapag kona ang order sa table 7 at tinulungan ko silang ayusin iyon.

" Enjoy your meal Ma'am and Sir, " usal ko at nginitian ko silang dalawa.

" Pwede ba kaming magpa-picture? " tanong ng babae saakin atsaka niya inabot ang kaniyang telepono.

Lumapit ako sakanila at itinaas ang cellphone na nilagay ko sa front cam, nakakaisang shot pa lamang ako nang biglang hawakan ng babae ang aking balikat na naging dahilan para mapalingon ako sakaniya.

" I mean, kuhanan mo kami ng litrato " nahihiyang wika ng babae at sabay silang tumawa ng kaniyang kasama. Sa narinig kong iyon ay parang gusto ko na lamang na maglaho bigla dahil sa kahihiyan ngunit mas pinili ko na lamang sumabay sa kanilang pagtawa.

" Nako Ma'am Sir, nagbibiro lang ako " pagpapalusot ko ngunit tumango na lamang sila, sinimulan ko na silang kuhanan ng ibat ibang anggulo para mas maganda ang kinalalabasan.

Pagkatapos ko silang kuhanan ay dali-dali akong bumalik sa counter at sumandal na lamang bigla.

" Pahiya ka doon ano? " biglang singit ni Sabrina habang nakaupo siya sa harap ng kaha. Siya muna ang nagpresintang maging kahera ngayong araw dahil nag-sick leave si Ate Marites na halata namang makikipag-date lang sa Jowa niyang Afam.

Nagkaayos na kami ni Sabrina nung nakaraang araw, ayaw kona sanang pag-usapan ang naging sagutan namin noong araw ng pictorial pero siya na mismo ang nagreach out para ipaliwanag lahat ng nasabi niya saakin.

" Tsk! Hindi naman kasi malinaw yung pagkakasabi nila " sagot ko habang nililibot ang aking Mata sa loob ng karinderya.

" Sus! Sisisihin mo pa yung customer HAHA" usal niya ngunit tinignan ko lamang siya. " By the way, kumusta yung costume mo? " pag-iiba niya ng topic.

" Ayun, gusto ko sanang tumulong kaso sabi ni Daboy sila na lamang ni Wilma ang gagawa dahil nakapag-aral naman ang kaniyang asawa sa paggawa ng mga damit at costume " sagot ko at tumango tango naman ito.

Tinanggal niya ang kaniyang suot na apron atsaka lumabas ng counter, dumiretso siya sa sofa at umupo para magpahinga, habang tinitignan ko siya ay napagpasyahan kona ring umupo sa tabi niya.

" Eh yung talent mo? Atsaka wala ba kayong practice ngayon? " sunod sunod niyang tanong saakin.

" Ayun, oks naman hindi naman gaanong bongga eh atsaka sabi ng organizer saamin magpahinga muna raw kami ngayong araw" sagot ko at hindi na siya kumibo ngunit naramdaman ko naman na inihilig niya ang kaniyang ulo saaking dibdib.

" Pagod ka? " tanong ko sakaniya, ginalaw ko ang aking isang kamay at ipinalupot ito sakaniyang bewang, ramdam na ramdam ko ang mabagal niyang paghinga at ang init  na pinapakawalan ng kanyang katawan.

" Slight lang " tugon niya, hindi ko na napigilan ang sarili kong amoy-amuyin ang kaniyang buhok. Sa totoo lang ito ang favorite position ko ito yung weakness ko. Feeling ko dinadala ako nito sa ibang mundo at tanging kaming dalawa lamang ang naroroon. Tila tinatanggal nito ang pagod na dala-dala ko simula noong sumali ako sa pageant.

Hinayaan lamang naming dalawa na nasa ganoon kaming position, walang gumalaw o umangal man lang tila nagpapakiramdaman kaming dalawang kung sino ba ang unang dapat magsalita.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon