Chapter 11

28 2 6
                                    


Mainit ang panahon ngayon, nasa dalampasigan ako at nagmamasid sa mga trabahador. Ito ang pinaka-unang project ko, hindi ko naman inaasahan na magugustuhan ito ng management.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong nag-bonding kami ng mga kaibigan ko, sa mga araw na lumipas ay wala namang gaanong importanteng nangyari. Bumalik muli sa normal ang lahat, kung hindi lang talaga sa project na ito ay tiyak akong pumapalaot ako ngayon kasama ng mga turista.

" Architect Matthew! " dinig kong tawag saakin kaya't lumingon  ako sa pinanggalingan niyon. Nakita kong naglalakad papunta saakin si BB, Boss Bernard! HAHAHA.

" Yes BB? May kailangan ka? "

" Tangina mo, Bernard nga kasi " buwelta nito kaya't hindi ko mapigilang matawa.

Siya si Boss Bernard Kim, 29 year's old. Isa siyang Engineer. Anak siya ng may ari nitong Isla at resort. He is the OIC for the meantime, nasa South Korea kasi ngayon ang Papa niya. Kilala ko na siya simula pa nung bata kami, ngunit sa kasamaang palad ay pinadala siya ng kaniyang magulang sa korea para doon mag-aral.

" Osige na, may kailangan ka boss? " tanong ko sakaniya.

" Kumusta ang project? " tanong niya saakin habang pinagmamasdan ang mga trabahador.

" Bat' ako ang tinatanong mo? Diba ikaw ang engineer hays " wika ko na naging dahilan para lingunin niya akong muli.

" Eh diba ikaw ang nagbabantay ngayon? Umamin kanga, anong hinithit mong gago ka? " naaasar niyang wika habang nakakunot ang noo.

" Ayos naman boss, malapit ng matapos yung tatlong floating dinner places " sagot ko at sinenyasan ko siya para sumama saakin.

" As you can see, halos kumpleto na kailangan na lamang ng mga decorations and lights para mas maging maganda ang view pag gabi " dagdag ko.

" So kailan natin maaaring magamit ito? " tanong niya saakin.

" Tomorrow boss, pwedeng pwede na "

" Talaga? " tanong niya at halatang hindi siya makapaniwala.

" Yes boss, dinner place lang naman eh... Don't worry, kahit mabilis ang pagkakagawa ay garantisadong matibay to"

Napansin kong naglakad siya papunta sa upuan, ipinatong niya ang kaniyang dalawang paa sa lamesita at sinindihan ang kaniyang sigarilyo.

" Upo ka, may mga tanong ako na dapat mong sagutin " utos niya kaya't hindi ko naiwasang kabahan, kahit na magkaibigan kami ng boss ko ay may pagkakataon parin talaga na kailangan naming isantabi iyon.

" Totoo ba na ginawa mo ang blueprint na yon para sa isang babae? " nakangisi niyang tanong na naging dahilan para mapawi ang kaba ko.

" Ahm yeah, halos mahigit na isang buwan narin siya rito " sagot ko at lumapit ako ng kaunti sakaniya. " Yung babaeng kinu-kwento ko sayo na pinatuloy namin sa bahay bulong ko.

" Ah oo, siya yung babaeng pinatuloy niyo kahit bawal HAHA!" Pang-aasar niya ngunit sinabayan ko na lamang ang kaniyang pag-tawa.

" Balak ko kasi siyang bigyan ng isang romantic dinner ba, bilang pasasalamat para sa mga naitulong niya saakin noong pageant " pagpapaliwanag ko at muli kong binalikan ang mga araw na magkasama kami, mga pagkakataon na nasisilayan ko yung matamis niyang ngiti.

" Pasasalamat lang ba? Mukhang meron pa eh, manliligaw kana ba? "

" Ha? Manliligaw? H-hindi no! " giit ko at nag-iwas ako ng tingin.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon