Chapter 1

30 5 36
                                    

" Magandang umaga Coron!!! " sigaw ko habang nakadungaw ako sa bintana ng aming bahay, sabay sabay namang nagsilingunan ang mga tao sa dalampasigan. Mga mangigisda, mga kapwa ko suma-sideline sa pag tourgide at ang mangilan-ngilang turista.

Langhap na langhap ko ang malinis na hangin na bumabaybay sa katubigan. Nakakarelax at nakakawala ng pagod.

Iniunat ko ang aking katawan habang nakaharap sa salamin.

" Humahaba na naman ang balbas ko " bulong ko saaking sarili habang tinitigan ko ang aking pagmumukha. Ilang minuto lamang ang lumipas at bumalik akong muli sa higaan at inayos ito.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng kusina para mag-umagahan. Amoy na amoy ko mula rito ang masarap na amoy na niluluto ni Mama. Pagkadating ko sa kusina ay nakita ko siyang masayang nagluluto, tila maganda ang gising nito.

" Ma, anong meron at ang saya saya mo ngayon? May nanliligaw sayo no hmm? " pambibiro ko sakanya kaya't bigla itong lumingon saakin na magkasalubong ang kilay.

" Siraulo ka talagang bata ka! Hindi ba pwedeng masaya lang kasi sa wakas tapos kana ng kolehiyo at nagkaroon nako ng isang Architect Matthew Gavin Cornejo, " sagot niya at inihapag niya ang ulam sa lamesa.

" Nako Ma, nambola kapa eh, kung hindi naman dahil sa pagod at tiyaga mo hindi ko maaabot ito eh. Tara nanga kumain napo tayo hahaha " usal ko at inumpisahan nanaming kumain ni Mama.

Pagkatapos naming kumain ni Mama ay nagpaalam itong pupunta muna sa palengke para bilhin ang mga kakailanganing sangkap para sa mumunting karinderya namin.

Lumabas na ako ng aming bahay at agad akong pumunta sa aking bangka na pinanghahatid ko sa mga turistang gustong pumunta sa ibat ibang isla dito saamin. Dali Dali akong umupo sa unahan nito.

" Matthew! May mga pasahero kana ba? " sigaw ng isa kong kaibigan na papalapit saakin habang inaalalayan niya ang mga turistang naka toka sakanya ngayong araw.

" Oh Daboy! Magandang umaga! Wala pa pre, tinanghali ako ng gising eh hahaha " sagot ko at bumaba ako ng aking bangka para tulungan siyang isakay ang kaniyang mga pasahero.

" Sakto pre, may mga naghihintay dun sa entrance, Lima katao magbabarkada ata ikaw na yung naisip kong mag tour sakanila tutal ikaw din naman ang pinaka bata satin hahaha " usal niya atsaka ko nalamang ito tinanguan at tinungo ko nalamang ang kinaroroonan ng mga turista.

Habang naglalakad ako ay isinuot ko ang salamin na regalo saakin ni mama para hindi ako masilaw sa sinag ng araw. Malapit na ako sa kinaroroonan ng mga turista at tanaw kona ang mga ito, sa tantya ko ay kasing edaran ko lamang ang mga ito. Yayamanin ang mga postura at mukhang mga taga maynila ang mga ito.

" Magandang umaga sa inyo " pagbati ko sakanila at napatingin naman ang dalawang babae saakin na para bang nakakita ng artista. Kinindatan ko lamang ang mga ito kaya't bumalik sila sakanilang diwa.

" Ikaw ba ang anak ng may-ari sa resort na ito? " tanong ng isang lalaki kaya't hindi ko mapigilang tumawa.

" May nakakatawa ba sa tanong niya? " mataray na tanong ng isang magandang babae habang nakatitig ng diretyo saaking mga mata.

" Wala naman, ako nga pala si Matthew Gavin. Matt nalang atsaka hindi ako yung anak ng may-ari. Ako yung tourgide niyo " dire-diretyo kong sagot at nagkatingin nalamang silang lahat.

" So magkano ang renta sa bangka at sa labor mo? " mataray na muling tanong ng babae. " 3k nalang po lahat hanggang mamayang alas otso ng gabi " hindi ako nagpatalo at nilapit ko ang mukha ko sakanya atsaka ako pabulong sumagot.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon