Chapter 3

35 5 62
                                    

" Good morning Sab " bati ko sakaniya nang makita ko siyang lumabas saaking kwarto, may dala itong toothbrush at sabon.

" Good morning din Matt at Tita Gina " usal niya atsaka naman ito naglakad papalapit saamin.

" Andun sa kusina ang lababo namin iha, pagpasensyahan mona at sakto lamang ang laki ng bahay namin " sabi ni Mama at itinuro niya kung nasaan Ang kinaroroonan ng lababo.

Ngumiti at tumango naman si Sabrina bago dumiretyo sa kusina. Samantala, inaayos naman namin ni Mama ang lamesa para makapag-agahan na. Habang abala kami ni Mama sa paghahanda ng agahan ay dumating naman si Daboy at may dala-dala itong pinakuluan na alimango.

" Good morning Mommy Gina! Good morning pre! " Pagbati niya ngunit nginisian ko lamang ito.

'tangina HAHAHAHA mama lang tawag ko sakanya tapos si Daboy mommy? Ibaden! HAHAHA' bulong ng aking isipan.

Nilapitan ko siya at kinuha ang dala niyang alimango.

" Saan mo galing ito? " Tanong ko atsaka naman kami umupo sa tapat ng lamesa.

" Kina Mang Estong, kakauwi lang nila galing laot kaya't naisipan kong bilin yang paborito mo para naman makabawi ako " sagot niya.

" Ang sweet naman ng baby ko HAHAHA " pang-aasar ko sakaniya kaya't nagbago ang timpla ng mukha niya.

" Siraulo " bwelta niya atsaka naman ito nakisabay sa pagtawa namin. Bumaling ang mata ko Kay Mama at kasalukuyan niyang hinahati ang dalawang alimango.

" Sinabi konaman kasi sayo kapag nagdadala ka ng ganiyan wag mong pinapakita kay Mama, alam monamang bawal sakaniya yan " mahinang bulong ko kay Daboy.

" Matthew Gavin! Narinig ko yon umayos-ayos ka " usal niya at nagkibit-balikat nalang kaming dalawa.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko ng pumasok si Sab galing kusina, naka pusod ang buhok nito ngunit may ilang hibla parin ng buhok ang nakalaglag sa bandang mukha niya. Ngayon kolang din napansin ang suot niyang oversized t-shirt at shorts ngunit halos takpan na ito ng pang -itaas niya.

" Iha halikana sumabay kana saming kumain " pag-anyaya ni Mama at pinaupo niya ito sa kaniyang tabi.

" Sino siya pre? Girlfriend mo? Siya bayung dahilan kung bakit inaya mo akong maglasing nung isang gabi? " Sunod sunod na tanong ni Daboy habang naglalagay ito ng pagkain sa plato.

" Gagu hindi, Siya yung turista kahapon, nangungupahan siya ngayon ng kwarto saamin " sagot ko at panakaw naman akong tumingin kay Sab. Tumayo naman bigla si Daboy atsaka niya inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ni Sab.

" Hi Ma'am ako nga pala si David Bolinawe kaibigan ni Matt " pagpapakilala niya.

" You don't need to call me ma'am, I'm Sabrina " sagot niya at nakipagkamayan naman ito.

" Tangina tol ano daw? English eh diko maintindihan haha " biro niya ngunit siniko kona lamang ito.

Nag-umpisa na kaming kumain habang pinag-uusapan nila Mama at Sabrina ang mga bagay tungkol sa pag-uupa ng kwarto dito sa bahay.

" Mga magkano naman po ang renta sa kwarto Tita? " Tanong ni Sabrina kay Mama.

" 2,000 pesos nalang siguro per month, ikaw lang naman mag-isa eh atsaka kasama nadin dun yung pagkain dito " sagot ni Mama at tumango-tango naman si Sabrina.

Underneath the Same Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon